
Kapag ikaw ay opiysal ng gobyerno, magtino ka kasi may “conduct unbecoming” bukod pa sa krimeng ginawa mo.
Conduct Unbecoming of a Police Officer
Nagpadala ng audio at video ang isang taumbayan para isumbong si Jeff Mejala na team leader pa daw sa Binangonan PNP. Langya, team leader ka pa pala e ang tropa mong kapulisan katulisan malamang pareho ng ugali mo. O baka hindi mo naiintindihan ang kasong Conduct Unbecoming of a Police Officer. Sa wika ng katarungan, tanggal ka sa serbisyo!
Pakinggan ang sumbong ng mamamayan dito:
Panoorin na mag aala-una ng hating gabi nang dumating ang Pulis Jeff Mejala at agad pumasok sa unang gate. Kahit bukas ito, wala syang pahintulot na pumasok agad. Sumisigaw ito ng pangalan, mga apat na beses sa video.
Una pa lamang ito sa maraming videos na pinadala sa amin. Ang isa sa pinakamahalagang video ay ang pagsunod sa kamag-anak ng nagsumbong sa loob ng bakuran paakyat sa bahay ng nagsumbong – nang walang pahintulot! Alam nyo na krimen ito. Syempre pulis ito hindi naman magkakalakas na loob na pigilan ang pulis na gustong sumunod umakyat ng bahay kahit walang pahintulot. Sabagay sanay nga ang Binangonan PNP katulisan kapulisan mag akyat-bahay ng OFW.
Sa mga videos, umabot si Pulis Jeff ng halos isang oras, nagtambay, nag-iintimidate. May kasamang dalawang pribadong mamamayan. Dahil ang mga kasama nito ay taumbayan, hindi po namin sila sakop sa paglathala dito (dahil mga abuso ng gobyerno lamang ang aming mga kalaban) pwera na lang kung aktibo ang kanilang pagsama sa pang-aabuso ng opisyal ng gobyerno tulad po ng mga asset ng Katulisan Kapulisan. Kaya po ang mga pulis asset ay kasama sa Name and Shame wall po namin.
Mga Krimeng Isasampa Sa Abusadong Pulis
Ayon sa audio ng nagsumbong kakasuhan nya si Pulis Jeff Mejala ng:
- threatening (grave o light threat sa ilalim ng Article 282 of the Revised Penal Code)
- harassment (grave o light coercion sa ilalim ng Article 286 of the Revised Penal Code)
- public disturbance (alarm and scandal sa ilalim ng Article 155 of the Revised Penal Code)
Maari din syang kasuhan ng:
- unjust vexation sa ilalim ng Article 287 of the Revised Penal Code.
- at iba pang ipapayo namin na kasuhan ang abusong ito ng gobyerno.
Pansinin Kapitan Gil Anore ng Barangay Libid, Binangonan PNP Pulis Arnel Diocena at Streamson Tusi. Yan ang tinatawag na Alarm and Scandal. Hindi yung paratang nyo kay Juan na nilaglag ng piskal agad.
Eto pa, kasama ng magiting nyong Judge Santos, yan ang Unjust Vexation, hindi yung paratang nyo kay Juan na sinampa ng kaaway ni Juan na si DoJ Rizal at nilitis din ng kaaway nya na si Judge Santos ng Binangonan MTC Branch 1.
Palibhasa mga abuso at baluktot kayo. Oo kasama ka Judge Santos.
#AbusoNgGoberyno
#KatulisanKapulisan
Leave a Reply