NOt 1, nOt 2 But 5 contempt charges – abuse of power

Kabanata 1 of 3,000
Pahina 1
Pahina 2

HELLO KAY JUDGE PANTANOSAS

Judge Pantanasosas, dumating na ang panahon para ilathala ang iyong abuso kay Juan. Nagkapanahon na sya. Pasalamat ka sa iyong kompanyero na si Judge Santos ng Binangonan MTC Branch 1 dahil napaaga ang iyong Serye dito sa paglalathala ng mga abuso sa gobyerno.

Bayan, abangan ang pagkumpara ng pagtrato ng dalawang abusong huwes na ito kay Juan. Parehong sitwasyon, pero iba desisyon — basta talo o maipahamak si Juan. Abangan nakakatawa ang mga galaw ng dalawang huwes na ito.

uNAHIN NATIN ANG CITIZENSHIP NI JUAN

Sa limang abuso ni Judge Pantanosas, pinuntirya ni Judge Santos ang authorization document (Special Power of Attorney dated December 9, 2016) ni Juan sa kanyang abogado na tinalaga nya ang abogado bilang taga-usig nya sa demanda nya laban sa kanyang katunggali. Ito ay pribadong dokumento kahit na isumite sa korte bilang kopya nito sa pagtalaga sa abogado. Ginamit ni Juan ang kanyang British passport sa paglagda sa dokumento na ito dahil hindi pa sya naka-renew ng Philippine passport.

Sa kasong ito ni Juan sya ang complainant. Kahit na sya ay may abogado (private prosecutor), meron pa ring public prosecutor na nakatalaga sa kaso. Ang pwede gawin ni Judge Pantanoas ay hindi payagan na mag-appear ang abogado ni Juan kung hindi nya tinatanggap ang validity ng SPA ni Juan.

Nang makita ito ni Judge Pantanosas, agad nag utos ito kay Juan na patunayan na sya ay Pilipino. Hindi lahat ng utos ng huwes ay kailangang sundin. Kailangang ito ay nasa loob ng kanyang kapangyarihan (within his power), makatwiran (justifiable) at kailangan (necessary).

Ngunit, dahil lumalaban si Juan sa mga abusadong opisyal ng gobyerno, hindi nya sinunod ang utos ng abusadong Judge Pantanosas. Dahil dito kinasuhan si Juan ng contempt ni Judge Pantanosas para sa perjury o pagsisingungaling.

Pinanawa ni Juan na mag contempt si Judge Pantanosas. Kung gusto nyang malaman na Pilipino pa rin si Juan, sya ang mag utos sa ahensya ng gobyerno na magpapatunay na hindi Pilipino si Juan.

Di ba basic sa batas yan ang “burden of proof” — kung sino ang nag-aakusa, sya ang magpatunay (he who accuses must prove). E sa batas ni Judge Pantanosas, hindi nag-aapply sa kanya yan, kasi sya ang hari ng kanyang sala. Pansinin ang pagkakaiba, sala hindi korte. Kasi ang korte ay institusyon, ang nakaupo dito ay pinagtiwalaan ng bayan magbigay ng hustisya (hindi abuso) kaya intindihin natin ang pagkakaiba.

Pansinin na sabi ni Judge Pantanosas sinabi daw ni Juan “the court has no power” to issue contempt charge. Ep ep, ang sinabi ni Juan ay “the judge has no power” to issue ng contempt charge. Ang korte ay may power of contempt, ang nakaupo dito wala. Pag hindi mo lang ginalang ang institusyon ng korte, doon maari kang ma-contempt. Pero depende pa rin yan sa sitwasyon.

Kay Judge Pantanosas kasi, ang power of contempt ng korte ay power din nya. Asus, yan ang kalulongan sa kapangyarihan ng isang abusadong huwes. Gagalangin mo ba ang isang huwes na mapang-api, hindi makatwiran? Syempre hindi. Imbes, kailangang ibunyag at panagutin ito sa taumbayan. Gaya ng paglalathala na ito. Hindi nga halal ng taumbayan ang mga huwes, tapos may kapangyarihan sila magpakulong gamit ang contempt power ng korte (hindi power nya!). E di wow!

Balik tayo sa abusong judge. Nainis si Judge Pantanosas kaya nag contempt pa sya ng maraming beses sa mga walang kapararakan na dahilan — lahat ng ito ay wala sa kanyang kapangyarihan. May preview sa larawan ng dokumento pero alamin ang detalye sa mga susunod na posts.

Alalahanin natin na ang kinakaso kay Juan ay perjury sa contempt charge. Ang perjury ay kailangang “knowingly making untruthful statement” – sadyang alam na kasinungalingan. Nandito na tayo sa topic ng perjury, gumawa na rin kami ng paliwanag sa baba para sa Serye: Alamin Ang Batas at Ating Karapatan.

Syempre alam ni Juan na Pilipino sya kaya hindi mananalo ang kasamaang bintang ni Judge Pantanosas. E di walang kasinungalingan. Walang “knowingly making untruthful statement.” Hindi nagbigay si Juan ng ebidensyang hinihinigi ni Judge Pantanosas. Bakit sya magbibigay? Ang burden of proof ay na kay Judge Pantanosas kasi sya ang nag-aakusa. Inuulit ni Juan, hindi lahat ng utos ng huwes ay dapat sundin, lalo sa mga abusadong huwes.

Isa pa walang kinalaman ang SPA sa usapin ng kasong nililitis ni Judge Pantanosas bukod sa pagpapaalam sa korte na may kinatawang pribadong abogado si Juan. Pero sa isang abusadong huwes, wala kang panalo. Pwera na lang kung ikaw ay si Juan.

Sabi pa ni Judge Pantanosas na siniabi ni Juan na Juan “can say whateve he wants in the SPA”. Totoo naman yon, kasi nga pribadong dokumento to ni Juan at ng kanyang abogado. Walang pakialam si Judge Pantanosas kahit sabihin ni Juan na “ako ay si superman nanunumpa” imbes na “ako ay Pilipino nanunumpa”. Hindi importante ang citizenship sa SPA. Kasi ang notaryo ang nagbibigay ng sakop kung saan bansa pwede itong gamitin na pruweba ng pagtalaga. E baki paki-alamero si Judge Pantanosas? Kasi nga, tulad ni Judge Santos na nagpasa ng kaso sa kanya nang napa-inhibit ni Juan si Judge Santos, galit sila kay Juan dahil lumalaban ito sa mga abuso nila sa mga kapangyarihan!

Tama na muna eto. Ilalathala naming ang buog sagot ni Juan sa mga abusong ito ni Judge Pantanosas.

Spoiler alert: Yang limang abusong contempt charges, si Judge Pantanosas din nag-dismiss – nang kusa! Pero, may pahabol pa sya sa perjury, hindi maka move-on.

Abangan sa mga susunod na posts. Ang dapat tandaan, hindi doon nagtatapos ang kwento. Itong mga paglalathala ng abuso ni Judge Pantanosas ang magtutuloy ng kwento, kasabay ng serye ng abuso naman ni Judge Santos.

Para sa dalawang abusadong huwes na ito, bago pa kayo mag contempt muli, basahin ang ang batas at ang deklarasyon ng Korte Suprema: pag ang puna at batikos ay ukol sa galaw nyo sa trabaho nyo, hindi kayo dapat balat-sibuyas. Sabi ng KS, lumayas kayo dyan kung ayaw nyong malathala ang inyong mga abuso sa taumbayan!

Pero eto talaga utos ng batas: wala kayong kapangyarihan mag contempt o karapatang mag cyber-libel kasi nga galaw sa trabaho nyo ang pinupuna at binubunyag!

Panawagan sa Bayan: Kung sino man po sa taumbayan na nacontempt ni Judge Pantanosas at Judge Santos, mag PM po sa amin. O kahit anong abuso ginawa sa inyo. Susulat po kami sa Korte Suprema para hingin ang lahat ng mga contempt charges nila sa taumbayan simula pa nang sila ay naupo sa pwesto.


SERYE: ALAMIN ANG BATAS AT ATING KARAPATAN

Perjury

Dalawang klase ang pagsisinungaling sa salaysay:

  1. False Testimony (Walang Katotohanang Salaysay o WKS na di sinumpaan) at
  2. Perjury (Sinandyang WKS na Dokumentong Sinumpaan Sa Notaryo o SWKS-DSN)

Revised Penal Code (Kodigo ng Batas Kriminal)

Artikulo 180: WKS laban sa akusado sa kasong kriminal (false testimony in criminal case)

Artikulo 181: WKS pabor sa akusado sa kasong criminal (false testimony in criminal case)

Artikulo 182: WKS sa kasong sibil (false testimony in civil case)

Artikulo 183:

  • SWKS-DSN (perjury) DOKUMENTO HINDI PARA SA KORTE PERO UTOS NG BATAS (halimbawa, Affidavit of Lost Passport o Sinumpaang Salaysay Na Nawalang Pasaporte)
  • SWKS sa Artikulo 180, 181 at 183 na Sinumpaan sa KORTE (DOKUMENTO o kaya SALITA lang tulad ng pagsagot sa tanong ng taga-usig o prosecutor)  

Artikulo 184: Sinadyang pag offer ng testigong sinungaling (false witness) o WKS  (false testimony) bilang ebidensya sa korte o labas ng korte tulad sa kongreso (congressional hearing)  

ANO ANG DAPAT PATUNAYAN SA PERJURY (Artikulo 183):  Mga Elemento ng Krimen (Bawat Elemento Dapat Mapatunayan, Isa Lang Sumablay, Dismis ang Kaso)

  1. Walang Katotohanang Salaysay (WKS) sa Dokumento o Salita Lamang
  2. Sinumpaan sa harap ng notaryo (SN) o ibang opisyal na taga-panumpa (halimbawa clerk ng korte)
  3. Sinandya (S) o alam na walang katotohanan
  4. Ang WKS ay utos ng batas o ginamit sa usaping legal

Ang elementong numero 2 at 4 ay madaling patunayan. Halimbawa, ang pulis na nagkaso ng droga sa akusado ay gumawa ng Sinumpaang Salaysay Reklamo dahil utos ito ng batas.

Ang elementong numero 1 ay mapapatunayan kung ang salaysay ay

  •  MAHALAGA LAMANG sa pinag-uusapan (material matter). Halimbawa, para mapatunayan ang pagkakakita ng droga (illegal possession) sa katawan ng akusado ay nagsalaysay ang pulis na nakuha nya ito sa bulsa ng akusado.  
  • Pag hindi mahalaga ang kasinungalingang salaysay sa pinag-uusapan walang perjury. Halimbawa, sinabi ng pulis na sya ang nag-aresto samantalang ang Kapitan at mga Tanod ang umaresto. Kahit sinungaling ang pulis, hindi ito mahalaga na patunayan ang illegal possession pero mahalaga ito para patunayan ang unlawful arrest ng pulis. So, di ito perjury ukol sa illegal drug possession ng akusado pero perjury ukol sa unlawful arrest ng pulis.

Ang elementong numero 3 ay mapapatunayan kung ang maling salaysay ay sinadya dahil alam nyang kasinungalingan ito. Halimbawa, ang drogang nakita sa akusado ay tinanim lamang pala ng pulis na nagsalaysay.

noong S


#AbusoNgGoberyno | #AbusoNiJudgePantanosas


๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
SOJ Remulla Inulit Sinabi Nagagapang Ang Korte

Implied Sa Kanyang Pahayag Na Nagagapang ang Korte Gaya ng sinabi na nya ng paulit-ulit Katulisan Kapulisan + Korte Problema Read more

Eden Santos: Huwag Nyo Kasing Santuhin!

Mga Ibang Reporters Hindi Masabi Gusto. Takot? Nahihiya? https://youtu.be/3dGPt8p6Cpc?si=ozen4yA4ASIsR5QB Paunawa: Ang clips ay pinagdugtong mula sa mga videos ng DZMM Read more

NAPOLCOM Napulpol Papogi

Pakinggan maigi itong si Calinisan nagmamalinis. https://youtube.com/shorts/BaUmfJ1is1Y?si=I0yscxbvOBGpDdOn Paunawa: Ang clip ay pinagdugtong na retaso mula sa video ng One News. Read more

2009: CONTEMPT ORDER NA IPAKULONG ANG DRIVER NA NAG PARK SA SPACE NI Judge IBAY

Desisyon ng Korte Suprema: https://lawphil.net/judjuris/juri2009/jul2009/am_rtj-09-2175_2009.html serye: juan vs. judge abusado Ano Ba Ang JUDICIAL Contempt of court Isa itong likas Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *