Binalita Ng Mommy Ni VP, Nag-Habilin Na Kay VP
Paunawa: Ang mga larawan ng People Power I ay mula sa Getty Images. Ang YouTube video ay mula sa: https://youtu.be/mTLVQRzzceY?si=dMpRn9eUy2Lvs0mx

Ipinapalangin namin ang mahaba pang buhay at kalakasan ng mahal na dating pangulong Duterte. Makakabuti ito sa ating bansa lalo na hanggang sa mahalal na presidente si VP Sara sa 2028. Sa survey, nangunguna sya sa lahat. Isama pa ang boto para kay Sen. Bong Go. Hindi nila mapapatalsik si VP Sara kaya sigurado ito makakatakbo sa 2028.
Paulit-ulit kami na hindi kami maka D30 o Marcos. Bagkus, kami ay maka Pilipinong taumbayan. Tinutuligsa namin ang abuso ng gobyerno kahit sino pa ang umupo. Kasama dyan ang Korte Problema at KingKongreso.
Ngayon, pag namatay ng maaga si D30 sa bilangguan bago pa sya malitis ng ICC sa Setyembre, palagay namin ay maaring maglunsad ng Edsa 4. Bakit kamo? Magwawala ang taumbayan, lalo na ang mga maka-D30. Kasi kaming mga nasa gitna nga e nagpupuyos ang damdamin sa galit, e D30 loyalists pa. Sa survey mula sa Manila Times sa larawan sa ibaba, kalahati ng bayan agad ay maka-D30 (35% Sara + 13% Go + 1% Robin + 1% Imee). Isama mo pa yung kay Leni, Raffy at Risa. Huwag na nating isama mga undecided. Baka nanawa na sa politika kasi wala na nga pag-asa ang Pilipinas.

E nakita naman ng buong bayan paano pinagkanulo ni BBM si D30 sa ICC. Bagamat naniniwala kami na dapat pa ring litisin si D30 ukol sa EJK (pero dito sa ating bansa), sumasang-ayon kami kay Roque na bilang na ang panahon ng mga Marcos. Wala nang magiging presidenteng Marcos kahit kailan, kahit si Imee o si Sandro. Tama na yung second chance na binigay sa kanila. At wala na bang iba?
Buto at balat na lamang si D30. Naghabilin na sya kay VP. Kahit kami na hindi naman maka-D30 ay nararamdaman ang sakit na ang isang dating pangulo natin — with all his faults — ay mamamatay sa loob ng bilangguan sa ibang bayan dahil sya pinagkanulo nina BBM, Torre, Remulla at ang kanyang group effort.
Sa mga panayam kay VP Sara, hanga kami sa tapang at tigas ng loob nya. Maaring guilty sya sa mga paratang ng Kongreso pero pwede sabi nga ni Miriam noon kung si Corona ay mahatulan e di honest ang mga nanghatol. E hindi naman. Mga kupal lang talaga ang mga nasa gobyerno.
Manalangin tayo wag magkaroon ng People Power IV. Pero kung ito ang sigaw ng taumbayan, sasama at makiki-isa kami para sa bagong panimula muli ng ating Mahal Na Pilipinas!
#AbusoNgGoberyno
Leave a Reply