
Sa kasalukuyang pagpapatalsik kay VP Sara, laging binabanggit ang desisyon ng Korte Suprema sa “Francisco vs. House of Representatives”. Bakit ba?
Sino ba si FrancisCo?
Si Francisco ay ordinaryong mamamayan na abogado. Nangsampa sya ng kaso laban sa Mababang Kamara (MK) noong 2003. Nais nyang ipawalang bisa ang aksyon ng MK sa pagsampa nito ng impeachment kay Chief Justice Davide.
Ano Ba Ang pinagmulan ng Reklamo ni Francisco?
Noong 2003, ang dating pangulong Erap ay natalo sa halalan. Pinanumpa ng Chief Justice Davide at iba nitong kasama sa Korte Suprema ang dating pangulong Gloria bilang nanalong presidente. Si Davide din ang nanguna bilang presiding officer sa pagpapatalsik (impeachment) kay Erap noong 2001.
Noong Hunyo 2, 2003, naghain ng impeachment complaint (reklamo) si Erap laban kay Davide at mga kasama nito. Naipasa ang reklamo sa House Committe on Justice o HCoJ (Komite ng Katarungang ng Mababaang Kamara o MK) noong Agosto 23, 2003.
Walang nangyari sa reklamo ni Erap hanggang Oktubre 13, 2003 nang ang HCoJ ay nagdeklara na sapat sa porma (sufficient in form) ang papel ng reklamo. Kaya lang dinismis din ng HCoJ ito noong Oktubre 22, 2003 dahil sa kanilang pagsusuri ito daw ay hindi sapat sa laman (sufficient in substance) na ang ibig sabihin walang tama o sapat na salaysay, ebidensya at batas. Bagamat sila ay may desisyon na, hindi inulat ng HCoJ sa buong Committee on Rules (Komite ng Panuntunan) kaya hindi naging opisyal na desisyon ito ng MK. May dahilan pala ang pagpapaliban kasi kinabukasan Oktubre 23, 2003, naghain naman ang dalawang kongresista (Teodoro at Fuentebella) ng panibagong rekamo laban kay Davide muli pero hindi na siman ang ibang kasama nyang nireklamo ni Erap. Pansinin na pangalawa na itong reklamo kay Davide sa loob ng apat na buwan.
Sa ilalim ng ating Konstitusyon ay isa lamang na reklamo ang maaring panimulan sa loob ng isang taon para hindi naman makatrabaho din naman para sa taumbayan ang nirereklamo at hindi sagot ng sagot sa habla:
Article XI Section 3(5) “No impeachment proceedings shall be initiated against the same official more than once within a period of one year.“
o sa wikang Pilipino ay: “Walang proseso pagpapatanggal na umpisahan sa isang opisyal ng lagpas sa isang beses sa loob ng isang taon.”
Ang tawag dito ay “one-year bar o ban” (pagbabawal sa loob ng isang taon).
Pansinin ang pinagkaiba ng “complaint” (reklamo) at “proceedings” (proseso ng pagrereklamo). Pansinin din ang salitang “initiated” o panimula. Ang complaint ang nagpapa simula ng proceedings. Dahil ang complaint ay pinoproseso ng MK, kailan ba masasabing nag umpisa ang proceedings? Kailangan linawin ang eksaktong pagpapanimula (initiate) ng proceedings dahil dito bibilanging ang isang taon bago pa muli pahintulutan na tumanggap ng panibagong reklamo sa opisyal na gustong patalsikin.
Ano Ba Ang Reklamo Ni Francisco?
Si Francisco ay isa lamang sa labing-walong (18) petisyon na inihain sa Korte Suprema para pigilan ang pagpapatalsik kay Davide dahil nga sa ang pangalawang reklamo ay pinagbabawal ng Konstitusyon.
Sabi din sa Konstitusyon, ang MK ang natatanging maghain ng reklamo (exclusive power to impeach) at Senado naman ang natatanging maglitis at humatol (sole power to try).
Sinabi din na ang Kongreso (MK at Senado) ay may kapangyarihan na gumawa ng kanilang panuntunan sa pagpapatanggal (House Rules on Impeachment o HCoI). Sa panuntunan nito ay kasama ang mga sumusunod na ginawa ng MK:
Section 16: “Impeachment Proceedings Deemed Initiated … on the day the Committee on Justice finds …” that the complaint is or is not sufficient in substance.
O sa wikang Pilipino ay “Ang Pagpapatanggal Ay Maituturing Na Pinasimulan … sa araw na ang Komite ng Katarungan ay napag-alaman …” na ang reklamo ay sapat sa laman.
Ito ang basehan ng MK na ang ikalawang reklamo mula kay Teodoro at Fuentebella ang tunay na natatanging nagpaumpisa ng proceedings. Ang naunang reklamo na si Erap ang naghain ay hindi naman nagpaumpisa ng proceedings dahil hindi nga ito opisyal na nadesisyunan ng HCoJ dahil nga pinagpaliban ang kanilang pag ulat sa HCoR.
Itong katwiran na ito ang tinutulan ni Francisco dahil ang kanilang panuntunan na ginawa an Section 16 ay labag sa Saligang Batas kahit sila ay may kapangyarihan na gumawa ng kanilang sariling panuntunan sa pagpapatalsik sa impeachment.
Ano Ang Desisyon Ng korte suprema?
Labing lima ang mahistrado sa Korte Suprema. Sa kanila, mamimili sila ng isa sa kanila para magsulat ng pangunahing desisyon ng nakararaming mahistrado (majority opinion) na ang tawag ay ponente. Pagkabasa ng natitirang labing-apat, isa-isa silang magsasabi kung sila ay sang-ayon o tutol sa opinyon ng ponente. Sa kanilang pagsang-ayon o tutol maari silang magbigay ng paliwanag. Sa opinyon, maaring may bahagi silang sumasang-ayon at may bahagi silang tumutol.
carpio-morales
Si Carpio-Morales ang ponente sa petisyon ni Fracisco.
Ang salitang mag “initiate” (umpisahan) at mag “file” (maghain) ng impeachment complaint (reklamo) ay pareho ng kahulugan. Kasama dito ang pag “take initial action on it” (pangunang aksyon sa reklamo). Ito ang pagkumpirma ng ilan sa mga gumawa ng panuntunan ng Konstitusyon noon 1987 ukol sa one-year bar: Justice Regalado, Father Bernas at Ginoong Maambong. Ang dalawang nauna ay nagtestimonya sa pagdinig ng petisyon. Ang huli ang syang binaggit na naglinaw sa intensyon ng batas mula sa diskusyon ng mga gumawa ng 1987 Konstitusyon. Ginaya ni Maambong ang proseso sa Amerika.
Ang impeachment proceedings ng MK ay ayon sa pagkakasunod-sunod na hakbang:
- pag “file” ng complaint sa opisina ng Secretay General ng MK.
- pag “refer” (pasa) sa House Speaker (pinuno ng MK).
- pag “schedule” na pag-usapan ng MK sa loon ng sampung araw na may sesyon (10 session days).
- pag “deliberate” (pagsusuri) ng mga kongresista ng MK.
- pag “refer” (pasa) sa opisina ng House Committee of Justice (HCoJ) ng MK sa loob ng tatlong araw (3 session days) na may sesyon mula nang ito ay panimulang suriin. Kasama dito ang “initial action” (paunang aksyon) para maumpisahan ang pagsulong ng reklamo.
- pag “vote” (boto) ng HCoJ sa reklamo kung pasado ang reklamo o hindi sa loob ng animnapung araw na may sesyon (60 session days) mula sa kanilang pagkatanggap.
- pag “submit (hain) ng desisyon ng HCoJ sa buong MK ng reklamo.
- pag “vote” (boto) sa complaint na magiging Articles of Impeachment ng MK sa loob ng sampung araw na may sesyon (10 session days).
- pag “transmit” (pasa uli) sa opisina ng Senado na kung saan ang “impeachment proceedings” ay magiging “impeachment case” (kaso na sa korte ng Senado). Dito na na masasabing na “impeached” na ang opisyal.
Sabi ni Regalado, ang initiate ay mula sa Hakbang 1 hanggang Hakbang 5 – ang intensyon talaga nila ng gawin nila ang Saligang Batas. Sabi naman ni MK sa kanilang ginawang panuntunan ay hanggang Hakbang 6 para ituring na naumpisahan 0 “deemed initiated“. Sabi ni Bernas, inusad ng MK ng isa pang hakbang ang totoong panimula. Ito ang nireklamo nina Francisco sa petisyon nila sa Korte Suprema.
Dahil kina Regalado, Bernas at Maambong, dineklara ni Carpio-Morales na ang “initiate” ay hanggang Hakbang 5 lamang kaya ang panuntunan na ginawa ng MK sa Section 16 na iusod ito pa ay labag sa Saligang Batas. Samakatwid, ang ikalawang reklamo nina Teodoro at Fuentebella ay pinagbabawal ng one-year bar/ban.
Abuso Ng Gobyerno Pa Rin, Noon Pa
Pansinin ang pinagmulan ng usaping ito na nagpagulo sa bayan at nagsayang ng panahon ng gobyerno at pera ng bayan. Mga panahon at salapi na dapat ay nagamit sa serbisyo sa taumbayan.
Hindi ba sinadya ng HCoJ na ipagpaliban ang kanilang desisyon sa reklamo ni Erap para makasampa ng ikalawang reklamo laban kay Davide? Hindi ba kabulastugan ito? Malinaw na mga abuso ng gobyerno ito! Ginamit pa ang pangalan ng bayan para isulong ang kanilang kasamaan.
Matatandaan na ang impeachment ay kapangyarihan ng taumbayan sa pasibak ang mga taksil na matataas na opisyal ng gobyerno. Ang kapangyarihan ay pinagkaloob o pinagkatiwala (delegate) ng taumbayan sa mga kongresista bilang mga kinatawan nang sila ay ihalal ng taumbayan. Sino ngayon ang taksil sa bayan?
Ano Ang Halaga Nitong Desisyon Sa Pagpapatalsik Kay Sara?
Pansinin na ang Hakbang 5 ay may kasamang “initial action”. Matatandaan na ang naunang tatlong complaints kay Sara ay hindi gumalaw sa Hakbang 1 – dahil nga ilang mga kongresista ang nakiusap sa Secretary General na huwag munang ipasa sa House Speaker, ang Hakbng 2 sa proseso ng proceedings.
Ang sagot ni Sara ang pagharang ay isang “initial action” — hindi lamang maituturring na paunang aksyon (deemed initial action”) kundi lehitimong “initial acttion”. Samakatwid, ang tatlong reklamo na sinumete sa Hakbang 1 noong Disyembre 2, 4, at 19, 2024 ang syang naunang nagpanimula ng proceedings kung kayat ang ika-apat na reklamo na inihain ng MK ay isa ding pinagbabawal na reklamo dahil sa one-year bar/ban ng Saligang Batas — tulad ng ginawa ng mga kongresista kay Davide noong 2003!
Ang Abuso Ng Gobyerno, Walang Kupas
Kawawa ang Pilipinas. Hindi pa natuto ang mga kongresista sa leksyon ng Francisco vs. House. Gagawa at gagawa ng paraan para abusuhin ang Konstitusyon para lang isulong ang kanilang mga pangsariling interes. Sa kaso ni Sara, gusto nilang patalsikin ito. Nandoon na tayo na maaring may basehan ang kanilang reklamo para sa bayan —
- pagbabanta sa buhay ni BBM, Lisa, at Martin
- pagnanakaw sa kaban ng bayan
- panunuhol
- kakulangan sa SALN
- sangkot sa EJK
- pagpapabagsak ng gobyerno
- pinagsamang 1 to 6.
Pwede namang isulong ang mga ito pero sa tamang paraan na ayon sa batas. E mga abusado din ng kapangyarihan. Ang malala pa sa 300 na kongresista, mas nakararami ang nakisapi na yurakan ang karapatan ni Sara at laong mas malala na ginagamit pa ang ngalan ng bayan! Kahit anong sama ng kapwa nating Pilipino, bigyan natin ng due process of law ito dahil lahat tayo ay pinagkalooban ng ating Saligang Batas ng karapatan na yan.
Sabi nga ni Miriam, kung singungaling si Corona e di mga tapat pala ang mga Senador na humatol dito at mga kongresista na nagreklamo dito. Kung ganoon bakit nangunguna lagi ang Pilipinas sa pinaka-corrupt na bansa sa buong mundo. Bakit nga ba bayan?
Paunawa: Basahin ang buong desisyon ng Korte Suprema dito: https://jur.ph/jurisprudence/francisco-jr-v-house-of-representatives#_
#AbusoNgGoberyno
#KongresistangMasama
Leave a Reply