Pwede Na Pero Hindi “Significant” o “Tough”

Paunawa: Ang mga larawan ay mula sa Malacanang at Aljazeera.

Bago pa lumipad si BBM para kitain si Trump, 20% ang dagdag sa presyo ng produkto mo pag benta mo sa mga Amerikano. So kung presyo mo sa Pinas ay 100, babayaran ng Amerikano ay 120 kasi 100 + 20 = 120.

Dahil nakabawas si BBM ng 1%, ang epekto sa presyo ng produkto mo ay pagbaba ng piso: 119 na lang kasi 100 + 20 – 1 = 119.

Sapat na ba ang presyo mo na 119 para malabanan mo ang mga produktong tulad ng sayo (kaledad at katangian) na gawa ng mga Amerikano at ibang bansa?

Nagmura ka ng piso.

So magaling ba si BBM sa 1% na bawas? Ang tawag natin dyan “pwede na rin, kesa naman sa wala”, pero hindi “significant” o malaki at hindi “tough” o magaling tumawad.

Pero suriin natin. Makikita sa larawan sa itaas na 17% ito noong Abril 2025. So ang presyo mo non ay 100 + 17 = 117.

Naging 120 ito bago lumipad si BBM. Tumaas ka ng 3 na ang katumbas ay 3/17 ay mga 18%. Ngayon, dahil sa dalaw ni BBM e 2 na lang ang taas kaya ang katumbas ay 2/17 = 12%.

Ang pagbaba ba na mula sa 18% to 12% o katumbas na 6% na pagtaas ng presyo mo ay malaki na?

Ang sagot, pwede na rin pero hindi pa rin malaki o magaling na tawad.

Ngayon, tingnan naman natin kung magkano ang produkto ng Amerika pag binenta sa atin. Pag bumili ka ng produkto nila sa Amerika, 100 lang bayaran mo. Pagdating dito 134 na kasi 100 + 34 = 134.

So sa ganitong usapan, wais ba ang Pinas? Hindi din kasi pinataas nito ang bilihin sa mga Pilipino. Mas lalong masama kasi yung 34 ay ibubulsa ng mga taga gobyerno.


#AbusoNgGoberyno


๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *