Ang Kaso Ni Lolo Prudencio Ay Isang Pambansang Usapin at Pangsambayanang Karapatan!

Paunawa: Ang larawan ni Lolo Prudencio ay mula sa Rappler INFO.

Ang Isyu ng “Identity” O Pagkakakilanlan Ay Usaping Dokumentaryo Lamang.

Ayon sa balita ng Rappler, umapela pa ang gobyerno sa pagpapalaya kay Lolo Prudencio para igiit na sya talaga ang hinahanap na consultant ng mga rebelde ng National Democratic Front (NDF) ng New People’s Army (NPA). Pauna na at agad naming dinedeklara na ang isyu ng kasong “identity” ni Lolo Prudencio ay isang simple usaping dokumentayo lamang. Wala nang iba. Bayan, bagamat ito ay parang isang dumaang balita laman, unawain na ito ay isang napakalalim, napakatinding abuso ng gobyerno dahil ito ay parte ng sistema ng gobyerno at Korte Suprema mismo ay nag desisyon na ukol dito sa kason ng isang Juan na naiulat na namin nang ilang beses sa aming advocacy platform na ito. Ang Kapangalan Mo Kaso Mo ay isang pambansang isyu. Sa totoo lang, isa itong “crime against humanity” o krimen sa sangkatauhan na aming idudulog sa ICC, sa United Nations Commission on Human Rights at sa United Nations Security Council at iba pang mga susumbungan natin sa labas ng bansa sa katarantaduhan ng gobyerno ng Pilipinas sa mga Pilipino.

Ang apela ng gobyerno sa desisyon ng Court of Appeals o CA na palayain si Lolo Prudencio sa Korte Suprema ay isa lamang desperadong “saving face” o pagsagip sa kahihiyan ng makakapal na mukha ng mga abusong Katulisan Kapulisan ng gobyerno.

Unang Pahina mula sa post ng Rappler
Huling Pahina mula sa post ng Rappler
Bakit pinalaya ng Court of appeals si Lolo Prudencio?

Paglabas pa lang ng balita sa “Just In” post ng DZMM, sumulat agad kami sa CA at humingi kami ng kopya ng desisyon nito. Lumipas ang buong lingo mula ng Hunyo 30, 2025 Lunes, hindi man lamang nag “acknowledge” ang CA sa pakiusap. Inulit namin ang pakiusap noong Hulyo 4, 2025 Byernes. Kapag nagbigay ang CA ng kopya, aming hihimayin ang desisyon nito para sa taumbayan.

Hindi ito kaso ng “Mistaken Identity”

Taliwas sa tawag ng media, ang kasong kapangalan na ito ay hindi “mistaken identity” dahil walang taong testigo na nagkamali na nagsasabi na ang hinahanap na consultant ng NDF ay si Lolo Prudencio. Bagkus ito ay isang kaso ng “mistaken record” (maling tala) na ginamit para paratangan ng krimen si Lolo Prudencio (false charge).

Korte Suprema Mismo Nagsabi Kung Ano Ang “Identity” o pagkakakilanlan

Ang Korte Suprema ay tumalakay ng usaping “identity” o pagkakakilanlan sa isang kasong ukol sa pagtatama ng pangalan na tinala ng gobyerno sa isang Juan. Ito ang kaso ni Julian Lin Carulasan Wang na ang titulo ng kaso ay:

IN RE: PETITION FOR CHANGE OF NAME AND/OR CORRECTION/CANCELLATION OF ENTRY IN CIVIL REGISTRY OF JULIAN LIN CARULASAN WANG also known as JULIAN LIN WANG, to be amended/corrected as JULIAN LIN WANG, JULIAN LIN WANG, duly represented by his mother ANNA LISA WANG, Petitioners,
vs.
CEBU CITY CIVIL REGISTRAR, duly represented by the Registrar OSCAR B. MOLO, Respondents.

na dinesisyunan noong Marso 30, 2005 sa ilalim ng desisyon na may bilang na G.R. No. 159966. Sa desisyon na ito, pinaliwanang ng Korte Suprema ang kahalagahan ng “identity” o pagkakakilanlan.

Since the State has an interest in the name of a person, names cannot be changed to suit the convenience of the bearers…The Court has had occasion to express the view that the State has an interest in the names borne by individuals and entities for purposes of identification, and that a change of name is a privilege and not a right, so that before a person can be authorized to change his name given him either in his certificate of birth or civil registry, he must show proper or reasonable cause, or any compelling reason which may justify such change. Otherwise, the request should be denied...”Since the State has an interest in the name of a person, names cannot be changed to suit the convenience of the bearers…The Court has had occasion to express the view that the State has an interest in the names borne by individuals and entities for purposes of identification, and that a change of name is a privilege and not a right, so that before a person can be authorized to change his name given him either in his certificate of birth or civil registry, he must show proper or reasonable cause, or any compelling reason which may justify such change. Otherwise, the request should be denied...

A discussion on the legal significance of a person’s name is relevant at this point. We quote, thus:

For all practical and legal purposes, a man’s name is the designation by which he is known and called in the community in which he lives and is best known. It is defined as the word or combination of words by which a person is distinguished from other individuals and, also, as the label or appellation which he bears for the convenience of the world at large addressing him, or in speaking of or dealing with him. Names are used merely as one method of indicating the identity of persons; they are descriptive of persons for identification,…

The names of individuals usually have two parts: the given name or proper name, and the surname or family name. The given or proper name is that which is given to the individual at birth or baptism, to distinguish him from other individuals. The name or family name is that which identifies the family to which he belongs and is continued from parent to child. The given name may be freely selected by the parents for the child; but the surname to which the child is entitled is fixed by law.

A name is said to have the following characteristics: (1) It is absolute, intended to protect the individual from being confused with others. (2) It is obligatory in certain respects, for nobody can be without a name. (3) It is fixed, unchangeable, or immutable, at least at the start, and may be changed only for good cause and by judicial proceedings. (4) It is outside the commerce of man, and, therefore, inalienable and intransmissible by act inter vivos or mortis causa. (5) It is imprescriptible.

This citation does not make any reference to middle names, but this does not mean that middle names have no practical or legal significance. Middle names serve to identify the maternal lineage or filiation of a person as well as further distinguish him from others who may have the same given name and surname as he has. Accordingly, the registration in the civil registry of the birth of such individuals requires that the middle name be indicated in the certificate. The registered name of a legitimate, legitimated and recognized illegitimate child thus contains a given or proper name, a middle name, and a surname.

Bigyan natin ng diin ang mga salitang Ingles na naka titik ng matabang itim (bold font) sa ating wika:

  1. Ang estado o gobyerno ay may interes sa pangalan ng isang tao para matukoy ang kanyang pagkakakakilanlan.
  2. Ang pangalang ito ay ang nakatala sa kanyang sertipiko ng pagkasilang (birth certificate) o sa tala ng gobyerno (civil registry).
  3. Ang kahalagahang pang-legal ng pangalan na itinala ng gobyerno sa isang tao ay dahil ito ang pangalan ng kanyang pagkakakilanlan sa lipunan at ito ang natatanging pinakasiguradong paraan ng kanyang pakakatukoy kumpara sa ibang tao.
  4. Ang pangalang nakatala sa gobyerno ay isang paraan ng pagkakalinanlan ng isang tao.
  5. Ang pangalan ng isang tao ay kanyang unang pangalan at apelyido.
  6. Ang katangian ng isang pangalan ay (1) tiyak o sigurado para maprotektahan sya na hindi sya mapagkamalan na ibang tao (2) … (3) mababago lang ito ng korte (4) … (5) hindi mawawala magpa kailan man.
  7. Kasama ang apelyido ng ina sa pangalan ng isang tao na kailangang itala sa gobyerno para lalo pang tiyak na matukoy ang kanyang pagkakakilanlan kumpara sa ibang tao na pareho ng kanyang unang pangalan at apelyido.

Pansinin ang pinagsamang pagdidiin ng ikatlo at ikapitong numero: na ang pangalan ay proteksyon sa batas para hindi sya mapagkamalang ibang tao.

Mga Dokumento Na Magpapatunay Ng Identity o Pagkakakilanlan

Base mismo sa diskusyon ng Korte Suprema na katatalakay natin, malinaw na ang “identity” o pagkakakilanlan ng isang tao ay mapapatunayan ng tiyak ng birth certificate o tala sa gobyerno (civil registry).

Bukod sa birth certificate ang pasaporte ay isa ding katibayan para patunayan ang pagkakakilanlan dahil ito ay binibigay lamang ng gobyerno pagkatapos na magpatunay na ang isang tao ay Pilipino sa pamamagitan ng birth certificate. Sa ilalim ng batas sa Philippine Passport Act of 1996 R.A. 8239, nakasaad ang:

SEC. 2. Statement of Policy. – The people’s constitutional right to travel is inviolable. Accordingly, the government has the duty to issue passport or any travel document to any citizen of the Philippines…

SEC. 5. Requirements for the Issuance of Passport. – No passport shall be issued to an applicant unless the Secretary or his duly authorized representative is satisfied that the applicant is a Filipino citizen who has complied with the following requirements: … b. The birth certificate duly issued or authenticated by the Office of the Civil Registrar General … h. In case of discrepancy between the applicant’s name in the birth certificate and in any other private documents, the former shall prevail over the latter unless by operation of law or through court order, the applicant is permitted to use a name other than  what is officially recorded in the Civil Register…”.

Nakasaad pa nga na ang birth certificate ang mangingibabaw kung may ibang dokumento nagsasaad ng pagkakaiba ng kanyang pangalan sa birth certificate.

Samakatwid, ang pagkakakilanlan ng isang tao ay napakadaling patunayan sa pamamagitan lamang ng pagpapakita ng birth certificate o pasaporte. Malinaw ang isyu ng pagkakakilanlay ay isang usaping dokumento lamang. 

Ebidensya Ng Pagkakakilanlan Ni Lolo Prudencio

Sa balita ng Rappler, binaggit na “[t]he CA said Analyn, Calubid’s daughter, and their witnesses convincingly proved that Calubid was different from the suspect ordered arrested by court. Analyn presented overwhelming documentary evidence to establish the identity of the detained person…’ This included Calubid’s identification documents, such as SSS, student records, and even his national ID. 

Bagamat hindi nabanggit sa ulat ng Rappler na kasama dito ang birth certificate (baka walang pasaporte si Lolo Prudencio), ang SSS at National ID ay mga dokumentong nangailangan naman ng birth certificate bago ito maibigay sa isang Pilipino.

Tapos Na Ang Isyu Ng Pagkakakilanlan Ni Lolo Prudencio, Ang Abuso Ng Gobyerno Na Ang Isyu Para Ito Ay Panagutin.

Sa ulat pa ni Rappler, binanggit na: “[t]he court noted that when he was arrested, Calubid had presented documents to prove his identity and, when interviewed by the police, had further asserted he was not the Prudencio Calubid they were looking for since he had the suffix ‘Jr.’

Ang pinagkaiba ay may “Jr.” si Lolo Prudencio at ang hinahanap na NPA ay wala. Bagamat hindi nabanggit sa balita ng Rappler kung pareho ng middle name din ang kanyang kapangalan, hindi na ito mahalaga sa pagsusuri na ito kasi ang “Jr.” ay kasama sa pangalan na ginagamit nating mga Pilipino sa birth certificate para malinaw na matukoy na iba ang identity nya sa kanyang ama.

Dahil napatunayan na sa pagsusuri ng Court of Appeals na ang dokumentong pagkakakilanlan ni Lolo Prudencio, tapos na ang isyung sya nga ba ang hinahanap na consultant ng NDF.

Binanggit din ng Rappler sa ulat nito na: “[a]part from these, the appellate court said the respondents — officers of the PNP and Manila City Jail — failed to exert ‘due diligence’ in determining whether Calubid was really the subject of the warrant. According to the court, the arrest and detention due to mistaken identity could have been prevented if the respondents were careful, but instead, ‘they utterly failed to substantiate their suspicion’ that the two men were the same. ‘What also confounds the Court is that the investigation carried out by the police officers, which primarily involved browsing internet sources and social media, was publicly presented as though a comprehensive and meticulous intelligence operation was conducted, which apparently was not,’ the CA said, adding that the authorities should have based their probe and findings on official records.” 

Ang pananalita ng CA na ito ay ukol sa mga abuso ng gobyerno: ang mga Katulisan Kapulisan at Manila City Jail. Bagamat hindi binanggit sa balita ng Rappler (o desisyon ng CA), kasama dito sa abuso ng gobyerno ang mga kapalpakan (abuso pa rin) ng pag isyu ng warrant of arrest ng RTC judge, ang pagharang ng DoJ puskal sa habeas corpus petition at sa pagpanig ng nasabing RTC judge sa mga Katulisan Kapulisan at DoJ puskal na tama ngang si Lolo Prudencio ang hinahanap na consultant ng NDF.

Sa ilalim ng batas, ang mga abusadong mga opisyal ng gobyerno na ito ay mga krimen:

  1. mananagot ang Katulisan Kapulisan sa illegal arrest at illegal detention
  2. mananagot ang Manila City Jail sa illegal detention
  3. mananagot ang RTC judge sa pag isyu ng warrant of arrest at pag deny ng habeas corpus petition sa ilalim ng Article 204 (unjust order)
  4. mananagot ang DoJ puskal sa di makatarungang pagharang sa habeas corpus petition.
Kahayupan at Kademonyohan Ng Gobyerno

Ang ikulong ang isang mamamayan kahit isang araw nang walang katwiran at makatarungang pagsusuri at paglilitis ay isang karumal dumal na abuso ng gobyerno. Ang ikulong si Lolo Prudencio ng anim na buwan — at kung hindi pa sinagip sya ng mga human rights lawyers ay malamang nasa piitan pa rin sya hanggang ngayon at magpa kailan man — ay isang kahayupan ng gobyerno. Hindi na natin babanggitin na si Lolo Prudenio ay matanda na sa edad na 81, may sakit at mahina na dahil hindi ito konsiderasyon sa batas. Ngunit bagamat ang katandaan at kahinaan ni Lolo Prudencio ay isang konsiderasyong pang moralidad, ang pagpapakulong kay Lolo Prudencio ay isang kademonyohan ng gobyerno.

Ka-Satanasan Ng Gobyerno

Ang pag-apela ng gobyerno sa desisyon ng CA sa Korte Suprema ay karapatan ng gobyerno. Kasi pag hindi sila umapela, pwede nang idemanda ang mga hayop at demonyo sa mga krimeng ginawa nila. Siguradong kulong sila at magbabayad ng danyos sa pinsala kay Lolo Prudencio. Bukod sa pagpapaliban ng kanilang siguradong pagkakakulong at pagbabayad, ay baka sakaling panigan sila ng Korte Suprema.

Sa apela ng mga hayop at demonyo sa gobyerno sa pamumuno ng Office of the Solicitor General (OSG), inulat ng Rappler na: “‘The OSG’s motion for reconsideration harps on technicalities and merely repeats the PNP-CIDG’s (Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group) false claims that it had conducted ‘extensive investigation and intelligence gathering’ to verify Calubid’s identity,’ Karapatan secretary general Cristina Palabay said. Karapatan, along with the National Union of Peoples’ Lawyers, helped the Calubid family in the case said.

Kung gaano kalawak at kalalim (extensive) ang imbestigasyon ng mga hayop a demonyo ay hindi isyu ng kung si Lolo Prudencio ba ang NPA na kanilang hinahanap. Bagkus, ito ay isyu kung dapat silang panagutin sa mga krimeng kanilang ginawa kay Lolo Prudencio.

Ang apela ng mga hayop at demonyo ay dahil may “abuse of discretion” daw ang CA — umabuso daw sa mga pagpapasya ng tatlong mahistrado dito. Sa totoo lang, ang apela ng mga hayop at demonyo na ito ay pauna sa kanilang desperadong depensa sa siguradong demanda ni Lolo Prudencio para sila panagutin sa kanilang abuso ng gobyerno sa kanya. Takot na ang mga hayop at demonyo kaya ginagamit ang makinarya ng gobyerno para sila makalusot sa siguradong pagkakakulong at pagbabayad.

Pero teka muna, pakinggan natin ang katwiran ng abusong gobyerno. Sa ulat ng Rapple: “The OSG also argued that the questions on Calubid Jr.’s identity had already been addressed because the old man did not object during his arraignment. It added that Calubid Jr. “was already identified in open court by prosecution witnesses before the filing of the instant Petition for the Writ of Habeas Corpus, making the matter effectively settled.

So, sabi ng OSG na hindi daw nag-object sa arraignment hearing (unang pagharap sa korte para magsabi kung guilty sya o hindi) si Lolo Prudencio. Wala syempre tayo doon at wala tayong mga papel ng korte pero basehan natin ang ulat ng Rappler: “Despite willingly going with the PNP Criminal Investigation and Detection Group, since he was confident that his identity would be verified and cause his release from custody…” Maari ba naman na hindi tumutol e “confident” nga si Lolo Prudencio na pagka verify ng identity nya, palalayain sya.

Tapos sabi ng OSG meron daw na prosecution witnesses. E wala namang nabanggit ang CA na nagtestigo laban kay Lolo Prudencio. Ang sabi ng CA, “browsing internet sources and social media” ang ginawa ng mga Katulisan Kapulisan. Kung may testigo, e “mistaken identity” ang argumento natin pero wala naman kaya ang kasong ito ay isang “mistaken record” ng gobyerno o a.k.a. abuso ng gobyerno!

E bayan, sa totoo lang, pera-pera na naman ang pinagmulan nito. Sa ulat muli ng Rappler: “According to the NUPL, the real Prudencio Calubid had a P7.8-million bounty and was part of the PNP’s most wanted list. In the petition, the family and the lawyers argued that the police pursued detaining the elderly man, despite knowing that he was not the same person in the wanted list.” E pera pala habol, mga satanas talaga!

Kaya bayan, kitang kita natin natin na desperadong palusot ito ng abusong gobyerno. Imbes na aminin at tanggapin na lamang na nagkamali ang kanilang mga hayop at demonyo sa gobyerno, e pahihirapan pa ng alalahanin si Lolo Prudencio at pamilya nito. E hindi lang pala hayop at satanas ang gobyerno, kundi satanas pa!

NA-DESISYUNAN NA NG KORTE PROBLEMA ANG ISYUNG ITO

Matatandaan na nilathala na namin dito ang desisyon ng Korte Problema sa eksaktong isyung ito sa Kapangalam Mo Kaso Mo.

Kasama dito sa post na ito ang galit na galit na si Tulfo nang magsumbong sa kanya ang isa pang Juan nang ikulong ito ng 8 araw dahil may kapangalan na akusado na walang middle name sa tala ng gobyerno.

Aming muling nilalatag dito ang desisyon ng Korte Suprema sa reklamo ni Juan sa kahayupan at kademonyohang gawain at katwiran din ng mga taga Binangonan RTC OCC, RTC Branch 68 Judge De Guzman at RTC Branch 70 De Mesa sa Binangonan.

Dismis Dahil Sa Maliit Na Bagay Na Teknikal Na Panuntunan
Dismis Wala Daw Basehan Ang Reklamo

Bagamat dinismis ng Korte Problema sa paraang teknikal ang kanyang petisyon na “abuse of discretion” ang paglilitis sa kanya, sinabi din ng Korte Problema na “in any event, the petition failed to sufficiently show that the questioned judgment is tainted with abuse of discretion.”

Nakulong din ang aming Juan dahil sa abuso ng gobyerno sa Kapangalan Mo, Kaso Mo.

Nang mabasa namin ito, ang tanong namin sa sarili namin sa Korte Problema ay ganito: “ano ba talaga ang dahilan ng desisyon nyo mga ate at kuya? Dismis dahil walang tamang papel o dismis dahil walang ebidensya?” Kung ang petisyon ay “failed to sufficiently showe bakit hindi ito ang dinahilan ng Korte Problema? Bagkus, kulang daw ng sertipikasyon — na tunay na mang walang kwenta. Kung talagang “failed to sufficiently show” e bakit hindi pinaliwanag kung bakit failed! Kasi nga umiiwas sa isyu dahil malinaw na isang “crime against humanity” ang patakaran at panuntunan na pinaiiral ng Korte Problema sa buong kapuluan.

Eto pa, kaya nagdismis ng teknikal ang Korte Problema ay dahil dineklara ni Juan na panangutin nya ang Korte Suprema sa abuso nito sa mamamayang Pilipino sa prosesong pinaiiral nila na tinawag ni Juan na Kapangalan Mo, Kaso Mo. Nilinaw ni Juan na isasampa nya sa ICC, UN CHR, UN Security Council at iba pang pwedeng pagsumbungan sa labas ng bansa.

Salungat ang court of appeals Sa Boss Nilang Korte Problema

Pansinin na ang kaso ni Lolo Prudencio na Kapangalan Mo, NPA Ka ay isang halimbaw ang “crime against humanity” na sinusulong namin na Kapangalan Mo, Kaso Mo. Sa desisyon ng CA, mali ang gobyerno. Sa ulat pa ni Rappler:

According to the court, the arrest and detention due to mistaken identity could have been prevented if the respondents were careful, but instead, ‘they utterly failed to substantiate their suspicion” that the two men were the same.”

“’What also confounds the Court is that the investigation carried out by the police officers, which primarily involved browsing internet sources and social media, was publicly presented as though a comprehensive and meticulous intelligence operation was conducted, which apparently was not,’ the CA said, adding that the authorities should have based their probe and findings on official records.”

“’When the scales of justice are weighed between a citizen who has been deprived of his liberty, despite asserting and substantiating with evidence that he is not the wanted person, and the State that has all the manpower, resources, and institutional machinery to verify information and arrest and detain the right person, the Court would not hesitate to resolutely side with the citizen,’ the appellate court added.”

Bago natin ikumpara sa desisyon ng CA sa desisyon ng Korte Problema, isuma natin ang makatarungan at makataong katwiran ng CA:

  1. Kailangan ng maingat na pagsasaliksik bago iparatang ang Kapangalam Mo, Kaso Mo.
  2. Kailangang basehan ng pag-akusa sa Kapangalan Mo, Kaso Mo ay mula sa opisyal na tala ng gobyerno.
  3. Malawak at maraming tauhan at makinarya ang gobyerno para suriin at saliksikin bago magparatang ng Kapangalan Mo, Kaso Mo.

Ngayon naman ikumpara natin sa katwiran ng kanilang boss na Korte Problema. Ang katwiran ng Korte Suprema sa desisyon sa reklamo ni Juan ay … walang katwirang binigay! Basta dismissed! Eto ba ang uri ng ating hukuman kataas-taasan? Aba sa desisyong ito, sila ang hukumang mababa pa sa lupang ating tinatapakan!

Pahabol: hindi ba binanggit namin na humingi kami ng kopya ng desisyon ng CA? Binanggit din namin sa CA na salungat ang desisyon nila sa Korte Suprema.

ANO Kaya Ang Sasabihin Ng Korte Problema sa Apela labaN sa desisyon ng Court of Appeals?

Pagalay namin ay ganito:

Ano ka ba naman C.A., nilagay mo ko sa alanganin! Sinabi na namin kay Juan na walang mali sa proseso namin sa Kapangalan Mo, Kaso Mo na nadiskubre ni Juan sa Binangonan. Ano na ngayon ang mukhang ihaharap namin kay Juan? “

“Pag pumanig pumanig kami sayo, lagot kami kay Juan at sa mga pagsusumbungan nyang ICC, UN at iba pa. Mapapahiya kami! Ano ba yan, be!

“Pag pumanig naman kami sa mga hayop, demonyo at satanas ng gobyerno ni BBM e di magiging hayop, demonyo, at satanas din kami sa taumbayan tulad nila!

ISULONG NATIN ANG BATAS NA SIBAKIN! KAPANGALAN MO, KASO MO.

Bayan, bantayan po natin itong kaso sa Korte Problema ni Lolo Prudencio at ang mga kasong isasampa nya laban sa mga hayop, demonyo at satanas sa gobyerno.

Pero kahit po mapalaya natin ng pinal si Lolo Prudencio at mapakulong at mapagbayad nya mga hayop, demonyo at satanas, hindi po dito nagtatapos ang problema.

Ang ugat ng problema ay ang Kapangalan Mo, Kaso Mo na patakaran at panuntunan ng gobyerno. Isa itong parte ng sistema ng abuso ng gobyerno! Kailangan natin puksain ang abusong ito.

Bayan, bukod po sa abangan din po natin ang sumbong namin sa ICC, UN at iba pang pwedeng sumbungan sa labas ng bansa, kailangan po nating magsulong ng pagbabago. Kailangan nating patayin ang kahayupan, kademonyohan, at ka-satanasan sa gobyerno.

Hinihimok po namin kayo na lumagda sa petisyon sa ibaba para maisabatas natin ang pagkakapuksa ng Kapangalan Mo, Kaso Mo. Kailangan po natin ng 12 million signatures dahil ito ang sapat na boto ng isang senador sa halalan sa 2028. Paki-pasa po ang pahinang ito sa ating mga kababayan. Para po sa ating lahat ito laban sa mga hayop, demonyo at satanas sa gobyerno.

Signings

0

Goal

0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
Katulisan Kapulisan ng Binangonan PNP Nambugbog Ng Hinuli

AI ang Tagapagsalita BABALA: NAKAKAGALIT AT NAKAKALUNGKOT ANG TORTYUR VIDEO NA ITO KAYA HUWAG PO PANOORIN KUNG KAYO AY MADALING Read more

Mark, Binugbog Ni Kapitan Aga, Tinaniman Ni Liberato

Bawal Ang Dayo, Arestado Ka! https://youtube.com/shorts/aWBp2rrQgU4 SULAT-KAMAY NI MARK MULA SA BILANGGUAN Sinalaysay ng A.I Speaker Sa Video Pahina 1Pahina Read more

Asawa Ng Inosenteng Kinulong Nagsumbong Ng Pagkuryente Ng Bibig at Ari

MGA KASAMA SA KULUNGAN NG NAGSUMBONG GUSTO IPAALAM SA TAUMBAYAN KUNG PAANO SILA PINAHIRAPAN NG KATULISAN. https://youtube.com/shorts/T6jnjkcw0FI FB CHAT NG Read more

SIBAKIN! KAPANGALAN MO, KASO MO.

PETISYOn NG TAUMBAYAN NAG DESISYON NA ANG KORTE SUPREMA NA WALA DAW MALI ANG PANUNTUNAN NA ITO. Ang panuntunan ng Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *