Part 2 of 3
Ang Article I At II Ba Ay “high crime” o “betrayal of public trust”?
Nag vlog si Roque ng tatlong bahagi sa sagot ni Sara sa reklamo ng Mababang Kamara (MK) sa Senado. Ang pahinang ito ang ikalawang bahagi (pero unang parte lamang ng video muna).
- Hindi lamang simpleng pagbilang ng pahanon kung ang mga reklamo ay nasa loob ng isang taon. Ang panimula ng bilang ay kung kelan naipasa ng Mababang Kamara (MK) sa House Committee on Justice (HCOJ).
- Inulit nya ang buod ng unang bahagi ng kanyang vlog.
- Mali si Roque na kapag naunahan ng Senado na desisyunan ang one-year bar at crossover ay hindi pwedeng baliktarin ng Korte Suprema. Nasa desisyon ng Korte Suprema sa Francisco at Balag na yan na inulat na sa reaksyon namin sa unang vlog ni Roque. Ang hindi pwedeng baliktarin ay ang hatol sa reklamo kay Sara kasi iyon ay opinyon ng Senado hindi proseso.
- Inulit nya na ang ukol sa quorum. Walang kinalaman ang quorum/majority ng Senado dahil kailangan lang ang quorum kung nakapanumpa na ang bagong halal na 12 senador.
Other High Crimes
- Sa impeachment, ang “other high crimes” ay dahil nauna na binaggit (sa linya ng Saligang Batas sa mga kasalanan para ipatalsik ang mataas na opisyal ng gobyerno) ang “treason” (pagkampi sa kaaway ng bansa), “bribery” (panunuhol), at “graft and corruption” (pagnanakaw).
- Sabi nga sa paliwanag ni Miriam, ito ay “specific” o pinangalanan at ang iba pang kasalanan na hindi mapangalanan nang isulat ang Konstitusyon ay papasok sa “general” na kategorya — kaya may “other” o iba pa. Dahil may “high crime” ang “other high crimes”, ang mga specific na kasalanan ay “high crimes”. Sabi uli ni Miriam, kung may ipaparatang na kasalanan na wala sa tatlong pinangalanan, ay dapat kasing-bigat ito nang mga naunang napangalanang kasalanan bilang halimbawa. Sabi pa rin ni Miriam, ganito ang pagbasa ng batas na ang tawag ay “ejusdem generis” (ang bigkas ay eyusdem jeneris) o “of the same kind” (parehong uri). Basic sa law school yan.
- Sa totoo lang ginaya natin sa Amerika ang “treason, birbery, and other high crimes” na ginaya naman namila sa Inglatera na sadyang ginamit ang salitang “other” (at iba pa) para linawin na ang “treason, bribery” ay mga halimbawa para ikumpara ang ipapasok sa “other”.
- Sa totoo lang pa rin, ang “high crime” ay hindi literal na “high” (mataas o matindi) at hindi literal na “crime” (krimen). Salungat sa sinabi ni Roque, hindi kailangang krimen ito, hindi kailangang matindi ito (gaya ng kulong panghabang-buhay) at lalong hindi kailangang hindi kayang pyansahan (non-bailable) ito.
- Sa Inglatera, nilinaw nila na bagamat krimen ang “treason, bribery”, hindi kailangang krimen ang “other high crimes” katulad ng ginawa sa Amerika na tinanggal ang punong mahistrado dahil sa pagiging lasenggo nito. Sa parehong bansa, ang kahulugan ng “other high crimes” ay kahit anong “abuse of power” (abuso ng kapangyarihan). Kasama dito ang pag-abuso sa kapangyarihan ng president mag pardon ng kriminal o ang pagtanggap ng suhol mula sa opisyal ng ibang bansa. Bagamat patuloy ang debate dito, ang mga halimbawang ito ang gabay sa kung paano ang intindi sa “other high crimes”.
- Kaya mali si Roque na sabihin na ang “other high crimes” ay para lamang sa mga matataas na krimen. Gaya ng napaliwanag na, hindi nga ito kailangang maging krimen.
- Pansinin na kasunod ng “other high crimes” sa anim na kasalanan sa Konstitusyon para ma-impeach ay “betrayal of public trust” na ang ibig sabihin din ay pagtataksil sa bayan. Sa Inglatera at Amerika, pareho ng kahulugan nito ang “abuse of public trust” kaya samakatwid ang “other high crimes” at “betrayal of public trust” ay iisa lamang (“redundant” o inulit lamang).
- Ano naman ang sabi ng ating Korte Suprema? Hindi rin nila pinaliwanag o nagbigay ng “definition” sa kanilang desisyon sa Francisco.
Article I – Grave Threats
- Krimen ang pananakot at ito ay may kulong kahit nga magaan lang (Light Threats sa ilalim ng Article 283 ng Revised Penal Code). Sa matinding pananakot (Grave Threats sa ilalim ng Article 282) ay haba ng pagkulong ay depende sa kung natakot talaga nila ang tinakot (ginawa ng tinakot ang gusto ng nanakot) o may kondisyon ang pananakot o nanakot gamit ang isang sugo. Kaya mali si Roque na sabihin na hindi krimen ang pananakot na walang kondisyon. Hindi ito tapik lamang.
- Sabi ni Roque, dapat daw binaggit na ito ay grave threats sa reklamo at dapat pinaliwanag kung bakit naging krimen.
- Totoo naman na hindi ginamit ang salitang “grave threats” bilang krimen pero pinaliwanag naman ang mga elemento ng krimen ng grave threats (salungat sa sinabi ni Roque) sa ilalim ng Article 282 talata 1: pananakot na gagawa ng krimen (pagpatay ay krimen) na may kondisyon ke matakot ang tinakot o hindi. Sa talata 2, hindi naman kailangangan na may kondisyon ang pananakot kaya pasok agad sa ilalim nito ang pananakot ni Sara kahit sabihing imposibleng kondisyon ito gaya ng sabi ni Roque.
- Pero may kondisyon: pag pinatay si Sara, ipapatay nya si BBM, Lisa at Martin. Hindi sinabi ng batas na kailangang hindi imposible ang kondisyon. Ang sabi lang kahit ang kondisyon ay hindi labag sa batas: halimbawa, “bayaran mo utang mo sakin kung hindi papatayin kita” – ang panininingil ay hindi labag sa batas. Sa kondisyon ni Sara, walang imposible kasi pag pinapatay sya nina BBM, naka-ayos na may papatay kina BBM. Ang imposible daw sabi ni Roque ay dahil patay na si Sara hindi na mapapatunayan na sya ang nagbilin. Ang video ni Sara, hindi ba ebidensya to? Sinabi na nga ni Sara may nakausap na sya at kaya naman sinasabi ng MK sa reklamo ng impeachment na “contract to kill” ito. Sabi pa ni Roque, hind daw “enforceable” (gagawin agad) ang ang pagpatay kina BBM dahil daw dapat patayin muna si Sara.
- Tanong ni Roque “other high crimes” o “betrayal of public trust” ba daw ang grave threats. Una para sa amin, pareho ang kahulugan ng dalawang kasalanang ito. Pangalawa, gamitin ang panuntunan ni Miriam: ejusdem generis ba ang grave threats ng treason at bribery? Ang sagot namin ay oo kasi ang pananakot ay ginawa sa Presidente at House Speaker na binoto ng tao. Ang pananakot na patayin ang kanilang hinalal ay pananakot sa bayan. Kung ito ay pananakot laman halimbawa sa isang ordinaryong tao, hindi ito ejusdem generis.
- Patas patingin namin kay Roque, pero nakikita na naming puro kamalian ang kwento nya da taumbayan. Hindi namin alam kung sinasadya nya na mali sya o talagang hindi nya alam ang batas kahit na sabihin pa nyang propesor sya o malayo na narating ng career nya.
- Sa totoo lang, ayon sa reklamo ng MK, ang Article I ay kasama ang kasalanang “Cupable Violation of the Constitution“. Hindi ito tinalakay ni Roque at hindi rin ito tinalakay ng malalim ng MK sa kanilang reklamo bukod sa sinabing ang pagpatay hindi isang paraan ng pagpapatalsik ayon sa Konstitusyon. Ganunpaman, tinawag ng MK ang pananakot na isang sedisyon dahil presidente at House Speaker ang papatayin para bumagsak ang gobyerno. Tinawag din nila itong terorismo. Kaya lamang walang paliwanag kung bakit sa kanilang dalawang bigkas ng mga salitang sedisyon at terorismo. Sa sagot ng MK, walang laman ang kanilang sagot para patunayan ang “Culpable Violation of the Constitution” sa Article I.
Kaya sa aming paliwanang sa aming reaksyon, tama ba si Roque? Mali sya at maling-mali sa kanyang mga itinuro sa bayan.
Ano naman ang abuso ng gobyerno dito?
Nang tawagin ng MK ang pananakot as sedisyon at terorismo sa kanilang reklamo kay Sara sa Article I, sila ay isa nang malaking abuso bukod sa kunwaring katangahan. Sa totoo lang, hindi magaling ang sumulat ng reklamo – sabog-sabog – kahit na ito ay mga abogado pa. Mahalangang dokumento ito dapat mataas na kalidad, hindi naman ito tulad ng mabilisang blog namin ๐
Article II – confidential funds
[Abangan sa susunod at idadagdag namin dito.]
#AbusoNgGoberyno
#AbusongMababangKamara
Leave a Reply