Paano Mag Inquest Kung Wala Ang Arresting Officers? E Di Pack Up.

Pero Kahit Wala Tinuloy Pa Rin Ni DoJ Puskal Mark Anthony Asuncion ang Inquest.

https://www.facebook.com/share/r/1ACU3bfffD/?mibextid=wwXIfr

Pagdala sayo sa inquest, ang unang dapat gawin ng DoJ Puskal ay alamin kung tama ba ang pag-aresto ng walang warrant. Ito ay mula sa panuntunan ng DoJ 2025 Circular 15 na nasa larawan:

Ganito din ang tinukoy ng Korte Suprema sa kaso ng People vs. Beltran (G.R. 175013 June 1, 2007):

Sino Dapat Ang Tanungin Ni DoJ Puskal Asuncion?

Sa inquest ni Juan sa araw din iyong sya ay inaresto, ang dumalo ay si Barangay Butangero Kapitan Gil Anore ng Barangay Libid, Binangonan, Rizal at ang dalawang pulis na sina Jefferon Soriano at isa pa. Sa hindi malamang dahilan (kaduda duda di ba?), hindi dumalo ang arresting officers na sina Katulisan Kapulisan Arnel Diocena at Streamson Tusi. Bakit kaya? Napahamak lamang ba sila ni Kapitan at bodyguard lamang sila nito dahil hindi sila nakaduty? Nagmoonlighting lamang ba ito noong araw na inaresto si Juan?

Balik tayo sa inquest. Sino ba dapat tanungin ni DoJ Puskal Asuncion kung tama ang pag-aresto. E di syempre kung sino ang umaresto. E wala sila. Hindi nga man lamang tinanong ni DoJ Puskal Asuncion si Barangay Butangero Kapitan Anore at si Pulis Soriano at kasama nito kung bakit wala. O di ba mga dedmakupal ang mga abusadong ito sa gobyerno?

Pero aalamin natin yan kay Hepe Evangeline Santos at sa kanyang mga bossing sa kataas-taasan ng Katulisan Kapulisan. Hindi natin titigilan ito hanggang hindi napipiga ang lahat ng kakupalan ng Katulisan Kapulisan.

Anyway, so kung wala ang arresing officer, paano magagawa ni DoJ Puskal Asuncion ang utos ng batas? E di suwayin ang batas, abusuhin si Juan, at kapalan ng mukha. Kaya tinuloy ni DoJ Puskal Asuncion ang inquest kahit alam nyang bawal ito sa batas. O di ba tama ang tawag sa kanya, pusakal?.

Ngayon mangangatwiran na nandoon naman si Barangay Butangero Kapitan bilang arresting officer. O isa pa tong kakupalang paglabag sa batas. Walang kapangyarihang umaresto ang isang kapitan dahil hindi ito kasama sa tinalaga nyang tunkulin. Sa ilalim ng Presidential Decree No. 528 (August 5, 1974) nilinaw nito ang mga kapangyarihan ng mga opisyal ng barangay at ang papel nila ay mag-“assist” lamang sa law enforcement pero wala sila power to arrest.

Ngayon pwedeng ikatwirang pulpol ang Affidavit of Arrest. Una walang sinumite ang mga Katulisan Kapulisan na dokumentiong ito. Pangalawa, kahit meron, hindi ito sapat na pagbatayan sa isang imbestigasyon ng isang DoJ Puskal dahil ang nakataya ay kalayaan ng isang mamamayan. Kahit sa korte, kahit na may affidavit na ang testigo, kailangan pa rin niyang mag-appear sa paglilitis. Kaya kailangan nadoon sa harap ng DoJ Puskal ang Katulisan Kapulisan na arresting officer.

Ang maari pa ikatwiran ay yoon ang patakaran nila at nakagawian. O nakita nyo na ang katwirang pulpol at abuso? Kaya dapat sa mga tangang ito i-death penalty.

