HYPERACTIVE OVER-DRAMATIC NAMAN TONG SI MAN OF THE YEAR!
Paunawa: Ang mga larawan ng magkatunggali ay mula kay Atty. Respicio at ANC News. Ang YouTube video ay mula sa: https://youtu.be/HyDip-N10Kg?si=UGWgm6HNFGJpPNC-


Ito talaga si Respicio hyperactive over-dramatic na to nababawasan ang kaseryosohan ng isyu.
Ano Ba Talaga Attorney?
Sa video layunin ng grupo ni Respicio imbestigahan ng NBI ang election interference at illegal transmission of election results. Tapos may admission of fault na si Comelec Chair Garcia pareho dito. Tapos hindi daw muna mag pa-recount ng election. Teka teka muna.
Malinaw ang mga alegasyon. Madali intindihan yan na iba ang version na na-audit sa ginamit na sistema at hindi diniretso ang election results sa dapat tumanggap na sistema. So ang paratang nandaya si George. Tapos inamin pareho ito ni George. So bakit pa kelangan imbestigahan ng NBI di ba dapat idiretso na yan sa demanda sa korte para sa pagpapakulong? Kasi kung may admission di na kelangan ang NBI investigation kasi nga umamin na sa mga alegasyon na hindi sinunod ang batas sa audit at sa direct transmission. Linawin natin, kahit hindi tama ang proseso ni George maaring wala naman dayaan. Pwedeng matigas lang mukha nya. Pero kulong pa rin si George kahit walang dayaan kasi nga umamin sya sa maling mga proseso sa version ng software at sa direct transmission kasi nga hindi nya sinunod ang utos ng batas. Samakatwid, double-check lang ang NBI sa pag-amin ni George ukol sa proseso na ito. Pero iba ang isyu ng dayaan.
Ngayon, si NBI daw ang mag “audit” kung talagang may dayaan pero hindi sila magpapa-recount sa NBI dahil sa Korte Suprema sinabi nila na dapat manual count hindi electronic count.
Teka muna uli, so para malaman na may dayaan mag test-count itong si NBI sa pamamagitan ng manual count at ikumpara sa naitala na electronic count. Tapos apply ang statistical conclusion kung malawakan ang dayaan para masabing nagkaroon nga ng dayaan sa eleksyon. E ang point don ke isolated ang dayaan o malawakan, kelangan i-recount para ma uphold ang totoong boto ng bayan.
Tapos hindi daw nila hinihingi sa NBI ang ipa-recount ang election tally kasi wala daw kapangyarihan ang NBI na ipawalang bisa ang eleksyon at mag-utos ng recount. Tama naman. Besides, nasumbong na nila sa Korte Suprema na hindi nag-manual count ang Comelec. So ang inaasahan nila dahil daw malinaw naman ang batas, iuutos naman ng Korte Suprema na mag manual count. Habang naghihintay sila ng desisyon ng Korte Suprema ay papa-imbestigahan naman nila sa Senado para ulitin ang reklamo nila na nahain na sa NBI. Kumbaga nag-forum shopping na sila sa investigation stage pa lang kahit na ang NBI ay para sa criminal prosecution ng dayaan (remember matik na ang criminal prosecution sa proseso ng maling version ng software at diversion ng transmission) at si Senado naman ay in aid of legislation (for what legislation nga lang naman?).
Ganito lang naman ang gusto nilang mangyari: mag manual recount dahil nga ang hindi pagsunod ni Comelec sa 1) version ng software, 2) direct transmission ng result at 3) hindi pag manual count ay siguradong nagkadayaan.
Eto namang reporter ayaw prangkahin
Tanong ng reporter ano daw ang “implication” ng report ng NBI kung may dayaan. E di recount din! Kasi naman kung reporter ka, kung pulpol ang dahilan ng iniinterview, pulpol ka din kung hindi mo diretsahin na kapulpulan ang mga pinagsasabi nila. Ang totoong layunin nila ipa-recount ang eleksyon! Sa dami ng complaint nila: Korte Suprema, NBI, Senado.
Ang dapat gawin nila antayin ang utos ng Korte Suprema kasi malinaw naman sa batas ang manual counting. Pag kinumpara ito sa electronic count, makikita don kung may dayaan. Malamang meron kasi nga bakit ka susuway sa proseso ng utos ng batas sa tatlong bagay na nirereklamo nina Respicio.
Pero eto namang si Respicio, mang-aasar agad kay George. Eto namang si Alex, totoo namang hindi tayo bulag, takot o natutulog. Ang problema ang gobyerno alam din yan pero walang ginagawa supilin si George. Kasama na ang Korte Problema kasi pwede naman silang mag motu-proprio at agahan ang desisyon bago pa sana nag June 30, 2025. Kaya tayo magulo kasi nga abuso ang gobyerno!
Alam nyo ba, matindi abusong marites sa reina mercedes?

Basahin ang Marites text kay VM Respicio. May balak pala ang mayor nya patalsikin sya. Uso na talaga patalsikin mga vice ngayon a. Akala mo magpapasalamat si VM sa nagsumbong sa kanya, kaso nagtaray si VM. Pero tama naman si VM na kelangan nyang maging disente kesa maging antipatiko sa kalaban nya sa pulitika para maisulong ang pagbabago sa Reina Mercedes.
Kaya lang naive sya kung hindi nya bibigyan ng seryosong atensyon etong report na gusto syang patalsikin ng mayor nya. Na-offend sya na paratangan na binigyan sya ng pera ni mayor kasi bati na sila ni mayor.
Sa totoo lang, nakita namin na walang paninindigan si Respicio. Nung suspended ang proclamation nya, panay tira nya kay George. Paulit-ulit kasama pa ang dapat daw na pagpapa-impeach kay George kasama ng kanyang mga commissioners. Tapos nung pinayagan na sya ni George maproklama, BFF na sila. Nakalimutan na nya ang impeachment at ang mga tirada
nya. Nabuhay na lamang ng makatanggap sya ng warrant of arrest sa sinampang kaso ni George sa kunong fake news nya (sa puntong ito abuso talaga si George at tama si Respicio). Sayang, magaling pa naman pwede ngang senador sa pagiging bibo. Pero kulang sa integridad at sinseridad ng prinsipyo. Pagtitira ka, tirahin mo kahit na sumuko pa hanggat di napaparusahan sa mga abuso nya.
#AbusoNgGoberyno
Leave a Reply