Bawal Ang Dayo, Arestado Ka!

SULAT-KAMAY NI MARK MULA SA BILANGGUAN

Sinalaysay ng A.I Speaker Sa Video

Pahina 1
Pahina 2

TINAYP NA SULAT-KAMAY NI MARK

Bawal Ang Dayo, Arestado Ka

Ako po si Mark Nov. 5, 2024, araw po ng Martes nasa Barangay Ithan po ako sa bahay ng aking pinsan na si Joan at naki suyopo ako sakin pinsan na ichat ang mama ko na humingi po ako ng pamasahe saking mama at sag anon po makuwi po ako sa lola ko sa Tarlac at nakikain po ako at paalam na po ako saking pinsan na aalis na po ako at mag lalakad na lang ako papuntang bayan ng Binangonan. Nang nong nasa bayan na po ako ng Binangonan naglalakad po ako sa oras na 12:30 PM sa tabing karsada mayron po akong naka salubong na dalawang lalaki na nakasibilyan at bigla na lang ako dinakot nila nong makalagpas sakin yang dalawang lalaki at pinasok nila ako sa iskinita at may dumating pang isang lalaki at binugbog na po nila ako at bilang isang tao ako’y may karapaan magtanong sa kanilang tatlo kung bakit po nila ako hinuli ang sagot po nila sakin ay bawal po daw ang dayo sa kanilang Barangay Libid at dinala na po ako nila sa Barangay Hall. Pinasok po nila ako sa parting kaliwang kwarto ng Barangay Hall ng Libid at sinara nila yung mga bintana at don naman po binugbog pa din ako nila. Bumugbog sakin ay hinataw po ako ng baril sa mukha sa nagngangalang Kapitan Aga at dalawang tanod sa aking pagkakakilanlan sa kanilang tatlo at nong pagkatapos po nila akong bugbogin tumawag po yong Kapitan sa mga Intel at sa mga oras na 2:00 PM dumating an yong mga Intel at don na po ako binigay ni Kapitan Aga sa mga Intel at ang pagkakarinig ko po sa mga sinabi ni Kapitan Aga ay “tol, kayo na ang bahala dyan sa aming huling dayo” at binalik po ako ng mga Intel dun sa pinaghulihan sakin ni Kapitan at dalawang tanod sa mga oras na 2:30 PM at dinala po ako nila sa isang bahay at dun po sila naghain ng kung anu-anong ibidensya sakin at yong isang Intel sa nagngangalang Leberato ay naglagay ng wallet na maliit sa kanan ng bulsa ko. Don na po ako pumalag at sinabing “Sir, ano yan wala namang ganyanan” at sa binugbog nila ako. Lumipas ang minute hanggang dumating ng kagawad pinatayo po nila ako sa harapan ng kagawad at dinakot po ni Sir Leberato yong nilagay nyang wallet sa bulsa ko at pinakita po niya yong laman ng wallet na may droga at don na po nya ako binasahan ng aking karapatan. Makalipas ang ilang oras saka po nila ako dinala sa station police at don na po ako kinulong at sana po mabigyan ng hustisya ang maling pag aresto sa akin.

Mark (nilagdaan)


#KatulisanKapulisan
#BinangonanPNPKatulisan
#PNPKatulisan
#DefundThePolice
#AbusoNgKapulisan
#GobyernoKunsintidor
#GobyernoDedma
#GobyernoWalangSilbi
#AbusoNgGobyerno


👍
1
👏
0
❤️
4
🙏
0
😢
1
😡
0


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

0
Would love your thoughts, please comment.x
()
x