Ang unlawful arrest ay isang krimen sa ilalim ng Article 269 ng Revised Penal Code. Ito din ang batas na sinusiguro na maprotektahan ang karapatan ng mamamayan na maging malaya (right to liberty) na pinagkaloob ng ating Saligang Batas.

E nilabag ito ni DoJ Puskal Asuncion. Nangatwiran si DoJ Puskal Asuncion na hindi naman sya ang humuli kaya hindi sya “principal” o pangunahing gumawa ng krimen. Tama naman sya. Kaso isa lamang ito sa tatlong principals sa batas.

Ang pangalawang principal ay kung ikaw ay nanghikayat na ituloy ang pag-aresto ng labag sa batas (Article 17.2). Ang ikatlong principal ay kung ikaw ay nakiisa na kung hindi dahil sa tulong mo hindi magtatagumpay ang pag-aresto ng labag sa batas (Article 17.3). Kung hindi ka principal, ikaw naman ay kasabwat (accomplice) dahil nakiisa ka sa paggawa ng krimen (Article 18).

Mangatwiran man si DoJ Puskal Asuncion, pasok pa rin sya sa banga bilang principal o accomplice.

Sa mga susunod na posts, tatalakayin natin ang iba pang paglabag sa batas at abuso sa kapangyarihan ni DoJ Puskal Asuncion.

Tandaan natin na ang abuso ni DoJ Puskal Asuncion ay abuso ng kanyang mga boss na sina Raymond Jonathan B. Lledo, Gloria M. De Guzman, Beppo Jerome L. Diloy, Josef Albet T. Comilang, Jesus Crispin Remulla at si BBM. Kasama din ang mga tropa nya na sina DoJ Puskal Maria Teresa V. Reyes na syang hindi nagbigay ng abogado kay Juan kahit na humingi sya dito at kanyang karapatan ito. May sariling kwento itong si DoJ Puskal Reyes dahil tinarayan pa nya si Juan at hindi na itinago na kinakampihan nya sina Barangay Butangero Kapitan at Katulisan Kapulisan. Kasama din dito ang mga nagreview at nag approve ng pagsampa ng kaso kay Juan na si DoJ Puskal Ferdinand C. Arabit at isa pang DoJ Puskal na kikilalanin pa.

Ang mga pangalang ito ay kasama sa mga dagdag na hinabla ni Juan sa Ombudsman. Hanapin sa ikatlong larawan sa ibaba.

Sa palagay nyo principal ba o accomplice ang mga pangalang ito? May tinatawag pa na accesory (halimbawa dahil kaaway ni Juan sina Lledo at De Guzman mag profit sila dahil nakaganti sila kay Juan)


#AbusoNgGoberyno


๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
Katulisan Kapulisan ng Binangonan PNP Nambugbog Ng Hinuli

AI ang Tagapagsalita BABALA: NAKAKAGALIT AT NAKAKALUNGKOT ANG TORTYUR VIDEO NA ITO KAYA HUWAG PO PANOORIN KUNG KAYO AY MADALING Read more

Ang 9 sa kada 10 na na-convict ay kasawian ng pilipino

https://youtu.be/1BvNNNr44jo Sabi ni SoJ Remulla na ang 90% conviction rate (sa kada 10 na sampahan nila ng kaso, 9 ang Read more

Mark, Binugbog Ni Kapitan Aga, Tinaniman Ni Liberato

Bawal Ang Dayo, Arestado Ka! https://youtube.com/shorts/aWBp2rrQgU4 SULAT-KAMAY NI MARK MULA SA BILANGGUAN Sinalaysay ng A.I Speaker Sa Video Pahina 1Pahina Read more

Asawa Ng Inosenteng Kinulong Nagsumbong Ng Pagkuryente Ng Bibig at Ari

MGA KASAMA SA KULUNGAN NG NAGSUMBONG GUSTO IPAALAM SA TAUMBAYAN KUNG PAANO SILA PINAHIRAPAN NG KATULISAN. https://youtube.com/shorts/T6jnjkcw0FI FB CHAT NG Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *