
Petisyon Ng Taumbayan
mga petisyon ng taumbayan na baguhin ang batas at pamamahala ng gobyerno
Makisapi at makiisa sa sambayanang Pilipino na isulong ang mga bagong batas at pamamahala para puksain ang mga abuso ng gobyerno!
SIBAKIN! KAPANGALAN MO, KASO MO.
Makukulong ka o hindi ka palalayain kung ikaw ay may kapangalan na isang akusado na walang middle name sa listahan (database) ng gobyerno. Kasama dito ang maling spelling kahit isang letra lamang.
SIBAKIN! SARADO GOBYERNO, SARADO KARAPATAN MO
Ang mga oras ng Sabado, Linggo at Holidays ay hindi kasama sa pagbilang ng time limit na 12/18/36 na oras sa ilalim ng Article 125 kaya ikaw ay ikukulong pa nang mas matagal.
ISULONG! BANTAY NG TAUMBAYAN
Ang Katulisan Kapulisan ay inaabuso ang kapangyarihan sa pag-aresto ng walang warrant. Kailangangang bantayan ng taumbayan ang bawat pag-aresto ng Katulisan Kapulisan sa pamamagitan ng mga kinatawan ng taumbayan na samahan ang inaresto mula sa pag-aresto hanggang sa pagkulong.
sibakin! mga krimen ginagamit sa pang-aabuso.
May mga krimen sa batas na ginagamit lang ng gobyerno (at ibang mamamayan) na pagpapahirap sa taumbayan tulad ng “Unjust Vexation”. Ang mga krimen na ito ay dapat sibakin na.
SIBAKIN! mga kapangyarihan ang korte na inaabuso ng mga huwes
Katulad ng “contempt power” ng korte. Hindi halal ang mga huwest ngunit may kapangyarrihan silang magpakulong, daig pa ang Presidente ng Pilipinas. Kailangan iton suriin, limitahan, at bantayan ng taumbayan.
SIBAKIN! PAGNAKA TSINELAS KA SA OPISINA NG GOBYERNO, BAWAL KA
Lahat ba ng Pilipino ay kaya bumili ng sapatos? Sa dami ng magnanakaw sa gobyerno, wala ng napupuntang serbisyo sa mga mahihirap para makabili ng sapatos para lang makapasok sa opisina at humingi ng serbisyo ng gobyerno.
sibakin! PAO-HAMAK.
Sa totoo lang, sa tagal ni Acosta sa pwesto, naging pao-gon, pao-tamad, pao-tanga ang public defender na inatasan ng Konstitusyon. Saan ka nakakita ng abogado mo ni isang papel walang hawak dahil nanghihiram lang sa korte!
SIBAKIN! COMMISSION ON HUMAN WASTE
Ang CHR ay isang magandang bagay na likha ng Konstitusyon para sa taumbayan. Kaya lang, sa totoo lang, ito ay mga Commission on Human Waste lamang na dapat i-flush na sa toilet.
SIBAKIN! katulisan kapulisan
Laging laman ng balita ang mga Katulisan Kapulisan na sangkot sa malalaking krimen. Ang pinakahuli ay ang pagpatay sa 108 na sabungero. Sa bayan ng Binangonan, ito ay mga bandido at terorista. Kailangan nang sibakin ang Katulisan Kapulisan!
ikulong! tanga o baluktot na huwes
Maraming kaso ang umaakyat ng Korte Suprema na ang isyu ay nadesisyon na ng Korte Suprema na matagal na at paulit-ulit ngunit ito ay sinusuway ng huwes ng mga mababang korte sa dahilang isang katanghana o kabaluktotan. Ang parusa ng Korte Suprema? Wala lang, reverse lang ang desisyon. Yun lang!
ITAMA! MGA NOTARY PUBLIC NA BUWAYA
Ang mga singil ng notary public ay pang hoholdup. Gawin itong resonable. Ikulong ang mga buwaya. Tapo mga pumipirma pa e mga forger ng kanilang signature. May SPA daw. Mga tanga, wala sa batas ang i-delegate ang pag notaryo.
sibakin! mga kawani ng gobyerno na bastos
Ang mga kawani ng gobyerno ay public servants — utusan ng taumbayan. Kung masungit at bastos ito, kailangan itong sibakin.