Sabi ni SoJ Remulla na ang 90% conviction rate (sa kada 10 na sampahan nila ng kaso, 9 ang napatunayang kriminal).
E paanong hindi tataas kasi nga:
(1) kailangan nila patunayan na ang ginagawa lamang nila ang kanilang bagong pamantayan na “reasonable certainty of conviction” (magsasampa lang ng kaso kung siguradong mapapatunayan na kriminal nga ang nireklamo) na itinaas nila noong 2024 mula sa mas mababang pamantayan na “probable cause” (mas malamang may dahilan na litisin lamang, pero hindi sigurado kriminal agad);
(2) ang mga katulisan kapulisan na notoryus sa abuso, sindikato, pagtatanim, pagsasampa ng imbentong kaso ay kanila nang tropa, sabi nga di ba; at
(3) dahil sa (1) and (2), hindi na sinusuri ng piskal kung unlawful arrest, illegal search o kung krimen ba talaga ang binibintang. Kung hindi, patay sila kay SoJ Remulla kasi ang “reasonable certainty of conviction” na kanilang bagong panuntunan ay dapat sumampa sa mataas na percentage rate of conviction.
Halimbawa, krimen ba na unjust vexation nang sabihan ng inarestong si Juan si Kapitan Anore ng Libid, Binangonan Rizal at Pulis Arnel Diocena at Streamson Tusi na mga nagparatang na ang “babalikan ko kayo, ipapatangal ko kayo” habang inaaresto nila si Juan ay nasaktan ang kanilang damdamin at nainis. O sigurado daw ma convict si Juan.
E di ba nga tropa ng Katulisan Kapulisan ang DoJ kaya nagsampa sila ng kaso kay Juan kahit na inhibited ang buong DoJ Rizal kay Juan. So, kaaway ni Juan pinilit ang kaso.
Ang “reasonable certainty of conviction” nila ay talaga namang 0% dahil hinid naman krimen ang mag legal warning ka na magdedemanda ka at papatanggal mo sila sa serrbisyo. Pero dahil baluktot ang Judge Santos na kaaway din ni Juan ang 0% e 100% bago pa mag umpisa ang litisan. E ano ang tawag sa mas mataas na korte na kinukunsinti ang abuso ni Judge Santos?
Anyway, balik sa yabang ng DoJ sa 90%. Ito ay isang maling papogi.
Ilan ba sa 9 na ginawa nilang kriminal dahil tinaniman nila ito ng droga, baril etc, o hinuli dahil nag hahabol ng bonus sa quota o tinuluyan kasi ayaw nga pamilya ng inaresto magbigay ng pera o walang perang pambigay para sa areglo ng imbentong kaso ng kapulisan.
Hindi pa kasama dito ang pag tortyur nila na pambubugbog, pangunguryente ng basang katawan pati na bibig at ari, pag aakyat bahay limas bahay, pagnanakaw (cash, gcash, atm, foreing money ng OFW, alahas, sasakyan, cellphone, pati alkansya ng bata at tig P150 na clip fan), pananakot, pangingikill, hulidap, porsyento sa pyansador atbp.
Ilan ba sa 9 na kriminal daw talaga? 8 dyan mga inosenteng Pilipino – with reasonable certainty of my conviction (paniniwala hindi pagkakakriminal haha).
Yung 1 nakaligtas na hindi naging kriminal ay lumaban sa kanila o nag areglo sa kanilang imbentong huli.
Kaya SoJ Remulla, pahingi po kami ng data na basehan ng 90% nyo po at aming papatunayan na kami ay tama at kayo ay hindi pogi.
Paunawa: Ang clip ay mula sa ANC https://youtu.be/Ij7V8koP5kA?si=rpAvmhL8GVuEYX0z video.
#KatulisanKapulisan
#BinangonanPNPKatulisan
#PNPKatulisan
#DefundThePolice
#AbusoNgKapulisan
#GobyernoKunsintidor
#GobyernoDedma
#GobyernoWalangSilbi
#AbusoNgGobyerno
Leave a Reply