Mali Ang Tanong. Dapat intindihin muna bakit may Impeachment.


Itinataas namin ang antas ng usaping bayan na ito.

Ang Komento Namin Sa Pa-Survey Ni Roque

3 hearts absolutely.

Ang tunay na nagreklamo sa impeachment ay bayan. Kinatawan nga ng bayan ang Kongresista. Ipalagay natin na walang one-year bar ang impeachment proceeding, tama lang na ituloy para madesisyunan on merits dahil yun naman talaga gawin para ma due process si VP.

Karapatan ng bayan na malaman kung tama nga ang paratang. Kung hindi guilty, nalinis ang pangalan ni VP ng due process nga kesa naman sa diverting process para wala nang Marites at angal.

Alam natin na legal at political (policy) questions ang hatol pero ang policy element ay ukol sa dapat bang panagutin ang sinakdal (tulad ng high crime ba ang grave threat) at hindi para ibaling ang atensyon sa ibang problema (tulad ng ekonomiya, gyera sabi nyo po).

Sa inyong Part 1 video, agree kami na “initial action” ang pagharang kaya barred ang pang-apat na complaint kaya dapat idismis na ng Senado (o Korte Suprema kung mauna ito).

Disagree naman kami sa crossover kasi ang Senado ay “continuing body” sa mga hindi “day-to-day business” ng Senado tulad ng madalang na impeachment. Samakatwid, ang unfinished business termination ay para lamang sa mga “day-to-day business” dahil nga “separate + independent” ang bawat batch ng Kongreso. Sa England, tawag dito “parliamentary sovereignty o supremacy”.

Sa Part 2a (grave threats), kung susugin natin ang history nito sa England at nangopyang Amerika, ito ay para sa hindi nga din mga krimen. Halimbawa, napatalskik ang isang huwes dahil lasenngo. Ang totoo, ang kahulugan nila sa “other high crimes” ay kahit anong “abuse of power or position”. As such, kapareho nga sila ng meaning ng “betrayal of public trust”. Ang grave threat ba sa pangulo at Speaker ay pasok sa paliwanag na ito? Una, ang impeachment ay ginawa dahil may pagtataksil sa bayan (gaya ng mga meanings na nasabi sa taas. Ang patayin ba ang binoto ng taumbayan (BBM + Martin) ay pagtataksil sa bayan? Syempre. Ang pananakot ba na patayin ang binoto ng bayan ay pagtataksil. Mas malamang maari. Kaya po disagree po kami sa inyo. High crime po ito.

Sinabi din ng mga Kongresista “culpable violation of the Constitution” daw ang grave threats dahil ang pagpatay ay hindi paraan ng pagpapatalsik sa presidente ayon sa Saligang Batas. Tama naman kaso hindi naman “culpable” level ang pananakot. Kaya laglag ito.


#AbusoNgGoberyno | #ItaasAngAntasNgUsapingBayan


๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
Ang Desisyon sa “Franciso vs. House” NG KORTE SUPREMA

Sa kasalukuyang pagpapatalsik kay VP Sara, laging binabanggit ang desisyon ng Korte Suprema sa “Francisco vs. House of Representatives”. Bakit Read more

Sa Sagot ni VP Sara: Tama Ba Si Roque?

Part 1 of 3 Panalo Kaya Si Sara Sa Depensa Nya: Na One-Year Bar at Walang Crossover Ang Reklamo? Nag Read more

Sa ARTICLES OF IMPEACHMENT: Tama Ba Si Roque?

Part 2 of 3 Ang Article I At II Ba Ay “high crime” o “betrayal of public trust”? Nag vlog Read more

SOJ Remulla Inulit Sinabi Nagagapang Ang Korte

Implied Sa Kanyang Pahayag Na Nagagapang ang Korte Gaya ng sinabi na nya ng paulit-ulit Katulisan Kapulisan + Korte Problema Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *