Maigi naman at sinagip ng NUPL ang kababayan natin. Kaya lang band-aid approach. Selective papogi. Di naisip ang tamang solusyon sa abuso ng gobyerno? O sadyang takot sa babanggain?
Kapangalan Mo, Kulong Ka Kumander Prudencio “may Jr.”

Sa magandang balita ng Inquirer, pinupuri namin ang National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) sa paghain ng petisyong Habeas Corpus at napalaya ang ating inosenteng senior citizen na kababayan na si lolo Prudencio Calubid Jr.

Kaya lamang, dapat bukod sa pagsagip kay Lolo Prudencio, dapat inisip nila kung ano ang pinakaproblema ng bayan na pumipinsala sa mga Pilipino. Alam ng NUPL na ang pagpapakulong sa kasong kuno na “mistaken identity” ay isang pangkaraniwan ng ginagawa ng gobyerno.

Sa totoo o lang, hindi ito mistaken identity. Kaya nga may identity search procedure sa database. Ito ay isang kasong kapangalan ng akusado sa listahan ng gobyerno na hindi na kailangang patunayan sa paglilitis sa korte. Tamang search procedure (halimbawa, paggamit ng middle name, edad, atbp.) lang ang kailangan at kung sakali ay documentary proof lang (halimbawa, birth certificate, passport, atbp).

Ang mistaken identity ay ang isang testigo sa krimen ay pinagbintangan ang isang tao. Hindi ito isang sitwasyon na kapangalan lamang bagkus ay pinagbasehan ng nagakamaling testigo ang pagmumukha ng kanyang pinagbintangan. Dito sa Kapangalan Mo, Kaso Mo – walang mukha ng pinagbintangan.

Sa totoo lang, kami ay sumulat sa NUPL noong Abril 29, 2025 at Mayo 2, 2025 para humingi ng tulong sa sistemang ito sa ating hustisya. Tumawag din po kami sa kanila para ipaliwanag ang isang napakalaking isyu na ito. Isa itong crime against humanity na tinawag naming Kapangalan Mo, Kaso Mo. Eto lamang Hunyo 6, 2025, pinasimulan namin ang Petisyon na sibakin itong abusong panuntunan at patakaran ng gobyeno. Kaka post lang namin ang petisyon na ito, tumambad sa balita agad nang wala pang isang minuto ang Kapangalan Mo, Kulong Ka Kumander Prudencio sa FB feed namin. Marunong ang ating Dyos!

Sumagot ang NUPL noong Mayo 6, 2025. Hindi daw nila kayang tumulong sa kakulangan sa tauhan at kakayanan. Tinanggap namin ang sagot nila ng OK lang. Tingnan ang mga larawan.

Matatandaan na ang sikat na Atty Kristina Conti ay isa sa NUPL. Sya ay kasama sa naglilitis ng crime against humanity na hinabla laban kay dating pangulong Duterte sa ICC.

Sa paulit-ulit na pagpapakulong na ito ng gobyerno, bakit hindi naisip ng NUPL na solusyunan ang pinaka ugat ng abusong ito ng gobyerno: na walang batas na nag-uutos o malinaw na panuntunan sa sistema ng hustisya sa pilipinas na kung paano ang proseso na dapat sundin sa mga sitwasyong ito para protektahan ang karapatang maging malaya ng taumbayan?

Eto lang nagsumbong kay Tulfo. Galit na galit si Tulfo.

https://www.facebook.com/share/r/19QBichg9N/?mibextid=wwXIfr

Sa aming dinulog na isyo sa NUPL, binanggit namin sa kanila na ang abusado sa Kapangalan Mo, Kaso Mo ay ang Korte Suprema, Korte Problema dahil panuntunan din mismo nila ito sa buong kapuluan ng Pilipinas — sa lahat na lagpas sa 1,000 na opisina ng korte. Takot kaya ang NUPL? Sa dami nilang abogado kuno na nagtatanggol ng karapatang ng taumbayan, kung may limitasyon ang tapang ay wag nang magpapogi.

Makiisa sa Petisyon Ng Taumbayan:

Signings

0

Goal

0


#KatulisanKapulisan | #KorteSupremKorteProblema | #AbusoNgGobyerno

👍
1
👏
0
❤️
4
🙏
0
😢
0
😡
0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
Katulisan Kapulisan ng Binangonan PNP Nambugbog Ng Hinuli

AI ang Tagapagsalita BABALA: NAKAKAGALIT AT NAKAKALUNGKOT ANG TORTYUR VIDEO NA ITO KAYA HUWAG PO PANOORIN KUNG KAYO AY MADALING Read more

Mark, Binugbog Ni Kapitan Aga, Tinaniman Ni Liberato

Bawal Ang Dayo, Arestado Ka! https://youtube.com/shorts/aWBp2rrQgU4 SULAT-KAMAY NI MARK MULA SA BILANGGUAN Sinalaysay ng A.I Speaker Sa Video Pahina 1Pahina Read more

Asawa Ng Inosenteng Kinulong Nagsumbong Ng Pagkuryente Ng Bibig at Ari

MGA KASAMA SA KULUNGAN NG NAGSUMBONG GUSTO IPAALAM SA TAUMBAYAN KUNG PAANO SILA PINAHIRAPAN NG KATULISAN. https://youtube.com/shorts/T6jnjkcw0FI FB CHAT NG Read more

SIBAKIN! KAPANGALAN MO, KASO MO.

PETISYOn NG TAUMBAYAN NAG DESISYON NA ANG KORTE SUPREMA NA WALA DAW MALI ANG PANUNTUNAN NA ITO. Ang panuntunan ng Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *