Pero Ang Mga Abusado Hindi Pinarurusahan


Nag vlog si Roque agad sa balita na panalo si VP Sara sa pagbasura ng impeachment case nya sa Kongreso. Bagamat nilagay namin ang reaksyon ni Roque dito, hindi namin ito muna tatalakayin. Ang aming layunin ay suriin ang desisyong ng Korte Suprema para ipaalam sa taumbayan kung ano ang sinabi ng Korte Suprema.


https://abusonggobyerno.org/sa-sagot-ni-vp-sara-tama-ba-si-roque-part1of3/

Ang Suma Ng Desisyon ng Korte Suprema Muna
1 – “Effectively Dismissed” Ang Tatlong Sabay-Sabay Na Reklamo

    Ang tatlong naunang reklamo kay VP Sara ay tinuring na magkakasabay kahit na sila ay sinumite ng magkakahiwalay noong December 2, 9, at 14, 2024. Ang turing sa tatlong ito ay para na ring isang reklamo. Hindi ito inaksyunan ng Kongreso. Ito ay bininbin pagkatapos maitakda sa Order Business at hindi naipasa dahil kulang na sa oras (o sadyang hindi ipinasa para hindi maumpisahan ang pagtakbo ng “one-year bar”) sa Committee on Justice na kung saan dito ang umpisa ng initiated impeachment proceeding.

    Samantala, naisampa nila ang ika-apat na reklamo sa Senado mga bandang 6 PM noong February 5, 2025, ang huling araw ng ika-19 na Kongreso (ito ang mga Tongresman bago mag eleksyon). Nagawa nila ang proseso na ito sa loob lamang ng 2 oras nang huling araw na ito.

    “Unfinished Business” at “Continuing Body

    Ang mga di natapos na gawain (unfinished business) ng isang Kongreso ay hindi tatawid para tapusin ang pagproseso sa susunod ng ika-20 na Kongreso (ito ang mga bagong halal na kongresman). Ang dahilan nito ay pagkatapos ng eleksyon, bago amg komposisyon o mga myembro ng Kongreso kaya hindi sila tuloy-tuloy na organisasyon (continuing body). Ang bawat Kongreso ay walang obligasyon na ituloy ang mga hindi natapos ng sinundan nilang Kongreso at walang obligasyon na sundin lahat ang mga ginawa nito. Sa totoo lang, pwede nga nilang ibasura lahat ng mga sinabatas nito. Ganon din ang gagawin ng susunod sa Kongreso sa kanila. Ang tawag dito sa Inglatera ay “parliamentary supremacy or sovereignty” na kung saan natin kinopya ang konsepto (kinopya natin sa Amerika na nangyopya naman sa Inglatera).

    Lahat ng di natapos sa pagsara ng Kongreso noong February 5, 2025 ay basura na. Sa kaso ng tatlong reklamo, hindi lamang ito nabinbin nang sumapit ang alas 6 ng hapon ng February 5, 2025, ito din ay teminado na — ang tawag ng Korte Suprema ay “effectively dismissed” o katumbas ng pagbasura.

    “One-Year Wait” (Paghihintay Sa Loob Ng Isang Taon)

    Dahil naituring na dismissed na ang tatlong sabay-sabay na reklamo, mag-aantay na muli ng isang taon bago pa makasampa muli ng bagong reklamo laban kay VP Sara. Ang dahilan dito ay para makatrabaho naman sya at hindi sya ma-harass ng paulit-ulit na reklamo at makatrabaho din ang Kongreso.

    Ang tanong, hindi ba sabay-sabay naman na ipinasa ang tatlong reklamo at ika-apat at itinakda sa Order of Business? Hindi naman bininbin ang ika-apat na reklamo kaya dapat kasama ito sa bilang ng pagkakasabay-sabay na pagsumite sa plenary (buong Tongresman)? Tinuloy naman ang pagpasa nito sa Senado para umpisahan ang paglilitis sa pagpapatanggal kay VP Sara.

    “Normal Process” at “Express Process

    Ang dahilan kung bakit hindi tinuring na kasabay ng naunang tatlong reklamo ay iba ang proseso nito. Ang tatlong reklamo ay mula sa reklamo ng taumbayan na inendorso ng mga Tongresista. Ito ang isa sa dalawang normal na paraan o “normal process” (ang isa ay mismong isang kongresista ang nagkusa na magreklamo). Ang normal na paraan ay matagal kasi marami itong dadaanan (tingnan ang pitong hakbang sa ibaba). Mayroong mabilisan na proseso o “express process” (tingnan ang tatlong hakbang sa ibaba). Ito naman ay pinasisimulan ng mga Tongresista mismo.

    Normal Process:
    Step N1 – pagtanggap House Secretary General ng reklamo na may gawa ng Articles of Impeachment (inindorso o sinimulan ng isang Tongresista)
    Step N2 – pagpasa sa House Speaker agad (immediate)
    Step N3 – pagtakda sa Order of Business (o pag-uusapan mga Tongresista) sa loob ng 10 araw na may sesyon
    Step N4 – pagpasa sa House Committee on Justice sa loob ng 3 araw na may sesyon (ito ang umpisa ng initiated impeachment proceeding)
    Step N5a – pagdesisyun kung tama ang porma at laman (form and substance)
    Step N5b – pag hearing sa nireklamo saHouse Commmitte
    Step N5c – paggawa ng report (ang lahat ng Step 5 sa loob ng 60 araw na may sesyon)
    Step N6 – pagpasa ng report sa buong House at botohan ng 1/3 ng mga Tongresista
    Step N7 – pagpas ng pinagbotohang reklamo sa Senado

    Express Process:
    Step E1a – paggawa ng panukalang reklamo na may Articles of Impeachment (kasama sapat na ebidensya)
    Step E1b – pagsusuri ng panukaang reklamo ng lahat (hindi lamang yung mag endorse o 1/3 nila) ng Tongresman sa reklamo at sagot
    Step E1c – pagkonsulta sa kanya kanyang distrito ng bawat ongresman sa panukalang reklamo (kung gusto nila)
    Step E1d – paggawa ng pinal na reklamo (walang botohan pa)
    Step E1e – pagbigay ng kopya ng pinal na reklamo (kasama sapat na ebidensya) sa nireklamo
    Step E1f – pagsagot ng nireklamo sa pinal na reklamo (kasama sapat na ebidensya)
    Step E1g – pagsusuri ng sagot ng lahat (hindi lamang yung mag endorse o 1/3 nila) ng Tongresman sa pinal na reklamo at sagot at mag-uusap usap sila
    Step E1h – pagtakda sa Order of Business
    Step E1i – magbotohan sa pinal na reklamo kung pasado kailangan umabot sa 1/3 nila (lahat lumagda)
    Step E2 – pagtanggap House Secretary General ng reklamo (ito ang umpisa ng initiated impeachment proceeding)
    Step E3 – pagpasa ng pasadong pinal na reklamo sa Senado

    2.1 – “One-Year Barred” Ang Ika-Apat Na Reklamo

    Ang sabi ng Korte Suprema dahil magkaiba ang “normal process” at “express process” bukod ang pagbilang nito kaya dahil dismissed na ang naunang tatlong reklamo ay naka-isa na agad ng bilang. Dahil dito ang ika-apat na reklamo na sinampa sa Senado ay ikalawa na ang bilang. Ito ang dahilan kung bakit labag na sa probisyong “one-year bar” sa Konstitusyon ang ika-apat na reklamo.

    “Initiated Impeachment Proceeding

    Binanggit natin sa taas ang una at ikalawang bilang. Gaya ng pinaliwanag namin sa reaksyon kay Roque ang binibilang ay hindi “impeachment complaint” kundi “impeachment proceeding”. Ang “complaint” ay dokumento lamang ng reklamo at ang “proceeding” ay proseso ng pag-iimbestiga.

    2.2 “Unconstitutional” (Labag Sa Konstitusyon) At Null and Void Ab Initio (Walang Bisa Nung Simula Pa)

    Sa totoo lang, dahil ang “one-year bar” ng Konstitusyon ay nalabag, ito din ay matatawag na “unconstitutional” na. Ang pangalawang dahilan ng pagiging “unconstitutional” ng ika-apat na reklamo ay dahil hindi nabigyan si VP Sara ng pagkakataon na magdepensa dito bago pa isampa sa Senado (tingnan ang Steps E1e at E1f sa taas). Ang tawag dito ay “right to be heard” (karapatang pakiggan). Ang karapatan na ito ay nasa ilalim ng mas malaking karapatan na ang tawag ay “right to due process of law” (karapatang sundin ang tinalaga na panuntunan ng batas). Ang karapatang ito ay dapat masunod sa buong proseso ng impeachment.

    Ano mang ginawa ng gobyerno na labag sa Konstitusyon, walang bisa ito. Katulad ito kapag ang isang mamamayan na inaresto ay hindi binasahan ng wastong Miranda rights gaya ng nangyari kay Juan nang sya ay inaresto ng mga kupal sa abuso na sina Kapitan Gil Anore ng Barangay Libid ng Binangonan, Rizal at tamod nito na si Arnel Minori at Pulis Arnel Diocena at Streamson Tusi ng Katulisan Kapulisan ng Binangonan PNP at ininquest na hindi sya binigyan ng abogado ng isa pang mga kupal sa abuso na sina DoJ Rizal puskal Raymond Jonathan Lledo, Gloria De Guzman, Beppo Jerome Diloy, Mark Anthony Asuncion, Ferdinand Arabit at Maria Teresa Reyes

    Kaya sa kaso ni VP Sara, ang ika-apat na reklamo ay walang bisa.

    3 – “Senate Did Not Acquire Jurisdiction” (Hindi Napasa-ilalim Ng Kapangyarihan Ng Senado)

    Dahil walang bisa ang ika-apat na reklamo, hindi napasa-ilalim si VP Sara sa kapangyarihang ng Senado na litisin sya.

    Ganon din dapat sa kaso ni Juan. Dahil walang bisa ang arrest at inquest, walang kaso at hindi dapat sya litisin. Ang kaso nuknukan ng baluktot etong si Judge Emmanuel Santos ng Binangonan MTC Branch 1 kahit na alam nya na maraming paglabag sa mga karapatan ni Juan sa ilalim ng Saligang Batas (Hindi ba meron kaming serye sa san damakmak na abuso at katangahan sa batas nitong baluktot na judge na ito? Alamin matatawa ka na maiinis o magagalit).

    Ano naman ang abuso ng gobyerno dito?

    Ang abuso at kahayupan ay ang ginawa ng mga Tongresman na pinangungunahan ni Martin Romualdez. Sa desisyon ng Korte Suprema, tinalakay nito ang sumbong ng isa pang kasabay na nagreklamo laban sa ika-apat na reklamo kay VP Sara. Ito ang grupo ng mga abogado sa Davao. Una malinaw na ang hindi pagbibigay kay VP Sara ng magdepensa sa akusasyon sa kanya ay isa nang malaking abuso. Ang iba pang akusa ng mga taga-Davao ay (1) biglaan ang pagpupulong ng mga Tongresista noong huling araw ng Februay 5, 2025, (2) ang ika-apat na reklamo ay may titulo na nakakapanlinlang na “Additional Reference of Business“, (3) walang pagkakataon ang mga Tongresman na suriin kung ano ang laman nito, (4) pinamulan agad ni Martin na pag-usapan ang ika-apat na reklamo, (5) agad-agad nya itong pina-approve sa mga Tongresista, at (6) agad-agad na isinampa sa Senado, at iba pang minadaling proseso sa mga gitna nito. Ang lahat ng ito ay naganap mga 2 oras lamang gaya ng sinabi sa umpisa pa lamang ng post na ito.

    Ano ang sabi ng Korte Problema? Hindi daw nila pwedeng tanggapin ang alegasyon na ito kahit na hindi naman tinanggi nina Martin kasi respeto na lamang daw ng Korte Problema sa kapantay nilang sangay ng gobyerno na Kongreso. Pusang hilaw, basta abuso sa gobyerno kahit ano malulusutan o palulusutin.

    Ano kinalabasan? Kahit garapalan na ang abuso kay VP Sara, walang pananagutan at hindi pinarusahan ang mga kupal na 215 Tongresman na pumirma sa ika-apat na reklamo.

    Ganon din ang nangyari kay Juan. Kinunsinti ng Korte Problema ang abuso at kabaluktutan ni Judge Santos. Yung ibang kupal sa DILG, PNP at DOJ, kasalukuyang nakademanda pa sa Ombudsman ng 20 krimen at 20 administratibong offenses. Abangan ang kwentong ng mga kupal na ito. Nasa sagutan na sila ng Counter-Affidavit at Reply.


    #AbusoNgGoberyno
    #AbusongMababangKamara


    ๐Ÿ‘
    1
    ๐Ÿ‘
    0
    โค๏ธ
    4
    ๐Ÿ™
    0
    ๐Ÿ˜ข
    0
    ๐Ÿ˜ก
    0

    KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
    Ang Desisyon sa “Franciso vs. House” NG KORTE SUPREMA

    Sa kasalukuyang pagpapatalsik kay VP Sara, laging binabanggit ang desisyon ng Korte Suprema sa “Francisco vs. House of Representatives”. Bakit Read more

    Sa Sagot ni VP Sara: Tama Ba Si Roque?

    Part 1 of 3 Panalo Kaya Si Sara Sa Depensa Nya: Na One-Year Bar at Walang Crossover Ang Reklamo? Nag Read more

    Sa ARTICLES OF IMPEACHMENT: Tama Ba Si Roque?

    Part 2 of 3 Ang Article I At II Ba Ay “high crime” o “betrayal of public trust”? Nag vlog Read more

    SOJ Remulla Inulit Sinabi Nagagapang Ang Korte

    Implied Sa Kanyang Pahayag Na Nagagapang ang Korte Gaya ng sinabi na nya ng paulit-ulit Katulisan Kapulisan + Korte Problema Read more


    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *