Kung hindi ka sang-ayon sa pananaw ng kapwa mo, huwag mo na lang basahin o pakinggan. Pag ni-report mo at pina-ban o pa-disable ang FB account ng blogger na ito, ikaw ay masamang tao. Aminin!

Kamailan lamang, napansin namin ang pagdaan ng anunsyo sa FB feed namin ang isang napag-alaman naming sikat na blogger. Dahil kami ay bago lamang sa FB page publishing, sinearch namin ang pangalan ng blogger dahil nawala na sa feed namin ang post nya.

Nakita namin ang nasa larawan ng pahina na ito. Inanunsyo nya sa isang website ang pagkawala ng kanyang FB page. Ang pagkakatanda namin ang kanyang page ay marami syang followers. Hindi namin sya kilala o nabasa man lamang ang kanyang mga ipinahahayag sa publiko sa kanyang FB page ngunit sa nakita naming post nya sa larawan, marami pa rin syang taga-sunod at naniniwala sa kanya. Sinearch din namin ang kanyang public profile. Edukado syang tao at may opinyon.

Kaya namin dinedepensahan si Sasot laban kay Meta ay dahil karapatan ni Sasot ang maging malaya na ihayag ang kanyang saloobin sa mga bagay-bagay lalo na sa usaping bayan. Basta hindi sya fake news o disinformation, hindi makatwiran ang pag-disable ng FB account nya.

Ang Pilipinas ang bansang pinakamadalas na gumagamit ng FB. Ang FB page ay naging bahagi na ng pamumuhay ng mga Pilipino lalo sa kanilang pakikilahok sa mga usaping bayan. Sa matagal na panahon, pinaghihirapan ng blogger tulad ni Sasot na ma organisa nya ang mga kababayan natin sa mga paglalathala nya ng kanyang mga ideya, opinyon at kaalaman sa mga Pilipino. Kung may tumatangkilik sa kanya, hayaan natin sila. Karapatan ni Sasot ang magsalita at ng kanyang mga followers na makinig at magbasa ng kanyang mga pinapahayag. Hindi dapat nag ce-censor si Meta.

Kaya nang tanggalin ni Meta ang aming mahalagang viral police torture video na nireport ng kampon ng demonyo na kalaban ng taumbayan — child abuse daw ang video samantalang wala namang mukhang bata sa video — agad naming binuo ang advocacy platform naming ito para hindi namin bigyan ng kakayahan ang mga kampon ni Satanas na udyukan si Meta na harangin ang aming pagpaabot sa taumbayan ng aming mga mahalagang mensahe na paglaban sa mga abuso ng gobyerno.

Kaya kung manaig man ang kampon ni Satanas na maudyukan na ipasara ang aming FB page ay patuloy at buhay ang aming pagiging mandirigma laban sa mga abuso ng gobyerno dahil hindi nila abot ang aming advocacy platform. Habang si Meta ay hindi pa nauudyukan ng kampon ng kadiliman — mamatay na sana ang mga taong ito sampu ng kanyang pamilya, hahaha pero no joke — kami ay patuloy na maglalathala sa FB page namin. Hindi namin kailangan ang mga followers dahil hindi namin ito pinagyayabang. Sapat na kami ay laging bukas sa lahat ng gustong makibalita sa aming pakikipaglaban na puksain ang abuso ng gobyerno para sa taumbayan at mga kaalaman para sa kanilang pagdepensa at pagsulong na kanilang mga karapatan.

Mabuhay ang ating karapatang kalayaang magsalita!


#KarapatangKalayaangMagsalita
#FreedomOfSpeech
#FreedomOfExpression
#BanCensorship
#MamatayNaAngNagsusumbongKayMetaNgWalangKatwiranPagNabasaMoItoAtGinawaMoPaAngSumpaAyMangyayariAgad
#IsamaNaAngPamilyaNgNagsumbongSaKamatayanHaHaHa
#MetaMatauhanKa
#IbalikAngFBAccountNiSasot
#AbusoNgGobyerno


๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
ETO NA NUMERO 1! BABALIKAN KO KAYO, PAPATANGGAL KO KAYO

KUNG ANG BABALA AY KRIMEN, E DI MAS LALONG DAPAT KRIMEN ANG TINOTOO MO ANG IYONG BABALA. mGA aBUSONG TANGA Read more

ETO NA No. 2! B2KP2K: KATULISAN KAPULISAN NO-SHOW SA INQUEST

Paano Mag Inquest Kung Wala Ang Arresting Officers? E Di Pack Up. Pero Kahit Wala Tinuloy Pa Rin Ni DoJ Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *