Kung may usok, may apoy
Paunawa: Ang clip ay retaso mula sa video ng ABS-CBN News: https://youtu.be/DTqd_cmqjFw?si=wCKQJitCvVY-gTmh

Hindi naman tanga si SoJ Remulla kung agad nyang kakausapin ang boss ng Korte Suprema. Syempre sinuri at nag check muna sya kung legit ang sumbong na sangkot ang mga bayarang judges ng Korte Sistema. May usok, may apoy!
Bayan, kailangan nating bantayan yang sumbong na yan kasi kung sa mass murder na ito ay nababayaran ang mga judges hanggang justices ng Korte Suprema aba talagang malala na ang ating Korte Problema. So ang talagang kalalabasan ay:
Katulisan Kapulisan + Korte Sistema = Get Away With Mass Murder.
Sa aming SERYE: MGA SABUNGERO PINABAYAAN NG GOBYERNO, paano hindi pababayayaan e bayaran ang korte sistema. Imagine lagpas sa 100 na ating mga kababayan ang hindi lang pinatay kundi nilapastanganan pa ang kanilang mga bangkay!
Kaya sino mang itong judges o justices na nabayaran o open na magpabayad para ilusot itong mass murder ng ating mga kababayan ay isang hayop, demonyo, at satanas. Mga halang ang kaluluwa.
#AbusoNgGoberyno | #KorteSistemaKorteProblema | KorteSupremaKorteProblema | #KatulisanKapulisan
Leave a Reply