Pareho Ng Facts, Crime At Parties, Pero Magkaiba Ng Desisyon. Krimen Ang Unjust Orders!

Sub Judice Rule

Unahin na naming supilin ang pag-abuso ng sub judice rule bago pa kami kasuhan ng mga abusong korte sa paglalathala na ito. Ang ibig sabihin ng sub judice ay kasalukuyang nililitis sa korte at pinagbabawal ng korte na talakayin ang merits ng kaso sa publiko. Sa mga nakaraang pagdinig sa Senado tulad ng imbestigasyon na pinamunuan ni Imee sa pag-aresto kay D30, narinig natin ang pagbanggit ng sub judice bilang dahilan ng di pagsagot sa tanong. Sa okasyong ito, ginamit ang sub judice rule para itago ang katotohanan.

Sa totoo lang, walang “established jurisprudence” ang sub judice sa Pilipinas. Kaya bukod sa pagtatago ng katotohanan, gagamitin din ito para supilin ang pagbatikos sa desisyon ng korte bilang pagsalahad ng malayang pananalita. Ang sub-judice rule ay akma lamang sa sistema ng hustisya na may “jury” na binubuo ng mga ordinaryong mamamayan tulad sa Amerika. Sa Pilipinas, wala tayong jury system kaya di dapat ito ipatupad sa Pilipinas. Yan din ang sinabi ni Miriam nung nabubuhay pa ito. Ngunit nangongopya tayo sa Amerika kaya ginagaya natin ito. Ang masaklap dinadagdagan pa natin ito ng abuso. Gaya na lamang sa nakaaang pakikialam ng Korte Suprema sa kapangyarihan ng Kongreso ang mga bagay ukol sa impeachment ni Sara. Sa Amerika hindi nangigialam ang Korte Suprema nila sa impeachment.

Contempt of Court

Ang lumabag sa kautusan ng sub judice rule ay kinakasuhan ng korte ng contempt of court. Ang dahilan ay na-impluwensyahan daw ang pagdedesisyon ng judge sa kaso. Ngunit Korte Suprema na mismo nagsabi na mataas ang antas ng pagtitiwala ng Korte Suprema sa mga huwes nito na hindi maimpluwensyahan kung kaya’t walang puwang sa Pilipinas ang pag gamit ng sub judice rule. Ngunit syempre, pag gusto kang tirahin gagawan ka ng dahilan.

SUB JUDICE MAN ON HINDI

Aming nilalathala ang kaso ng isang lalaking guro na inakusahan ng panghahalay sa isang 14 anyos na estudyante nya. Ang paglalathala na ito ay hindi para impluwensyahan ang desisyon sa merits ng kaso kundi supilin agad ang pagkawalang katarungan: hindi dapat litisin ang guro dahil walang due process.

Malaki ang pagkakaiba. Kung ipipilit natin ang sub judice rule, ang pinagbabawal ay talakayin kung bakit parusahan o hindi parusahan ang guro dahil sa mga salaysay ng nagreklamo at depensa ng guro sa paglilitis mismo. Halimbawa, wala namang testigo na naganap ang panghahalay kundi salita lamang ng dalagita ang pagbabasehan ng desisyon ng judge.

Ang tinitira namin sa paglalathala nito ay ang desisyong litisin ito in the first place, hindi ang usapan sa mismong paglilitis at pagdedesisyon ng korte.

Anyway, kahit ba na ang paglalathala namin ay maging ukol sa merits ng case, walang katwiran na gamitin ng korte ang sub judice rule dahil nga sa mga puntos na pinaliwanag na namin sa taas.

Ang Kaso sa RTC Branch 68 ng Binangonan, Rizal at RTC Branch 143 ng Antipolo City

Ang dalagita at ina nito ay nagsampa ng kaso ng panghahalay (statutory rape) sa DoJ Binangonan at DoJ Taytay dahil naganap daw sa Binangonan sa bahay ng guro ang tatlong panghahalay at sa Taytay naman sa eskwelahan ng pinagtuturuan ng guro na kung saan hinalay daw sya ng apat na beses.

Pansinin na pareho ang krimen at mga partido, lugar lang ang pinagkaiba. Iisipin nyo na dahil lugar lang pinagkaiba, dapat sinampa lamang ito sa isang lugar: Binangonan o Taytay kasi madodoble ang proseso, abala, gastos, pag-imbestiga at iba pa. E bulok ang sistema ng hustisya sa Pilipinas kaya pinaghiwalay kasi sabi daw ng batas na isampa ang reklamo kung saan naganap ang krimen. Tama naman kaso hindi naman literal ito may praktikal na konsiderasyon ito at may mga exceptions naman ang jurisprudence dito. E mga walang common sense o walang talino mga nasa gobyerno. Kaya nga sila sa gobyerno nagtatrabaho kasi di sila makapasa sa pribadong sektor.

No Due Process

Nang nag preliminary investigation (P.I.) sa dalawang opisina ng DoJ (Binangonan at Taytay), hindi natanggap ng guro ang patawag (subpoena) kung kaya’t walang pagkakataon na magdepensa ang guro sa paratang (no opportunity to be heard). Sinampahan pa rin ang guro ng kaso sa mga korte: sa RTC Branch 68 Binangonan sa 3 counts of statutory rape at sa Branch 143 naman sa Antipolo na nakakasakop sa mga krimen na naganap sa Taytay.

Alalahanin ang desisyon ng Korte Suprema na ibasura ang reklamo kay Sara dahil hindi ito nakatanggap ng patawag at hindi binigyan ng pagkakataon na magdepensa o magpaliwanag (denied right to be heard). Wala daw due process, kaya walang kapangyarihan ang Senado na litisin si Sara (no jurisdiction). Eto din ang basehan ng pag alma ng guro sa mga korte sa pagkulong sa kanya at paglitis.

Motion to Quash

Malinaw sa mga judges na walang due process ang guro pero nag-issue pa rin ang mga ito ng warrant of arrest. Inaresto ang guro at kinulong noong Nobyembre 2024. Bago mag-arraignment, nagpasa ng Motion to Quash ang guro sa dalawang korte. Ang basehan ng motion ay katulad ng kay Sara: the court did not acquire jurisdiction because of lack of due processdahil nga hindi nya natanggap ang patawag at di sya nabigyan ng “opportunity to be heard”.

Desisyon Ng RTC Branch 68

Sa arraignment sa RTC Branch 68, dineny ni Judge Rebecca De Guzman nag motion dahil daw na-acquire nito ang jurisdiction ng ma-aresto ang guro. Tama naman. Kaso tama lamang ito kung may due process sa DoJ P.I. E wala kaya nga nagpapasa ang guro ng Motion to Quash. Judge ba to, mukhang sablay ang pagkaintindi ng layunin ng Motion to Quash on the ground of lack of jurisdiction.

Anyway, kumambyo naman si Judge De Guzman, kaya lang mas lalong mali. Eto na. Kahit denied daw ang motion, dahil nauunawaan nya na walang due process ang guro sa DoJ dahil nga di nya natanggap ang patawag at di sya nabigyan ng “opportunity to be heard” (tulad ng kay Sara), binigyan nya ng 60 days ang guro na bumalik sa DoJ para mag P.I. tapos babalik sa sala nya.

Asus, anong klaseng desisyon ito?

Una, pansinin na ang basehan ng Motion to Quash ay dahil sa di natanggap ng guro ang patawag at di naka depensa (no due process) pero dineny ni Judge De Guzman. Ngunit dahil gusto nyang lumbas na mapagkonsidera sya, palalayain nya pansamantala ang guro para mag P.I. sa DoJ dahil sa di natanggap ng guro ang patawag at di nakadepensa (no due process).

Napansin nyo eksaktong pareho din ang basehan at dahilan? Dahil sa di natanggap ng guro ang patawag at di naka depensa (no due process).

Tinanggap ang basehan ng Motion to Quash pero dineny ang motion! Dahil tinanggap nya ang dahilan ng motion (no due process), ibig sabihin walang kapangyarihan si Judge De Guzman na litisin ang guro (no jurisdiction) kaya dapat nyang palayain ito ng permanente. Binigyan naman nya ng kalayaan kaso pansamantala lamang. Walang ganon sa batas. Walang due process, dismissed ang kaso permanently! So inaasahan ni Judge De Guzman na may probable cause muli sa DoJ at ibabalik ang guro sa sala nya. Asus!

Mga ilang linggo, natauhan si Judge De Guzman, alam nya kasi mali ang desisyon nya. Tinama naman nya ito sa pamamagitan ng pag dimiss sa kaso ng guro permanently. Ngunit kahit na tinama nya dapat pa rin syang managot sa desisyon nya. Krimen kaya yong “unjust order” nya under Article 204 to 206 ng Revised Penal Code. Kakaushan namin itong si Judge De Guzman ukol dito. Dapat naming gawin ito kasi kakasuhan pa rin nya halimbawa ang isang magnanakaw na ordinaryong mamamayan kahit na sinoli nito ang ninakaw nya.

Desisyon Ng RTC Branch 143

Ayon sa guro, hindi dininig ng judge ng RTC Branch 143 (di namin alam pangalan) ang Motion to Quash na sinumite nya. Isa na itong krimen ng judge na ito kaya amin din syang kakasuhan.

Pinakuha namin sa guro ang kopya ng Order ng judge noong arraignment nya sa Anipolo (actually nasa Cainta ang korte). Sabi namin iutos sa pamilya.

Ang payo namin sa kanya ay ganito: kung ang pitong counts ay sinampa ng DoJ sa isang korte (Binangonan o Antipolo), laya na dapat sya. Ngayon, kahit na ito ay pinaghiwalay sa dalawang korte pero dahil pareho ang facts, crime, parties (complainant at defendant) at syempre parehong batas ang basehan, dapat idismis din ng RTC Branch 143 ang kaso ng guro dahil wala itong kapangyarihan na litisin ang guro (no due process).

Sinabi namin sa guro na bigyan kami ng kopya ng Order ng RTC Branch 143 nang arraignment para ma i-motion namin ang pag-object sa abuso na ito ng korte. Sinabi din namin na bigyan kami ng kopya ng Dismissal Order ng RTC Branch 68 para i-motion din namin sa RTC Branch 143 na idismiss ang kaso ng guro.

Dahil dismissed na kaso ng guro sa RTC Branch 68, nilipat sya ng kulungan mula sa Binangonan BJMP patungo sa Teresa BJMP na nakasasakop sa Antipolo. Nawalan na kami ng kontak sa guro.

Ngayon nabalitaan namin na nagbayad ng areglo ang pamilya ng guro sa nagreklamo sa halagang P400K at P20K sa nag-ayos ng areglo. Bago kami nawalan ng kontak sa guro, sinabihan namin ang guro na di na nya kailangang makipag areglo dahil mapapadismis namin ang kaso nya dahil nga sa payo namin. Kaso may nangulit sa pamilya ng guro kaya nangutang ng pera ang pamilya ng guro.

Matatandaan nyo ba si Criselda Arago na pyansador sa kalapit ng Katulisan Kapulisan ng Binangonan Rizal na may sindikato sila sa mga panghuhuling tanim-ebidensya tapos pera sa pyansa at sa abogado? Well, sya ang nagpasimuno din ng areglo. Alam nya na wala nang panalo ang mga nagreklamo sa guro kaya bago pa namin mapadismis ang kaso sa Antipolo/Cainta ng guro ay inunahan na nya ng areglo.

Ang sabi ng kamag-anak, nag pirmahan sila sa harap ng DoJ piskal at napagkasunduan na hindi na lamang aatend ng hearing sila. Ang dahilan pagnaka tatlong hearing na di umaatend ang complainant ay ipapadismis nila ito for failure to prosecute. Syempre alam nyo na sino ang nakinabang sa pera ng areglo. Ito ang paraan na safe daw kasi pag Affidavit of Desistance ang ginawa, maaring di pumayag ang korte kahit na gawa pa ito ng DoJ piskal.

Nakalipas na mga dalawang buwan, mula ng aregluhan, nakakulong pa rin ang guro. Hindi namin maabot ang guro sa BJMP kasi pinagbawalan kami ng BJMP (kahit na ang pagbabawal ay labag sa batas) na dumalaw sa guro dahil kamag-anak lang daw ang pwede. E pasaway ang pamilya kaya di namin ito kinakausap. Sila pa nga nangharang ng Motion to Quash ng guro na syang aming pinakinggan nang ito ay humingi samin ng tulong. Pero kahit ganito sila, ipababalik namin sa korte ang pera ng areglo at kasuhan ang mga ito for perverting the course of justice (DoJ, complainat, Criselda).

Sa ngayon, hindi kami makapaghain ng pormal na motion ipadismiss ang kaso ng guro kasi kailangang pirmahan ng guro ang motion. Di namin sya maabot kaya amin na lamang ilathala dahil ito ay matter of public interest. Amin na lamang ipapadala ito (as a link) sa RTC Branch 143 by email at sa Korte Suprema for escalation (kahit na nag sumite kami ng Impeachment Complaint sa House of Rep laban sa 15 Justices na kung saan nag-aabang kami kung merong at least one House member who will have the balls to endorse the complaint at amin ding sinumete sa Ombudsman sa suggestion ni Monsod pero di man lang ina acknowledge pa ang aming complaint mga isang linggo na — ganyan ang ating bayan mga takot). Handa naming labanan ang injustice kahit sino pa ito.


#AbusoNgGoberyno


๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
SIBAKIN! KAPANGALAN MO, KASO MO.

PETISYOn NG TAUMBAYAN NAG DESISYON NA ANG KORTE SUPREMA NA WALA DAW MALI ANG PANUNTUNAN NA ITO. Ang panuntunan ng Read more

SIBAKIN! SARADO GOBYERNO, SARADO KARAPATAN MO

PETISYOn NG TAUMBAYAN ANG BAWAT TAO AY MAY KARAPATANG MAGING MALAYA SA PILIPINAS, ITO AY INAABUSO NG GOBYERNO. Ang bawat Read more

NUPL band-aid approach, ang Abuso Ng Gobyerno immunize

Maigi naman at sinagip ng NUPL ang kababayan natin. Kaya lang band-aid approach. Selective papogi. Di naisip ang tamang solusyon Read more

SOJ Remulla Inulit Sinabi Nagagapang Ang Korte

Implied Sa Kanyang Pahayag Na Nagagapang ang Korte Gaya ng sinabi na nya ng paulit-ulit Katulisan Kapulisan + Korte Problema Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *