Parts 1 to 2 of 3

Mga Kasama Sa Pag-Torture: Lima Pang Katulisan Kapulisan

Bisitahin Muli Ang BINANGONAN PNP Viral Torture Video Dito.

Paunawa: Ang boses ay likha ng A.I. ngunit ang salaysay ay mula kay Jervy.

Salaysay Ni Jervy Sa Torture Ng Katulisan Kapulisan NG BINANGONAN PNP

MULA SA VIRAL TORTURE NIGHT, UMABOT NG APAT NA ARAW PA, BAGO PA DINALA SI JERVY SA KULUNGAN AT PATULOY ANG TORTURE KAHIT NA NAKAKULONG NA SYA

Part 1 of 3

Ako si Jervy edad 29 at kasalukuyang nakapiit sa Binangonan, Rizal.

Noong April 21, 2024, bandang alas 9 ng gabi sa pamamagitan ngFB Messenger, inakit ako nina Jucy Aviles at Bok Alutaya na aking mga kaibigan sa bahay nina Jeric Payuyo upang mag-inuman at ako naman ay tumugon.

Dumating ako sa bahay nina Jeric Payuyo ng mga bandang alas 10 ng gabi, maya-maya pa ay biglang dumating na din sina Jucy at Bok.

Nang kami ay nasa loob na, inutusan ako ni Jucy na bumiling alak sa tindahan na nasa harapan ng bahay ni Jeric Payuyo.

Paalis na ako at lalakad na ay biglang may sumakal na galing sa aking likod. Napag-alaman ko na ito ay si Bok dahil sa kanyang boses nang utusan niya si Jucy na kumuha ng tali para hindi ako makatakas.

Nang nakatali na ako ay may kinausap silang isang babae na nakilala ko sa alias na “Honey”, bagamat hindi ko kilala ang kanyang tunay na pangalan ay kilala ko siya.

Sinabi nina Jucy at Bok kay honey na “tawagan mo na si Sir Delos Santos. Nahuli na namin si Jervi, Baka makatakas pa.” At tinawagan ni Honey ang mga pulis gamit ang cellphone. 

Mga bandang alas 11 ng gabi noong April 21, 2024, dumating sina”Sir Delos Santos” na naka kulay itim at si “Sir Liberato” na nakajersey. Makikita ito sa mga ipinadalang video sa inyong opisina, na kuha sa isang CCTV, ng asawa ni “Ambo”, na kasama ko dito sa Binangonan jail . Ito ay kuha sa CCTV mismo nina Jeric Payuyo na may-ari ng bahay sa Barangay Lunsad, Binangonan, Rizal.

Ako ang lalaking makikita sa video na walang awang binubugbog ng dalawang nakasibilyang pulis habang nakatali. Pinagsisipa at pinagsusuntok din nila ko nang walang, kalaban-laban.

Pagkatapos nito, tinawagan nila ang driver ng kanilang service na kulay puting L-300 van na luma at isinakay ako dito at sabi ni Sir Delos Santos na “sa barracks na lang ituloy at baka may makakitang ibang tao.” Dinala na nila ako sa kanilang barracks sa Barangay Tayuman sa may LTO, mas kilala sa tawag na bagong palengke.

Nang madala na nila ako sa kanilang barracks ay pinosasan nila ang aking mga paa at kamay at ipinasok sa kulungan doon sa barracks na may kulay puting rehas. Sa mga pagkakataong iyon, ako ay nakaramdam ng takot sapagkat di ko alam kung mabubuhay pa ako. Ilang sandali pa ang lumipas, pinataas nila ang aking mga kamay habang ako ay nakaposas at pinagsusuntok ako ni Sir Liberato sa tagiliran.

Part 2 of 3

Pagkatapos niya akong saktan, sinabi ni Sir Liberato sa kanilang driver na ang pangalan ay “JR”, “Pagpahingahin mo muna yan, antayin nya ang sir nya na si Sir Eugene Dela Cruz at may laban pa yan bukas.” 

Kinabukasan, April 22, 2024, bandang hapon, dumating si Sir Eugene Dela Cruz dala ang heavy duty na adaptor para maisaksak ang gagamitin nilang pangkuryente sa akin at sinabi pa na “O, ginastusan ka pa namin ng 45 pesos ha”.

Maya-maya pa ay pinahiga ako ni Dela Cruz habang nakaposas ang aking mga paa sa rehas at ang aking mga kamay ay nakaposas din. Tinalian din ako ni Dela Cruz sa buong katawan ko ng lubid na kulay puti at binuhusan niya ako ng tubig, habang nakapaligid din sa akin ang ibang kasamahan niyang pulis na sina, “Sir Gomez”, “Sir Adoc” at “Sir Liberato”, Nilagyan ni Dela Cruz ng helmet ang aking ulo at dun na nila ako inumpisahang kuryentehin sa paa.

Nang kinukuryente na nila ako, sobrang panginginig ng katawan ang aking nararanasan at sa tuwing napapasigaw ako habang kanilang kinukuryente ay pinatitigil nila ako dahil ulitin daw nila ang pagkuryente nila sa akin. Dapat ay wala daw silang marinig sa akin para itigil nila ang kanilang ginagawang pagkuryente. Halos isang oras at kalahati nila akong kinukuryente.

Sa bawat may papasok na kasamahan nila na sina “Sir Duerme”, “Sir Santo Ninyo” at “Sir Gomez”, pinagsasalit-salitan nila akong paluin ng bakal na baseball bat sa ibaba ng aking pige at aking ulo bagamat may helmet. Pinapalo din nila ako ng golf stick sa daliring kamay at daliri ng paa.

Noong April 23, 2024. kinabukasan ng madaling araw, nag iinom sina “Sir Delos Santos” at “Sir Duerme” sa barracks, tinawag nila ang driver nita na si “JR” at inutusan na isaksak na ang pangkuryente at kukuryentihin daw nila ulit ako. Habang kinukuryente nila ako ay pansin ko na vini video han nila ako at ang sabi nila ay magnanakaw daw ako.

Sa pagkakataong iyon, ay kinuryente naman nila ako sa batok, sa singit malapit sa aking itlog, bayag, sa kamay at sa braso habang, ang aking kamay ay nakasabit sa bandang itaas ng rehas na hindi nakatapak ang aking mga paa sa sahig, hanggang sa mawalan ako ng malay at nang magising ako ay wala na akong short.

Larawan Ng Sinumpaang Salaysay
Part 3 of 3

Basahin ang mga pangalan ng lima pang Binangonan Katulisan Kapulisan at intindihin sa Part 2 of 3 kung paano sila naki-torture kay Jervy. Abangan ang huling bahagi ng paglalathala sa kahayupan ng mga Katulisan Kapulisan ng Binangonan PNP.

Taumbayan kung kilala nyo po ang mga tulisang ito, paki PM po kami ng kanilang FB account at para mailathala ang pagmumukha ng mga Katulisan Kapulisan ito ng taumbayan.


#AbusoNgGoberyno

๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

Makiisa! Pumirma Sa Petisyon Ng Taumbayan Ngayon.

SIBAKIN! SARADO GOBYERNO, SARADO KARAPATAN MO

SIBAKIN! KAPANGALAN MO, KASO MO.

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
Katulisan Kapulisan ng Binangonan PNP Nambugbog Ng Hinuli

AI ang Tagapagsalita BABALA: NAKAKAGALIT AT NAKAKALUNGKOT ANG TORTYUR VIDEO NA ITO KAYA HUWAG PO PANOORIN KUNG KAYO AY MADALING Read more

Mark, Binugbog Ni Kapitan Aga, Tinaniman Ni Liberato

Bawal Ang Dayo, Arestado Ka! https://youtube.com/shorts/aWBp2rrQgU4 SULAT-KAMAY NI MARK MULA SA BILANGGUAN Sinalaysay ng A.I Speaker Sa Video Pahina 1Pahina Read more

Asawa Ng Inosenteng Kinulong Nagsumbong Ng Pagkuryente Ng Bibig at Ari

MGA KASAMA SA KULUNGAN NG NAGSUMBONG GUSTO IPAALAM SA TAUMBAYAN KUNG PAANO SILA PINAHIRAPAN NG KATULISAN. https://youtube.com/shorts/T6jnjkcw0FI FB CHAT NG Read more

NUPL band-aid approach, ang Abuso Ng Gobyerno immunize

Maigi naman at sinagip ng NUPL ang kababayan natin. Kaya lang band-aid approach. Selective papogi. Di naisip ang tamang solusyon Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *