Ang gulo Kasi Nagmula sa Pakialamerong Korte Problema
Ang Problema Sa Mga Dakdakan Sa Social Media Ay Hindi Muna Basahin At Intindihin Ang Desisyon Ng Korte Problema
Una muna, eto ang aming buod ukol sa desisyon ng Kore Problema:
Bukod sa mas malinaw ang paliwanag ni Dean Mel Sta. Maria kesa kay dating Justice ng Korte Problem na si Adolfo Azcuna ay mas marami syang tama.
Pero marami pa ding mali si Dean kahit binasa nya ang desisyon
- Para eksakto ang usapan “effectively” dismissed ang naunang tatlong impeachment complaints ginamit na salita ni Leonen, ang pontente ng desisyon ng Korte Problema — hindi “deemed” dismissed. Ang ponente ay ang naatasan na sumulat ng “majority” (nakararami) opinion. Pansinin ang pagkakaiba ng impeachment complaints (ito ang dokumento) sa impeachment proceeding (ito ang pagproseso ng impeachment complaint).
2. Ang 4th complaint ay ikalawa lamang (hindi ikaapat) na “initiated impeachment proceeding” kasi ang binibilang ng one-year bar ay “proceeding“, hindi impeachment complaint. Yung tatlong naunang complaint na nabinbin na nasaraduhan na ng 19th Congress ang syang na “effectively initiated” ng first impeachment proceeding.
3. Hindi sinabi ni Leonen na “deemed initiated” o kahit “effectively initiated” (o kahit kelan ito naganap) ang impeachment proceeding kasi nga “effectively dismissed” impeachment complaint. Ang sabi nga nya imposible alamin ang initiation date ng impeachment proceeding dahil hindi nga na-aksyunan ang naunang talong impeachment complaints.
4. Ang pag “effectively” dismissed ay hindi dinagdag ng Korte Problema kasi natural consequence ito ng pagsasara ng Kongreso. Kasi ang isang impeachment complaint ay dalawa lamang ang dapat mong maaring gawin:
(a) una, aksyunan hanggang mag “initiate” ng “impeachment proceeding”
(b) o kaya naman ay di mo aksyunan hangang mag sara ang Kongreso.
Sinabi na nga ng Dean. Nagtanong pa ulit si Ted. Hindi naintindihan ni Ted ang “initiation” na binabanggit sa one-year bar rule:
File sa Sec Gen + Refer sa COJ = Initiation
pero mas kumpleto eto:
File sa Sec Gen + Pass to House Speaker + Add to Order of Business + Refer sa CO = Initiation
Inulit uli ni Ted na “initiate” ng impeachment COMPLAINT (ito ang dokumento). Hindi nga ito ang binibilang kundi ang “initiate” ng impeachment PROCEEDING (ito ang proseso).
5. Hindi akma ang pagsasahalintulad (analogy) sa Preliminary Investigation (Mode 1) at Inquest (Mode 2).
Ang dahilan kung bakit mas madali yung Mode 2 kasi ang complainant mismo ay ang 1/3 ng House. Sa Mode 1 ang complainant ay citizen o na endorse ng isang kongresista lamang kaya dadaan pa sa House para suriin.
Yung Mode 2 dahil House na ang gumawa ng complaint di na nila kailangang suriin sarili nila.
So sa totoo lang pareho lamang ang proseso. Kaya nila tinawag na “express” ang Mode 2 kasi wala yung “pagsusuri phase ng House” sa Mode 1 kasi nga obvious naman di ito kailangan.
Eto pa, ayon sa Konstitusyon na pinaliwanang ni Leonen na ang Mode 1 at Mode 2 ay parehong may kasamang pagdinig ng depensa ng nirereklamo dahil lahat ng nasasakdal sa kahit anong usapin ay may “right to be heard” (RTH) o karapatang pakiggan ang panig sa ilalim ng due process of law (DPL) o tinakda ng batas na makatarungang proseso.
6. Mali pareho si Dean at Ted na sabihin wang RTH/DPL sa Mode 2. Sabi ni Leonen sa kasong kriminal o administratibo (gaya ng impeachment) o civil o ano mang pagsusuri na pinal na ang hatol ay kailangan may RTH/DPL.
7. Yung “technically legal” sa sinabi ng Concurring Opinion (Justice Hernando) ay para sa first 3 complaints — hindi naman daw bawal sa batas na hindi aksyunan hanggang ma-archive.
Pero kung susuriin mo, bawal ito sa batas kasi hindi inaksyunan ang tatlong naunang impeachment complaints para maipasa sa Senado ang 4th impeachment complaint. Ang tawag dito ay “abuse of discretion” din.
E di ba naman ang Certiorari petition ni Sara ay sinusumbong nya na may “abuse of discretion” ang Tongreso? E nag-agree ang Korte Problema na may “abuse of discretion” pero sa 4th complaint. Isipin mo kasama sa “abuse of discretion” ang pag archive kasi pag hindi mo inarchive ang tatlo kailangan mo ding isampa ang tatlong ito sa Senado.
Kaya mali si Justice Hernando na ang mag-archive ng naunang tatlong reklamo ay “technically legal” kundi “abuse of discretion” ito na bawal sa batas kaya “technically illegal”.
8. Yung mga salita na “lack of transparency” (pagsekreto) at “abruptness” (pagmamadaling biglaan) ay galing yan sa mga taga Davao na abogado na nag hain din ng Ceriorari Petition ilang araw maghain si Sara ng kanyang Certiorari Petition.
Yang kakupalan ng mga Tongresista sa “caucus” ay nireklamo ng mga taga Davao. Sila nagsabi ng “political game/maneuver”, “compromising integrity” at “whimsical judgement”.
9. Mali si Dean na ang “bad faith” (sinadyang gumawa ng masama) ng 19th House ay hindi naman pinatunayan sa Korte Problema dahil wala naman daw na hinain na ebidensya. Meron!
Hindi ba pinasagot naman ng Kortet Problema ang House sa listahan ng mga tanong ng Korte Problema. Ang sagot ng House na ito ang basehan ng “bad faith”
10. Mali pa rin si Dean na dapat na wag nang maglagay ng “gatungan” ang mga judge/justices ang desisyon nila. Ibig sabihin maging “softie” at wag na pansinin ang ABUSO NG GOBYERNO. E kaya marami KUPAL sa gobyerno kasi “baby touch” ang pag iisip. Dapat birahin, murahin, ipahiya, ipamukha ang mga KAHAYUPAN ng mga abusadong tongresista.
11. Totoo na ang Attestation ay sinumpaan na nabasa at naintindihan ang kanilang boto para sa 1/3 vote ng 4th complaint. Tototo din na sabi ng SC matibay na pruweba na ito ay wasto onang tawag ay presumption of regularity.
Dyan mali ang Korte Problema. Kaya maraming sinungaling. E kadaling ipeke yan. Wag nang mag presume ng regularity. Dapat ganito ang panuntunan ng Korte Problema: kung ihahain na ebidensya ang Attestation, patunayan ng naghain (sa usapin ay House) na regular ito na wasto ang pagkakagawa. Hindi baligtad na patutunayan ng kalaban (sa usapin si Sara) na hindi wasto ang Attestation dahil nga sa mga kabalbalan na ginawa ng mga Tongresista!
Sabi pa ni Dean kahit sa notaryo. E alam natin lahat na ang pag notaryo sa bansa natin ay isa pang nuknukan ng kriminalidad yan. Halimbawa, hindj naman nagkikita ang nanunumpa at ang abogadong notaryo. Ang nagkikita lamang ang nagdala ng papel (halimbawa driver) at secretary ng notary public. Sa Binangonan, Rizal nga si Atty Bernardo ay may tatlong notary offices sa Rizal — Cardona, Binangonan, at Angono. Paano mapapanumpa ni Atty Bernardo ang mga nanunumpa sa tatlong opisina nya sa 3 bayan ng personal? Imposible yan unless nakakalipad sya gaya ni Superman.
Sa totoo lang ang Attestation at Notaryo ay may threat of perjury na may panganib na ikaw ay makulong sa pagsisinungaling. E sa Pinas di naman nagdedemanda mga tao madalas kaya ang general rule mag peke na lang kasi mahirap patunayan ang “state of understanding” ng nanumpa sa dokumento.
12. Mali pa uli si Dean na dahil di naman nag “hearing” ang Korte Problema, hindi mapapasinungalingan ang mga Attestation ng Tongresista.
13. Mali pa rin si Dean na dahil sa sinusundan lamang ng mga Tongresista ang sinabi ng Korte Problema (ang tawag ay jurisprudence) ay hindi dapat magsabi ang Korte Problema na “immoral” atbp ang Tongresista. Mali si Dean kaya nga ang tawag ay “immoral” kasi nga “legal” nga ang pagsunod mo sa jurisprudence ng Korte Problema.
Sa totoo lang yang mga jurisprudence ng Korte Problema may mga kabalbalan din. Alamin sa link na ito:
14. Mali pa rin si Dean na hindi naman dapat pakinggan si Justice Hernando dahil isa lamang sya sa 13 na Justices sa 15 myembro ng Korte Problema (isang Justice naka leave, isa pa nag inhibit) nagdesisyon. E di b naman na “unanimous” ang desisyon? Ibig sabihin lahat ng 13 pareho ng desisyon! Kaya kung di man sabihin ng Ponente ang sinabi ng “concurring opinion” ay kasama sa “majority” decision. E sa kaso ngang ito lahat sila agee kaya lagpas pa sa majority.
PAGTAWID NG REKLAMO
Sa totoo lang ang unang argumento ni Sara sa Korte Problema ay nakapag initiate ng impeachment proceeding ang tatlong naunang impeachment complaints. [Panalo si Sara dito.]
Kung talo sya sa unang argumento e di tuloy ang impeachment proceeding base sa 4th complaint kaya may ikalawa syang argumento.
Ang ikalawa argumento ni Sara ay kahit na hindi nalabag ang one-year bar rule, ang impeachment complaint na lilitisin ng Senado sa impeachment proceeding ay hindi naman matatapos ang pagdinig kasi nga magsasara ang Kongreso dahil sa eleksyon at hindi ito maitatawid sa susunod na Senado kasi nga hindi naman “continuing body” ang Senado. [Panalo pa rin si Sara dito. ]
Dahil nanalo si Sara sa unang argumento nya na labag sa batas ang 4th complaint dahil ikalawa na itong impeachment proceeding, hindi na kailangang sagutin ang ikalawang argumento ni Sara. Ganunpaman suriin natin kung natalo si Sara sa unang argumento nya:
(a) sabi ni Sara hindi continuing body ang Senado dahil terminado ito sa pagsara ng Kongreso base sa Unfinished Business rule – panalo sya dito.
(b) kaso sabi din ng Senado na continuing body ang Senado as an institution kasi may 12 senador na natitira pag may eleksyon – wa epek ito sa isyu.
15. Dahil dito wala sa desisyon ng Pontente ang isyung pagtawid ng impeachment complaint — kaya mali uli si Dean. Ang sinabi lamang ng Ponente (Leonen) at Hernando ay
(1) continuing body ang Senado pero hindi ang House at
(2) ang impeachment proceeding ay terminado dahil “unfinished business” (hindi natapos). Pinaliwanag namin sa baba na mali itong pangalawang punto ng dalawang Justices.
Tama naman ang paliwanag ni Dean sa “functus officio”. Kaso sa totoo lang mali ang Korte Problema dahil ang sabi sa Balag na desisyon ng ibang komposisyon ng Korte Suprema, ang “functus officio” ay para lamang sa mga “day-to-day” business: trabaho ng Senado ay gumawa ng batas kaya ang pang araw-araw nilang trabaho ay pagtalakay sa panukalang batas. E hindi naman araw araw na na may impeachment proceeding.
Pagpalagay natin na ang 4th complaint ang talagang naunang “impeachment proceeding“. Hindi ba kahit na binalik ng Senado ang reklamo sa House ay hindi naman “dismissed” ang impeachment complaint at nilinaw nila ito sa pag remand (pag balik) nila sa House?
Ngayon dito natin pwede pag usapan ang pagiging “continuing body” ng Senado. Tuloy tuloy ang Senado dahil hindi nagsasara ito dahil may 12 Senador na hindi naman tatakbo sa eleksyon at patuloy ang termino nila ng tatlog pang taon. Hindi tulad ito ng House na walang natitirang kongresista pag nag eeleksyon.
May panuntunan din ang Senado gaya ng House na terminado lahat ng di natapos na bills o panukalang batas pag nagsara ang House para sa eleksyon.
Kaso ang impeachment nga ay hindi day-to-day bill, bihira lamang ito. Kaya ang pag terminado ng mga unfinished bills ay hindi sakop ang impeachment proceeding kaya pwedeng tumawid ang impeachment complaint mula sa 19th Congress to 20th Congress na may mga bagong senador.
Ngayon sasabihin na kasama sa unfishined business ang “legislative investigation” (imbestigasyon para sa paggawa ng batas) na terminado. E hindi naman “legislative investigation” ang impeachment proceeding kundi “quasi-judicial investigation” (imbestigasyong paglilitis).
Sa totoo lang daming lito sa Pilipinas kasama ang Korte Problema.
Balik tayo kay Dean. Ang pagtalakay nya sa “functus officio” ay sa mga unfinished business ng House. Ang pagtawid ay hindi isyu sa House kasi nga kada eleksyon, walang House, kaya hindi continuing body ang House, hindi gaya ng Senado.
Kung halimbawa yung unang tatalong reklamo ay hindi na-archive, automatic ito terminado kasi kahit na hindi ito “day-to-day” business e hindi naman continuing body ang House.
Options ng Senado
Dito tama si Dean na ang tatlong pwedeng gawin ukol sa desisyon ng Korte Problema:
- Maghain ng Motion for Reconsideration. Tama si Dean na suntok sa buwan ito kasi nga unanimous ang desisyon.
- Mag antay na lamang muli na maghain ang House ng bagong impeachment complaint sa 2026. Kaso mali si Dean dito (ika 16 nyang mali) na AFTER daw ng Feb 6, 2026 ang unang araw na pwedeng maghain ng panibagong reklamo. Ang totoo itong araw mismo ng Feb 6, 2026 and unang araw kasi ang “effective dismissal” ay Feb 5, 2025, kaya next day ang unang araw sa pagbilang ng one-year bar rule.
- Ibasura ang desisyon ng Korte Problema ng Senado kasi ang Senado naman ang naatasan ng Konstitusyon na may “sole power” (ang natatanging may kapangyarihan) na mag litis ng impeachment complaint.
Sabi ni Ted malinaw naman ang sinaad ng Konstitusyon kaya bakit may debate, angal, kalituhan ang bayan. Tama naman si Ted, malinaw ang Konstitusyon. Tapos may binasa sya kung anong probisyong ang malinaw sa Konstitusyon. Kaso ang binasa nya ay ukol a Mode 2 at hindi naman ito ang tanong sa kaso.
Ang talagang dinisisyunan ng Korte Problema sa one-year bar rule ay ang Mode 1, kasi ito naman talaga ang tanong ni Sara: kung nag-initiate ng impeachment proceeding ang naunang tatlong impeachment complaints (Mode 1), e matik na bawal ang 4th complaint (Mode 2) na sinampa kasi ikalawa na itong initiation ng impeachment proceeding na pinagbabawal ng one-year bar rule.
May pahabol si Dean. Basahin daw ng mga law students ang desisyon o jurisprudence ng Korte Problema kahit daw malinaw ang Konstitusyon dahil baka sakaling may “nuanced” (madetalyeng desisyon) decision ito.
Sa desisyon ni Leonen, binanggit nya mismo ang salitang “nuanced” ukol sa kung kailan tumatakbo ang bilang ng araw ng one-year bar rule:
(a) pag di na aksyunan ang impeachment complaint, ang bilang ay mula sa araw ng na file ito (December 2, 2024 ang unang impeachment complaint).
(b) pag may konting aksyon pero hindi naipasa sa Committee on Justice, ang bilang ay mula sa araw na nadismis ito. Ito ang nangyari sa kaso ni Sara kasi nakaabot naman ang naunang tatlong impeachment complaints sa pag schedule sa Order of Business noong February 5, 2025, pero itong araw ding ito na-archive ang naunang tatlong impeachment complaints.
(c) pag may paglabag sa due process of law kahit anong oras bago umabot ang impeachment complaint sa Committee on Justice, ang bilang ay mula sa araw ng paglabag.
May pahabol yung alalay ni Ted. Sinabi nito ang Article 11 3(4) sa tanong nya mula sa tweet ni Tito Sotto ukol sa “sole power” ng Senado na maglitis ng impeachment complaint. Mali ang alalay kasi Article 6 ito sa Konstitusyon.
Pero maganda ang gusto nyang alamin, di lamang malinaw ang pagtatanong nya: ang desisyon ng Korte Suprema ay precedent na susundin sa future impeachment proceedings, kaya pwedeng gamitin ito para kontrahin muli ang future impeachment complaint sa Mode 2.
Ang sagot sa tanong nya – natural! Pero natural lang kung ayon ka na pwedeng makialam ang Korte Problema sa proseso ng impeachment kasi nga ang “sole power to try and decide” (itinanging may kapangyarihan na litisin at hatulan ang impeachment complaint) ay binigay ng Konstitusyon sa Senado lamang.
Kung di ka naman ayon na pwedeng makialam ang Korte Problema ay balewala kahit ano pa ang sabihin ng Korte Problema sa jurisprudence nito dahil nga hindi nila kailangang sumunod sa “judicial precedent” – eto nga ang mga jurisprudence o mga desisyon ng Korte Problema. Sa mata ng Senado at Tongreso, ang Korte Suprema Korte Basura.
Eto pa lalo, sa impeachment ng Senado, kahit yung mga “impeachment precedents” ng ibang Senado gaya ng kina Davide, Guttierrez at Erap ay hindi nila kailangang sundin dahil sa principle of “parliamentary supremacy” – na ang bawat Senado ay ang pinaka supreme kaya yung nakalipas na kapwa nila Senado (halimbawa ag 19th Congress) ay walang kapangyarihan na pasunurin ang kasalukuyang Senado (ang 20th Congress na mga nahalal noong May 2025) sa mga ginawa nito.
Ganon din naman ang susunod na Senado (21st Congress sa 2028). Hindi sila mapapasunod ng kasalukuyang Senado sa mga desisyon nito.
Sa totoo lang, sa mga jurisprudence ng Korte Suprema mula pa kay Guttierrez hanggang kay Duterte ay walang nagbanggit ng konsepto na “parliamentary suprermacy”. Itong konsepto na ito ay galing sa Inglatera na syang pinagmulan ng lahat ng batas sa buong mundo. Kinopya ito ng Amerika. Nangyopya naman tayo sa Amerika. Mukhang hindi nakasama ito sa pagkopya natin sa Amerika.
Ang Paningin Namin Sa Option 3 Na Ibasura Ng Senado Ang Desisyon Ng Korte Suprema
Sa totoo lang, kahit wala kaming bilib sa Korte Problema sa dami ng abuso nito at mga kabaluktutang desisyon (bisitahin ang aming website page na Kote Suprema Korte Problema), sa tanong kung maaring ibasura ng Senado ang desisyon ng Korte Suprema. Ang sagot ay malaking hindi!
Kasi may tinatawag sa batas na “doctrine of estoppel“.
Para maintindihan ang konsepto na ito, balikan natin ang mga dinakdak ng mga Senador nang nag buo sila bilang impeachment court noong nakaraang June. Hindi ba narinig nati sina Bato, Risa, Cayetano atbp ang mga jurisprudence ng “Francisco” at “Guttierrez” para bilang pruweba o suporta sa kanilang katwiran nang nagdedebate sila?. Halimbawa si Risa binaggit nya ang one-year bar sa “Gutierrez” ay paglimita ng one-year bar ay sa taon hindi sa bilang ng impeachment complaints.
So kung ginamit na nila ang mga katwiran na sabi ng Korte Problema, hindi na nila maaring itanggi (eto na ang salitang estopped) ang mga sinabi o desisyon ng Korte Problema!
#AbusoNgGoberyno
#AbusongMababangKamara
Leave a Reply