KUNG ANG BABALA AY KRIMEN, E DI MAS LALONG DAPAT KRIMEN ANG TINOTOO MO ANG IYONG BABALA. mGA aBUSONG TANGA SA GOBYERNO.

https://abusonggobyerno.org/judge-george-pantanosas-ng-binangonan-mtc-branch-2-at-ang-abusong-5-contempt-charges-kay-juan/

Ang dahilan ng aresto ay diumanong hindi paggalang sa magiting na Kapitan Anore. Ang kinaso nila “Disobedience” on hindi pagsunod. Kundi ba naman saksakan ng tanga at abuso ang mga ito, kasuhan ka ng disobedience sa alleged disrespect.

Matatandaan din na binasura agad ng DoJ Puskal ang Disobedience sa inquest. Kaya tanga nga!

Pero bakit ang kasong sinampa ay Unjust Vexation:

Dahil nga pagkatapos ng imbestigasyon ng Katulisan Kapulisan, dinagdagan pa nila ng Alarm and Scandal at Unjust Vexation kahit hindi ito ang basehan ng pag-aresto. Dahil mga tanga at abuso ang mga ito, nilaglag muli ng DoJ Puskal ang Alarm and Scandal. Mga tanga nakita lang ang salitang “scandal” ikinaso na. May limang sitwasyon lamang sa batas kung kelan ito papasok sa krimeng ito.

E bakit tinira ng DoJ Puskal ang Unjust Vexation? Kasi nga kaaway ni Juan ang mga taga DoJ Rizal dahil ito ay napa-inhibit nya noong 2017. Una, nang mag-inquest wala yung dalawang arresting officers na sina Katulisan Kapulisan Arnel Diocena at Streamson Tusi. Ang unang tungkulin ng DoJ Puskal sa inquest ay alamin kung tama ba ang pag-aresto ayon sa batas. E wala yung umaresto sa inquest, sino tatanungin? Kaya nga DoJ Puskal — as in pusakal. Kung hindi ka ba naman isang pusakal e bakit mo itutuloy ang inquest kung wala yung arresting officers (Abuso No. 1). Ang tinanong si Kapitan. May kasama syang dalawa pang Katulisan Kapulisan pero mga aanga-anga din ito. Kasi nung malaman nila na may inhibition ang DoJ Rizal kay Juan at sinabi ni Juan na dapat dalin sya sa San Pablo para-iinquest, wala daw silang kakayanan. E di mga tamad at walang kwenta.

Eto pa, so alam ni DoJ Puskal Mark Anthony B. Asuncion na ang dahilan ng pag-aresto ay sa Disobedience. Kung laglag ito, walang kaso (Abuso No. 2). E mga kupal na abuso ang nasa gobyerno.

So, kailangan din tanungin ng DoJ Puskal kung nabasahan ba si Juan ng Miranda rights. Umoo sagot si Kapitan e hindi naman sya arresting officers. Tinanggap ito ni DoJ Puskal Asuncion kahit na tumutol si Juan na ito ay isang kasinungalingan (Abuso No. 3).

Dahil naka-inhibit ang buong DoJ Rizal, kahit na hindi hilingin ni Juan na dalin sya sa San Pablo para sa inquest, dapat nagkusa ang DoJ Rizal na dalin si Juan doon kasi nga ang standard of inhibition on a case is appearance of impropriety (hindi actual impropriety). Ibig sabihin kung kita ng tao na mukhang mali (appearance) hindi na kailangang talagang mali (actual) para bitiwan ang kaso at ipasa sa patas na fiscal at huwes. E gigil na gantihan si Juan kaya hindi nila ito ginawa (Abuso No. 4).

Pinamili si Juan kung gusto nyang mag preliminary investigation (P.I.). Kahit na nakapag-aral ng batas si Juan sa Inglatera, hindi sya pamilyar sa proseso ng aresto sa Pilipinas. Dahil dito humiling sya ng abogado. Wala daw available kaya tinuloy ang inquest. Hindi din kabisado ni Juan ang Konstitusyon na nagsasabi na kapag nag-waive ang inaresto sa karapatang may abogado sya ay kailangan itong nakasulat at ginawa sa harap ng abogado. Isipin nyo bayan, mga abogado ito sa Pilipinas na ang trabaho nila ay ipataw ang batas ng tama at pantay lalo na protektahan ang karapatan ng tao na maging malaya (right to liberty). E dahil sanay sa mga kahayupang abuso itong mga DoJ Puskal, hindi nila binigyan ng abogado si Juan kahit na humiling ito (Abuso No. 4).

So eto na tayo sa Unjust Vexation. Ang tungkulin ng DoJ Puskal ay alamin kung may “probable cause” (sa totoo lang mas mataas pa dito ang standard ang tawag ay “reasonable certainty of conviction“, pero balikan natin ito) na ginawa ang krimen ni Juan. Pero bago sagutin ang tanong kung may probable cause ang unang tanong ay krimen ba ang ginawa. O balikan natin ang sinabi sa Information sa larawan taas. Krimen daw ang magbabala ng “Babalikan Ko Kayo, Ipapatanggal Ko Kayo”.

Pansinin, ito ay babala ni Juan sa mga abusado sa kapangyarihan na umaaresto sa kanya. Ang pananalitang “babalikan” at “ipapatanggal” ay pangkaraniwan nating binibigkas kung tayo ay inapi at napinsala ng mga taga-gobyerno (o kahit kapwa natin). Kung ito ay krimen e di marami nang nakasuhan dahil araw-araw may nangyayaring ganitong sitwasyon.

O eto na kung ang babala ay isang krimen, ano ang tawag mo kung totohanin mo ang iyong babala tulad ng ginawa ni Juan sa pagreklamo nya sa Ombudsman ng hindi baba na 20 criminal offenses at 20 na administrative offenses. Sa mga sumusunod na larawan, ang listahan ng mga sinampang kaso ni Juan na nasa Ombudsman Orders ay mula lamang sa Pangunahing Reklamo nya (Main Complaint Affidavit) at mga pahabol (First and Second Complaint Affidavits).

Pansinin na dinagdagan pa ni Juan ang kanyang mga dinemanda dahil kailangang panagutin ang “chain of command” hanggang kataastaasan kaya hanggang kay DoJ Secretary Remulla abot ang reklamo. Pwede nga hanggang kay BBM, pero wag na lang.

So ulitin natin ang tanong, kung krimen ang pag-babala na babalikan mo ang mga kahayupang abuso ng demanda e di mas lalong krimen dapat na hindi lamang sila ipatanggal (administrative complaints) kundi para ipakulong (criminal complaints). Eto ang Abuse No. 5.

Marami pang abuso ang sinulat ni Juan sa kanyang reklamo bukod sa limang ito. Amin iton babangitin sa mga susunod na posts.

https://www.facebook.com/share/v/169C8sY37Q/?mibextid=wwXIfr

https://www.facebook.com/share/1CpLGKPZEa/?mibextid=wwXIfr

E binalikan na nga sila ni Juan. Ang binalik ni Juan sa Unjust Vexation ay tig-20 na criminal at administrative offenses. Sa susunod na mga posts, tatalakayin natin ang krimeng Unjust Vexation kasama na ang kupal na salita na “in their great alarm, annyoance and disgust” ni DoJ Puskal Asuncion. Krimen na pala ang phrase na to. Abuso. Tanga. May mga elemento ito na dapat suriin bago sabihin ito ay krimen. Sa totoo lang, hindi lamang babalikan sila ni Juan, hindi sya titigil hanggat hindi napaparusahan ang mga kahayupan nilang ginawa. Habang buhay. Lahat ng yaman nya (kung ano mang meron sya). Sabi nga ni Julia Roberts sa Prettty Woman: “big mistake!”

Bago natin lisanin ang post na ito, bago pa si DoJ Puskal Asuncion, nauna muna etong DoJ Puskal Maria Teresa V. Reyes. Sya ang naunang guilty sa limang abuso sa taas. Sumunod dito ang kanilang mga bossing na sina DoJ Ferdinand C. Arabit, DoJ Puskal Raymond Jonathan Lledo, DoJ Puskal Gloria M. De Guzman, DoJ Puskal Beppo Jerome L. Diloy at isa pang reviewing prosecutor.

https://www.facebook.com/share/12M9ut26N88/?mibextid=wwXIfr

https://abusonggobyerno.org/judge-george-pantanosas-ng-binangonan-mtc-branch-2-at-ang-abusong-5-contempt-charges-kay-juan/

Alam mong kaaway mo, ikaw pa ang huwes. Alam ng Binangonan yan. Malinaw na hindi ka makatarungan.

Paalala ni Juan sayo, ang standard ng inhibition ay appearance of impropriety. Lagpas lagpasan ka don kasi sayo, actual impropriety. Abangang mo mga abuso mo kay Juan (at sa iba pang mamamayan kasi nagsumbong na rin sila sa Abuso Ng Gobeyno).

Bayan, ang pagbatikos sa mga kahayupang abuso ng gobyerno kahit na mga huwes pa ay ating karapatan. Kahit si Korte Problema, sya mismo nagsabi nyan.


#AbusoNgGoberyno


๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
Katulisan Kapulisan ng Binangonan PNP Nambugbog Ng Hinuli

AI ang Tagapagsalita BABALA: NAKAKAGALIT AT NAKAKALUNGKOT ANG TORTYUR VIDEO NA ITO KAYA HUWAG PO PANOORIN KUNG KAYO AY MADALING Read more

Ang 9 sa kada 10 na na-convict ay kasawian ng pilipino

https://youtu.be/1BvNNNr44jo Sabi ni SoJ Remulla na ang 90% conviction rate (sa kada 10 na sampahan nila ng kaso, 9 ang Read more

Mark, Binugbog Ni Kapitan Aga, Tinaniman Ni Liberato

Bawal Ang Dayo, Arestado Ka! https://youtube.com/shorts/aWBp2rrQgU4 SULAT-KAMAY NI MARK MULA SA BILANGGUAN Sinalaysay ng A.I Speaker Sa Video Pahina 1Pahina Read more

Asawa Ng Inosenteng Kinulong Nagsumbong Ng Pagkuryente Ng Bibig at Ari

MGA KASAMA SA KULUNGAN NG NAGSUMBONG GUSTO IPAALAM SA TAUMBAYAN KUNG PAANO SILA PINAHIRAPAN NG KATULISAN. https://youtube.com/shorts/T6jnjkcw0FI FB CHAT NG Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *