Part 1 of 3

Mga Kasama Sa Pag-Torture: Lima Pang Katulisan Kapulisan

Bisitahin Muli Ang BINANGONAN PNP Viral Torture Video Dito.

Paunawa: Ang boses ay likha ng A.I. ngunit ang salaysay ay mula kay Jervy.

Salaysay Ni Jervy Sa Torture Ng Katulisan Kapulisan NG BINANGONAN PNP

MULA SA VIRAL TORTURE NIGHT, UMABOT NG APAT NA ARAW PA, BAGO PA DINALA SI JERVY SA KULUNGAN AT PATULOY ANG TORTURE KAHIT NA NAKAKULONG NA SYA

Ako si Jervy edad 29 at kasalukuyang nakapiit sa Binangonan, Rizal.

Noong April 21, 2024, bandang alas 9 ng gabi sa pamamagitan ngFB Messenger, inakit ako nina Jucy Aviles at Bok Alutaya na aking mga kaibigan sa bahay nina Jeric Payuyo upang mag-inuman at ako naman ay tumugon.

Dumating ako sa bahay nina Jeric Payuyo ng mga bandang alas 10 ng gabi, maya-maya pa ay biglang dumating na din sina Jucy at Bok.

Nang kami ay nasa loob na, inutusan ako ni Jucy na bumiling alak sa tindahan na nasa harapan ng bahay ni Jeric Payuyo.

Paalis na ako at lalakad na ay biglang may sumakal na galing sa aking likod. Napag-alaman ko na ito ay si Bok dahil sa kanyang boses nang utusan niya si Jucy na kumuha ng tali para hindi ako makatakas.

Nang nakatali na ako ay may kinausap silang isang babae na nakilala ko sa alias na “Honey”, bagamat hindi ko kilala ang kanyang tunay na pangalan ay kilala ko siya.

Sinabi nina Jucy at Bok kay honey na “tawagan mo na si Sir Delos Santos. Nahuli na namin si Jervi, Baka makatakas pa.” At tinawagan ni Honey ang mga pulis gamit ang cellphone. 

Mga bandang alas 11 ng gabi noong April 21, 2024, dumating sina”Sir Delos Santos” na naka kulay itim at si “Sir Liberato” na nakajersey. Makikita ito sa mga ipinadalang video sa inyong opisina, na kuha sa isang CCTV, ng asawa ni “Ambo”, na kasama ko dito sa Binangonan jail . Ito ay kuha sa CCTV mismo nina Jeric Payuyo na may-ari ng bahay sa Barangay Lunsad, Binangonan, Rizal.

Ako ang lalaking makikita sa video na walang awang binubugbog ng dalawang nakasibilyang pulis habang nakatali. Pinagsisipa at pinagsusuntok din nila ko nang walang, kalaban-laban.

Pagkatapos nito, tinawagan nila ang driver ng kanilang service na kulay puting L-300 van na luma at isinakay ako dito at sabi ni Sir Delos Santos na “sa barracks na lang ituloy at baka may makakitang ibang tao.” Dinala na nila ako sa kanilang barracks sa Barangay Tayuman sa may LTO, mas kilala sa tawag na bagong palengke.

Nang madala na nila ako sa kanilang barracks ay pinosasan nila ang aking mga paa at kamay at ipinasok sa kulungan doon sa barracks na may kulay puting rehas. Sa mga pagkakataong iyon, ako ay nakaramdam ng takot sapagkat di ko alam kung mabubuhay pa ako. Ilang sandali pa ang lumipas, pinataas nila ang aking mga kamay habang ako ay nakaposas at pinagsusuntok ako ni Sir Liberato sa tagiliran.”

Larawan Ng Sinumpaang Salaysay
Part 2 of 3

Basahin ang mga pangalan ng lima pang Binangonan Katulisan Kapulisan at alamin sa mga susunod na posts kung paano sila naki-torture kay Jervy.

Taumbayan kung kilala nyo po ang mga tulisang ito, paki PM po kami ng kanilang FB account at para mailathala ang pagmumukha ng mga Katulisan Kapulisan ito ng taumbayan.


#AbusoNgGoberyno

๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

Makiisa! Pumirma Sa Petisyon Ng Taumbayan Ngayon.

SIBAKIN! SARADO GOBYERNO, SARADO KARAPATAN MO

SIBAKIN! KAPANGALAN MO, KASO MO.

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
Katulisan Kapulisan ng Binangonan PNP Nambugbog Ng Hinuli

AI ang Tagapagsalita BABALA: NAKAKAGALIT AT NAKAKALUNGKOT ANG TORTYUR VIDEO NA ITO KAYA HUWAG PO PANOORIN KUNG KAYO AY MADALING Read more

Mark, Binugbog Ni Kapitan Aga, Tinaniman Ni Liberato

Bawal Ang Dayo, Arestado Ka! https://youtube.com/shorts/aWBp2rrQgU4 SULAT-KAMAY NI MARK MULA SA BILANGGUAN Sinalaysay ng A.I Speaker Sa Video Pahina 1Pahina Read more

Asawa Ng Inosenteng Kinulong Nagsumbong Ng Pagkuryente Ng Bibig at Ari

MGA KASAMA SA KULUNGAN NG NAGSUMBONG GUSTO IPAALAM SA TAUMBAYAN KUNG PAANO SILA PINAHIRAPAN NG KATULISAN. https://youtube.com/shorts/T6jnjkcw0FI FB CHAT NG Read more

NUPL band-aid approach, ang Abuso Ng Gobyerno immunize

Maigi naman at sinagip ng NUPL ang kababayan natin. Kaya lang band-aid approach. Selective papogi. Di naisip ang tamang solusyon Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *