Tulad Ni VP Sara, Dapat Palayain Ang Guro
Paunawa: Ang larawan ng dalawang tao isang matabang lalaki at isang babae sa post ay likha ng AI.
Ang Pagpapakilala: Pyansador + Katulisan Kapulisan Binangonan PNP = Pera Pera
Alamin natin sa link kung ano ang modus:
ANG AKUSANG 7 COUNTS NG RAPE
May isang gurong lalaki sa Binangonan, Rizal na inakusahan ng magulang ng isang babaeng estudyante edad 14 na taga Taytay, Rizal ng 7 counts of rape — 3 counts sa Binangonan RTC 68 at 4 counts sa Cainta RTC Branch 143.
Hephep Muna Tayo Sa Paghusga
Huwag natin husgahan ang guro. Hindi tayo korte. Hindi natin alam ang nangyari sa kanila ng teenager.
Bago tinaas ni Duterte noong March 2022 ang edad ng statutory rape (matik na walang consent ang ni rape kasi menor de edad) mula sa 12 edad pataas sa 16 edad, ang mga minor na 13 to 16 ay nakikipagtalik naman na walang krimen na ginagawa ang mga katalik nitong may mga edad. Intindihin na hindi namin pinabubulaanan ang salaysay ng nagreklamo sa guro.
Innocent Until Proven Guilty In a Fair Trial
Alam natin na inosente ang akusado hanggang sya ay mapatunayan sa korte na nagkasala. Ang proseso ng pag-iimbestiga sa DOJ at paglilitis sa korte ay kailangang makatarungan, pantay at naayon sa batas.
Fair Investigation at Trial
Ang sabi ng guro, hindi sya nakatanggap ng patawag (notice of hearing) nang nag Preliminary Investigation mula sa dalawang piskal ng DoJ Rizal na sina DoJ Puskal na si Jaime Co ng Binangonan at DoJ Puskal Maricel D. Cano ng Taytay DoJ.
Ang notice of hearing ang una na inuutos ng Saligang Batas na due process of law. Kasama dito ang karapatang pakinggan ang kanyang depensa o “right to be heard”.
Ano mang paglabag sa Konstitusyon — isa na ang right to due process of law — ay nagpapawalang bisa ng kaso o tinatawag na “null and void” ang reklamo at imbestigasyon. Dahil dito kahit ang korte walang karapatan na litisin ang akusado o tinatawag na “no jurisdiction”.
Katulad Ng Paglabag Sa Karapatan Ni VP Sara
Pamilyar ba ang mga karapatang ito sa inyo? Kung sinusundan nyo ang pagbasura ng Korte Suprema sa demanda/impeachment ng House of Rep kay VP Sara sa Senado, alam nyo na itong mga karapatan na ito ang pinagdiinan ng Korte Suprema.
Kaya nanalo si VP Sara: hindi sya nakatanggap ng notice, hindi sya binigyan ng pagkakataon amg depensa kaya — bukod sa paglabag sa one-year bar rule — lumabag ang House of Rep sa due process rights ni Sara kaya ang Senado ay hindi na maaring litisin si Sara hanggang Feb 5, 2026.
So ang mga nilabag na karapatan ni Sara sa Konstitusyon sa ilalim ng due process of law ay ganon din ang mga nilabag na mga karapatan ng guro ng DoJ Rizal Puskal Co at Cano, Binangonan RTC 68 Judge De Guzman at Cainta RTC 143 judge.
Ang Pagtulong ni Juan Sa Guro
Tinulungan ni Juan ang guro. Naghain ito ng dalawang Motions to Quash (ipabasura ang kaso) sa magkahiwalay na korte (RTC Branch 68 at 143) dahil nga sa wala ngang due process sa P.I. Ito ay katumbas na walang due process si Sara sa House of Rep.



Ang dalawang motions ay eksaktong magkapareho pwera lamang sa pangalan ng korte at DoJ Piskal.
Pansinin na ang basehan ng Motions to Quash ay paglabag sa due process right ng guro.
Ang Hatol Sa Motion ng Binangonan RTC 68 Judge De Guzman
Dinismis ng Binangonan RTC 68 Judge De Guzman ang Motion to Quash ng guro. Ang dahilan nya “she acquired jurisdiction over the person of the teache when he was arrested”. Tama naman ang sinabi nang judge. Pag naaresto doon mapapasa-ilalim ng kapangyarihan ng korte. Ang kaso hindi nya naintindihan ang layunin ng papel. Kaya ng nag motion e china challenge ang kanyang jurisdiction nang maaresto ang teacher.
Kahit may pagkatanga ang dahilan ni Binangonan RTC 68 Judge De Guzman, kumambyo naman ito. Binigyan nya ng pansamantalang kalayaan ang guro sa loob ng 60 na araw para daw ulitin ang P.I. para mabigyan sya ng pagkakataon magdepensa at mabigyan sya ng due process.
O suriin natin bayan. Hindi ba na ang argumento ng guro sa judge ay ganito: ibasura mo ang kasong ito dahil nilabag ang aking due process right kaya wala kang jurisdiction sa akin.
Dinismis nya ang motion dahil nga daw nakuha nya ang jurisdiction ng maaresto si Juan. Pero, dahil tinanggap nya na nilabag nga ng DoJ puskal Jaime Co ang due process right ng guro, palalayain sya – pero pansamantala lang para mag P.I. muli.
O bayan, napakatalino naming tao at eksperto sa batas pero nahihirapan kaming ipaliwanag ang katangahan ng desisyon na ito. Bukod pa ang kabaluktutan.
Subukan natin. O wag na lang kasi gets nyo na bayan? Sige try nga natin.
Ang Katangahan Muna
Linawin muli natin ang motion.
Ang Dahilan: walang due process of law ang guro
Ang Epekto: palayain ang guro kasi wala jurisdiction si Judge De Guzman
Sagot ni Judge De Guzman:
Dismis ang Motion: base sa nakuha nya ang jurisdiction nang maarestoang guro
Granted ang Paglaya: base sa walang due process
Sa totoo lang mahirap ipaliwanag ang katangahan.
Ang Kabaluktutan Naman
Eto magandang paliwanag dyan. Pero isangtabi natin ang dahilan ng paglabag ng one-year bar rule kaya basura ng 4th complaint nito.
Ang paglabag sa due process ang ikalawang dahilan ng pagbasura sa reklamo ng House kay Sara. Palagay natin na ito lamang ang dahilan.
Sinabi ba ng Korte Suprema na kapag nilabag ang due process rights (notice + hearing + right to be heard) ay pabalikin sya sa House para bigyan sya ng due process rights?
Walang sinabi ang Korte Suprema na ganyan. Imbes ang sinabi ng Korte Suprema:
(1) walang bisa ang reklamo (null and void)
(2) at walang jurisdiction ang Senado (na sya ang korte sa impeachment).
Maghahain ngayon ang House ng panibagong reklamo pinaka maaga sa February 6, 2025. Ang panibagong reklamo ay bagong “facts”. Hindi pwede irecycle ang pitong Articles of Impeachment kasama ang mga facts nito – halimbawa, ang kanyang threat to kill kina BBN o diumanong paglulustay ng confidential funds.
Sa totoo lang, maghintay pa ang House na lumabag muli si VP Sara bago muli sya ilagay sa impeachment proceeding. Kung uulitin ang reklamo sa Feb 6, 2025 or later gamit ang dating pitong Articles of Impeachment — isa pang malaking bawal ito sa Konstitusyon. Ang tawag dito “double jeopardy”.
So bayan kita nyo na kabaluktutan ni Judge De Guzman. Ang dapat nyang ginawa ay:
(1) dismis ang 3 counts of rape (dahil nga walang bisa na ang reklamo)
(2) at wala ng kapangyarihan ang korte (hindi lamang sya lahat ng korte sa Pilipinas) kahit kailan para litisin muli sya sa 3 counts of rape na ito!
Hindi ba inutos ni Judge De Guzman na mag P.I. muli si Aris sa DoJ Rizal sa parehong akusasyon ng ina ng bata? E di lumalabag sa isa pang karapatan ng guro itong si Judge De Guzman. Malinaw na ito ay isang kabaluktutan!
Sabi ng Korte Suprema, ang dismissal ng kaso sa motion to quash ay dismissal on merits (base sa katwiran at batas). Ang dismissal on merits ay permanente! Kahit na sabihin pa ni Judge De Guzman na “provisional” o “temporary” lamang ang dismissal nya. Wa epek yon sabi ng Korte Suprema.
Malaking U-Turn Ni Judge De Guzman
Eto na. Makailang linggo, nag issue ng bagong order si Judge De Guzman: hindi na conditional release ang kanyang desisyon sa guro. Kaya malaya na ang guro sa 3 counts of rape na ito sa korte nya.
Maigi naman at nag-isip si Judge De Guzman. Kung hindi, pananagutin namin sya sa kabaluktutan nya. Pero, pwede pa namin syang panagutin sa kabaluktutan nya kahit na itinaman nya.
Ang Hatol Sa Motion ng Cainta RTC Branch 143
Kahit na pinalaya na ang guro ng Binangonang RTC Branch 68, hindi pa rin sya makalalabas ng kulungan dahil may 4 counts of rape pa ang guro sa Cainta RTC Branch 143 na kailangang litisin o ipabasura.
Parehong Facts, Pareho Ang Batas, Pareho Dapat Ang Desisyon
Pinaliwanag ni Juan sa guro na dapat din syang palayain ng RTC Branch 143 (hindi namin alam ang pangalan ng judge; pwede namin i-google ito kaya lang baka kami magkamali; alamin muna namin at update namin ang post na ito).
Ang dahilan kung bakit dapat dismis din ang 4 counts na rape din nya sa Cainta RTC Branch 143 ay eksaktong pareho ang facts at akusasyon ang pagkakaiba lamang ay lugar kung saan naganap ang binibintang na krimen — kaya ito nasa Cainta DoJ at RTC dahil sila ang nakakasakop sa mga krimen na nagaganap sa Taytay.
Pareho din na hindi nakatanggap ng patawag ang guro mula sa DoJ Puskal Maricel Cano. Dahil dito eksaktong motion ang inihain ni Juan sa Cainta RTC Branch 143, gaya ng nasa larawan ng dalawang Motions to Quash sa itaas.
Dahil pamilya lamang ang pinahihintulutan na kumuha ng desisyon sa korte, sinabihan ni Juan ang guro na ipakuha nya ang desisyon ng Cainta RTC Branch 143 ukol sa Motion to Quash nya.
Ang sabi ng guro, hindi daw inaksyunan ng Cainta RTC Branch 143 ang Motion kaya hiniling nya kay Juan na lakarain ito. Kaso madamin tinutulungan si Juan kaya sinabihan nya na kunin pa rin ang Order ng Cainta RTC Branch 143 noong araw ng kanyang arraignment.
Lumipas ang mga tatlong buwan, walang balita si Juan sa kaso ng guro hanggang malaman nya na nagpa-areglo na ang nag-akusa sa kanya. Hindi di nagpaparamdam ang guro kay Juan kahit na sa FB Group Chat na ginagamit nya noon parra makausap si Juan sa BJMP sa Binangonan. Siguro kasi nilipat na sya sa BJMP sa Teresa, Rizal kung saan kinukulong ang mga nasasakdal sa sakop ng Cainta courts.
Ang Aregolo Na Ginaw Ni Criselda AragoNap
May nagbalita kay Juan na inareglo ni Criselda Arago para sa nag-akusa sa guro.
Malaking salapi na ang binigay sa nagdemanda ng pamilya ng guro ngunit nasa kulungan pa rin ang guro. Ayon sa kamag-anak ng guro ay P400,000 ito na ni-loan pa ng kapatid ng guro na isa ding guro. Ayon pa rin sa kamang-anak, bukod dito may pahabol pang hinihinging P50,000 na bayad sa serbisyong areglo si Criselda Arago.
May batas tayo ukol sa aregluhan ng kaso, pero iba sa mga kasong krimen, lalo na ang mga seryosong krimen tulad ng rape at isa pang lalo kapag ang rape victim ay menor de edad.
Ayon pa rin sa kamag-anak, nagbayaran sila at nagpirmahan sa harap ng DoJ Puskal.
Sa totoo lang, dahil sa basehang “Parehong Facts, Pareho Ang Batas, Pareho Dapat Ang Desisyon” na pinaliwanang namin sa taas, makakalaya ang guro ng hindi gagastos ang guro o ang pamilya nito.
Paano nagawa ni Criselda ang areglo nang walang kooperasyon ng DoJ Puskal Cano at pamunuan ng DoJ Rizal. Syempre meron. Ipapaalam natin ito kay DoJ Sec. Remulla at Korte Suprema. Agad!
Kailangan din ng abogado. Matatandaan na nangungumisyon si Criselda sa abogado kahit na bawal ito sa batas na sakop ang mga abogado. Ipapalam din natin ito sa Korte Suprema. Kasabay!
Ang areglong ito kailangang aprubahan ng Cainta Branch RTC 143.
Pero lalabagin ng judge ng Cainta Branch RTC 143 ang batas kung aaprubahan nya ang areglong ito dahil hindi kailangan ng guro ang areglo para sya makalaya.
Ang kailangan lamang ng guro ay sumunod ang Cainta Branch RTC 143 na sumunod sya sa batas: na dapat nyang palayain ang guro gaya ng pagpapalaya ng Binangonan Branch 68!
Bakit natin tinutugis si Criselda?
Dahl nilalabag at hinaharang nya ang karapatan ng guro para lang kumita ng pera.
Sya din ang promotor at intrumento ng mga abuso sa kapangyarihan ng mga opiysal sa gobyerno. Alam natin ang talamak na lagayan sa gobyerno na umaabot pa sa Kongreso na Presidente pa ang naglalagay (hello Pinoy!). Kaya pag reklamo namin sa mga opiysal ng gobyerno, starring role si Criselda.
Aalamin namin ito. Ipababawi namin ang perang areglo at papa imbestigahan namin sa Ombudsman at Korte Suprema ang mga sangkot na abusong opisyal sa isyung ito.
Mag uumpisa kami sa pagpapadal ng link ng post na ito sa korte ng Cainta Branch RTC 143.
Sundan ang mga susunod na kabanata.
#AbusoNgGoberyno
Leave a Reply