Part 1 of 4
ArticlE 204-208 Ng Revised Penal Code hindi pinapatupad

Bayan, nakarinig na ba kayo ng isang abusadong judge na pinatawan ng kulong ng Korte Problema?
Alam nyo ba na may batas na nagpapataw ng kulong sa mga abusadong judges gaya ng pinaliwanag namin sa kaso ni Judge Abusadong Talagang Talagang Talaga? Matatandaan na apat na beses hinatulan ng Korte Suprema si Judge Abusado TTT ng baby-tapik. Ano na ang nangyari sa pagpapatupad ng batas na ikulong ang mga abusadong judge? Kinalimutan na ng Korte Problema. Bisitahin natin ang mga batas na ito at ipaalala natin sa Korte Problema.
Sa ilalim ng Revised Penal Code maraming probinsyong batas ang nagpapakulong sa mga abusadong judges sa mga baluktot at kahayupang mga utos at desisyon nito. Pansinin na ginamit ang salitang hayop. Tama lamang na gamitin ang salitang ito dahil ang isang judge na naatasan ng batas at pinagkalooban ng kapangyarihan ng taumbayan sa pamamagitan ng basbas ng hinalal na pangulo — yes, alalahanin na hindi hala ang mg judges at justices — ay sadya (wag na muna nating pag-usapan ang pabaya) na umabuso ng kapangyarihan para pasakitan at abusuhin ang isang Juan ng taumbayan e isang kahayupan ang ginawa.
Ang isang Juan ay sumasa-ilalim sa kapangyarihan ng isang judge kapag ang judge na ito ay nag-utos na pag-aresto ni Juan o pag ang judge na ito ay binasbasan ang aresto ni Juan ng mga abusong Katulisan Kapulisan (Philippine National Pasakit o PNP) at National Bandidong Imbestigasyon (NBI).
Gumamit tayo ng halimbawa sa totoong buhay. Unahin natin ang warrantless arrest ng
- Binanongan PNP Katulisan Kapulisan Pulis Arnel Diocena at Streamson Tusi at ng Barangay Butangero Kapitan Gil Anore sa pag-aresto kay Juan Uno sa kasong walang kwenta, inimbento at pinilit na Unjust Vexation.
- National Bandidong Imbestigasyon agents na mga 30 katao na umeresto kay Juan Dos sa kasong baril at sa panahong may gun ban noong nakaraang halalan.
Sa mga susunod na posts, babalikan natin ang kwento ng balikan ni Juan Uno at Juan Dos ang mga abusadong Katulisan Kapulisan (KK), Barangay Butangero (BB) at National Bandidong Imbestigasyon (NB-Ay!). Ganon din babalikan natin ang mga DoJ puskal na mga katropa ng mga abusadong ito. Sa ngayon, focus tayo sa mga judges.
Pagsampa ng kaso (tawag ay Information) ng DoJ puskal sa korte, katungkulan ng judge na suriin ang paratang. Base dito, pa ayon sa batas at sapat ang ebidensya na sinumite ng mga KK-BB-NB-Ay, magpapadala ng patawag ang judge sa panimula ng paglilitis.


Ang unang larawan ay ang sinampang kaso ng Do Puskal Mark Anthony Asuncion sa paratang na Unjust Vexation laban kay Juan Uno. Ang ikalawang larawan naman ay ang pagbasura ng sinampang kaso ng DoJ Puskal sa paratang na baril at gun ban.
Sa batas, kung ano lamang ng Information, ito lamang ang pagbabasehan ng judge.
Judge Santos sa UNANG INTERLOCUTORY ORDER Nito Sa Paratang Kay Juan Uno
Sa kaso ni Juan Uno, yung babala nya sa mga abusadong KK-BB ay Unjust Vexation para kay Binangonan MTC Branch 1 Judge Emmanuel Jesus P. Santos (pansinin napaka banal ng kanyang pangalan) kaya dapat daw nga litisin si Juan Uno dahil krimen kuno nga ang kanyang ginawa. Bayan, krimen para kay Judge Santos ang ikaw ay magbabala sa mga KK-BB na umaaresto sayo na labag sa batas. E kung krimen ang babala pa lamang, e mas lalo dapat krimen na totohanin mo na “babalikan ko kayo, ipapatanggal ko kayo”. E bakit walang kasong sinampa kay Juan Uno ng binalikan nya ang mga KK-BB ng reklamong hindi lamang pagpapagtanggal sa mga hayop na yon sa serbisyo kundi pati na ang pagpapakulong dito. Basahin dito ang kalagayan ng balik ni Juan Uno sa mga KK-BB na kung saan pinasasagot ng Kontra-Salaysay sila sa 15 kasong krimen at 9 na kasong administratibo na sinampa ni Juan Uno na balik niya gaya ng babala nya. Kahit na wala pa ang aming post — pero paki-abangan po — ukol sa kung ano ang krimen ng Unjust Vexation, aba kahit walang aral ang isang tao, alam na hindi krimen ang babala na ito. E di malinaw na baluktot itong Judge Santos.
Ang desisyong ito ni Baluktot Santos na litisin si Juan Uno ay ang panimulang interlocutory order — mga utos ng judge sa paglilitis pwera ang hatol nya kung guilty o hindi. Bayan, abangan dito ang napakaraming baluktot na interlocutory orders ni Judge Santos. Bukod sa hindi krimen ang pinaparatang ng mga abusadong KK-BB, unlawful arrest pa ang ginawa ng mga ito. Dapat dinismis agad ni Baluktot Santos ang kaso ni Juan Uno pero hindi nga nya dinismis dahil kaaway nya si Juan Uno sa isang kasong nakaraan noong 2017. Abangan dito ang aming post ukol dito. Bayan, dito pa lamang sa kwento na kaaway na ni Baluktot Santos si Juan Uno e dapat hindi na nya tinanggap ang kaso na ito nang ma-raffle sa kanya. Dapat pinasa na nya ito sa iba at nag-inhibit dahil ito ay utos ng batas at delicadeza. Sino naman ang papasahan nya? E dalawa lamang ang MTC judges sa Binangonan — ang isa ay si Judge George Andy Pantanosas. E hindi ba may post kami dito na kaaway din ni Juan Uno si Judge Pantanosas? E isa pa tong baluktot. So dapat pinasa nya sa ibang MTC sa labas ng Binangonan. E sabik na pahirapan si Juan Uno kaya hindi nya binitawan.
So ano ang sinasabi ng batas sa abusong desisyon ito ni Baluktot Santos na litisin si Juan kahit hindi krimen (ke Unjust Vexation o hindi) ang magbabala sa mga abusong gobyerno. Tandaan napakaraming abusong interlocutory orders itong Baluktot Santos na ito. Iisa-isahin natin ito. Pero alalahanin na napakabanal ng pangalan ni Baluktot Santos.
Sa larawan sa itaas, Article 206 ang dapat gamitin ng Korte Suprema para ipakulong si Baluktot Santos dahil sa abusong interlocutory order. Sinasabi ng artikulo na ito:
“Article 206. Unjust interlocutory order.–Any judge who shall knowingly render an unjust interlocutory order or decree shall suffer the penalty of arresto mayor in its minimum period and suspension; but if he shall have acted by reason of inexcusable negligence or ignorance and the interlocutory order or decree be manifestly unjust, the penalty shall be suspension.”
So bayan, ang sabi ng batas, kung si Baluktot Santos ay sinadya (knowingly) ang pagbigay ng di makatarungang desisyon (unjust order) sa panimula ng paglilitis o habang naglilitis (intelocutory) ay dapat ikulong ng hanggang dalawang buwan sa ilalim ng “arresto mayor in its minimum period“.
Malinaw na hindi makatarungan (unjust) na litisin (order) ang isang Juan ng hindi naman krimen ang pinaparatang. So, dapat ikulong ng Korte Suprema si Baluktot Santos? Dapat pero hindi nga nito pinansin ang reklamo ni Juan Uno. Noong Enero 2025 pa, agad nagreklamo si Juan Uno sa taga-disiplina ng mga judges ng Korte Suprema. Ang tawag dito ay Judicial Integrity Board o JIB. Halos kasabayan ito ng reklamo ni Juan sa iba pang baluktot na judges ng Binangonan na sina RTC Branch 68 Judge De Guzman at RTC Branch 70 Judge De Mesa. Abangan ang kwento ng mga abusadong judges na ito dito dahil sila ang bida sa “crime against humanity” na tinawag naming Kapangalan Mo, Kaso Mo.
Ano ginawa ng JIB? Wala! Wala ngang pasabi kung nasaan na ang estado nito. Ibig sabihin dedma na lamang at mananawa din si Juan Uno na mag follow up. E hindi nga pinapansin ng Korte Problema ang sumbong kay Baluktot Santos, e ipakulong pa. Bayan, iba ang batas sa kanilang mga abusado, iba ang batas sa ating mga mamamayan. Sino ba itong mga abusadong opisyal ng gobyerno na ito. Inuulit namin, hind natin ito mga hinalal pero sila ang umaabuso ng karapatan ng mamamayan samantalang sila ang naatasan ng demokrasya na magtanggol ng mga karapatan na tinalaga ng batas at Saligang Batas. E kaya nga Korte Suprema, Korte Problema.
Judge Limbo Sa Kaso Ni Juan Dos
Ngayon, ikumpara naman natin ang ginawa ng judge sa kaso ni Juan Dos. Sa ikalawang larawan (kulay dilaw ang papel), ito ay dismissal order ni Binangonan RTC Branch 69 Hon. Anna Francesca M. Limbo (nga pala, yang titulong Honorable ay ginagamit sa mga judges at public officials, aba sa dami ng kabaluktotan ng mga ito konti lang ang dapat tawagin na Honorable, si Hon. Judge Limbo talagang honorable, alamin dito sa mga susunod na post ang pagtalakay namin sa tawag na yang Honorable dapat palian yan ng Public Servant!).
Basahin dito ng buo ang desisyon ni Hon. Judge Limbo. Sinuri nya ang Information ng mga abusong NB-Ay at agad nya itong dinismis. Imagine, mga 30 NBI agents ang umaresto kay Juan Dos, mi isa sa kanila walang sumigurado sa “chain of custody” ng ebidensya? E di malinaw na mga inabuso lang ang kapangyarihan at hindi talaga para ipatupad ang batas. Alamin dito ang demanda ni Juan Dos kasi babalikan nya ang mga walang hiyang NB-Ay na mga yan. Mabait pa nga si Hon. Judge Santos at hindi nya pinagalitan ang mga abusong halimaw na ito!
Eto pa, alam nyo ba na sa kaso ni Juan Uno na pinagbintangan sya ng mga abusadong Binangonan RTC OCC, RTC Branch 67 Judge and 70 Judge, na sya ang isa sa akusadong dalawang counts ng attempted murder na nangyari noong 2010 dahil lamang sa kapangalan nya ang akusado kahit walang middle name ito sa kanilang database, si Hon. Judge Limbo ang naglinis ng pangalan ni Juan Uno?
Samantala, ang sabi ng Baluktot De Mesa na kahit inamin nya na malakas daw ang pinakitang ebidensya ni Juan Uno na nagpapatunay na imposible sya ang kapangalang akusado dahil wala sya sa Pilipinas at nasa UK sya nang mangyari ang krimen na pinatunayan ng Official Record of Arrivals and Departures ni Juan Uno ay kailangan daw muna nyang umamin na sya nga ang kapangalan nyang akusado. Nakita nyo na ang kabaluktutan ng judge na ito? Anong klaseng desisyon ito?
So eto na nagsumbong si Juan sa Korte Suprema sa mga desisyong baluktot na ito ni Baluktot De Mesa at ang unjust interlocutory order nito na litisin si Juan Uno dahil nga sa kapangalan nya ang akusadong walang middle name sa database? Ano sagot ng Korte Problema? Wala daw mali dito. So, imbes na ikulong ng Korte Problema si Baluktot De Mesa sa unjust interlocutory order nito ay sinabing walang mali ito. E talagang Korte Problema, sila kaya ang ikulong sa kapangalan lamang!
Ang final order ni Judge Abusado Talagang Talagang Talaga
Balikan natin si Judge Ibay na tinagurian nating Judge Abusado Talagang Talagang Talaga. Nang nag-utos etong abusadong judge na ito “final order” ang kanyang utos. So, ang nag-aapply na batas ay:
“Article 204. Knowingly rendering unjust judgment.-Any judge who shall knowingly render an unjust judgment in any case submitted to him for decision, shall be punished by prision mayor and perpetual absolute disqualification.”
So, himayin natin bayan. Sabi nga natin hindi makatarungan (unjust) ang ginawa ni Judge Abusado TTT kaya ang kanyang utos na ipakulong ang isang Juan ay isang unjust judgment. Ngayon sinabi din nattin na kapag sinadya na alaman nyang mali e di “knowingly” ito. Kay malinaw na guilty itong Judge Abuso TTT sa krimen ng paglabag sa Article 204. E alam natin ang parusa ng Korte Problema sa abusadong judge na ito: multa lamang na P40,000 kahit na pinag-multa nila ng paulit-ulit itong hayop na judge na ito na paulit-ulit ding nagpapakulong ng mga mamamayan kahit na ilang beses din itong winawarningang ng Korte Problema. Kasi nga ang problema ay ang Korte Problema. Kung kinulong nila agad itong si Judge Abusado TTT sa krimeng ito na hanggang 12 taon ang pagkakakulong nong una pa lamang na nag issue ito ng “knowingly unjust judgment” e di hindi na sana umulit pa ng tatlong beses!
Teka muna, para kumpleto, pwede naman pa ring ikulong si Baluktot Santos kahit hindi nya sinadya (pero sadya talaga yon e kaaway nga nya si Juan Uno). Ang sabi ng batas:
“Article 205. Judgment rendered through negligence.-Any judge who, by reason of inexcusable negligence or ignorance, shall render a manifestly unjust judgment in any case submitted to him for decision shall be punished by arresto mayor and temporary special disqualification.”
O tulad ng Article 204, may disqulification din. Special pa.
E paano naman kung pinapahaba nag paglilitis para lang pahirapan si Juan? Eto naman sinabi ng batas:
“Article 207. Malicious delay in the administration of justice.-The penalty of prision correccional in its minimum period shall be imposed upon any judge guilty of malicious delay in the administration of justice.”
Sa mga susunod na posts, makikita din na sadyang pinahaba ni Baluktot Santos ang paglilitis kay Juan Uno. Bukod dito may isa pang nag-sumbong sa amin na isa pang Juan na ang kaso nilang inimbento ng Katulisan Kapulisan na simple disobedience ay umabot na ng tatlong taon kaya hindi makakuha ng maayos na trabaho ang kawawang Juan na ito ay dahil hindi sya makakuha ng NBI clearance. Ganyan ang mga abusado sa gobyerno!
Ikulong Din Ang Korte Problema
Sa totoo lang, pwede namang magkusa ang Korte Suprema na kasuhan si Baluktot Santos at Baluktot De Mesa. Ang tawag dito sa kusang galaw ay motu proprio. Sus, nganga si Juan Uno kasi nga sya na nga ang nagreklamo, nganga na sya, asa pa syang mag motu proprio itong isa ring abusong Korte Problema!
Sa totoo lang, ang hindi pagpaparusa ng Korte Problema sa mga abusadong judges na ito ay isa ding krimen. Eto sabi ng batas:
“Article 208. Prosecution of offenses; negligence and tolerance.-The penalty of prision correccional in its minimum period and suspension shall be imposed upon any public officer, or officer of the law, who, in dereliction of the duties of his office, shall maliciously refrain from instituting prosecution for the punishment of violators of the law, or shall tolerate the commission of offenses.”
O malinaw na ang mga mahistrado ng Korte Suprema ay “public officials” at “officers of the law”. Malinaw din na pabaya sila sa tungkulin (dereliction of duties) na ipakulong (prosecute) o hindi pabayaan (tolerate) ang mga kriminal na judges. Kaya lang may siningit silang “malicious”. Ang ibig sabihin nito sa batas ay alam mong mali na hindi mo parusahan o alam mong mali na dapat hindi mo kunsintihin. E palagay nyo ba bayan hindi alam ng Korte Suprema na alam nilang mali itong hindi pagpaparusa sa mga abusadong judges nito? Kaya dapat ikulong itong Korte Problema ng hanggang dalawang taon at apat na buwan!
O baka naman i-Contempt Kami
Asus, kami, icontempt ng Korte Problema?
Aba basahin muna nila ang mga sila mismo ang nagsasabi na “utmost self-restraint” sila sa kaso ni Judge Abusado TTT at iba pa nilang desisyon. Isa pa, ang paglalathala na ito ay isang paggamit ng freedom of speech” and “right to criticize” ng mga public officials kasama ang mga justices ng Korte Suprema don.
Aba uli, basahin nila ang sinabi nila mismo na kapag balat-sibuyas ka, lumayas ka sa gobyerno. Ang pagpuna ng taumbayan sa kanila ay isang karapatan ni Juan, lalo na hindi naman hala ang mga justices ang Korte Suprema.
Gawin nila kung ano ang tama! Kahit ba ang ibang bansa ay may “contempt power” pa din tulad ng Canada na ito na lamang ang wala sa kanilang batas pang-krimen. Kasi nga mali ito, kinopya lang sa Inglatera na may kasaysayang puro abuso sa tao noong araw.
Anyway, i-contempt man kami ng Korte Problema, e problema na nila yon.
#AbusoNgGoberyno | #KorteSupremaKorteProblema
Leave a Reply