Part 1 of 3
Panalo Kaya Si Sara Sa Depensa Nya: Na One-Year Bar at Walang Crossover Ang Reklamo?
Nag vlog si Roque ng tatlong bahagi sa sagot ni Sara sa reklamo ng Mababang Kamara (MK) sa Senado. Ang pahinang ito ang unang bahagi.
Malinaw ang paliwanag ni Roque. May galing talaga sya maging guro. Kaya lang meron syang kakulangan sa kwento ng impeachment ni Davide at mga mali s katwiran o dahilan sa mga dapat mangyari.
Bagamat ayaw ni Roque lagyan ng petsa, ma maintindihan ito kung may petsa:
One-Year Bar
Magkaiba ang impeachment complaint sa impeachment proceedings. Ang una ay ang reklamo at nag huli naman ay proseso ng pagrereklamo. Ang one-year bar ay ukol sa proceedings. Ganunpaman, mas madaling maintindihan kung complaint ang gagamitin sa kwento.
- Kinwento muna ni Roque ang nangyari sa kaso ng Francisco vs. House of Representatives (na amin ding tinalakay dito). Ang unang complaint ay sinampa ni Erap noong June 2, 2003. Natanggap ang reklamo ng House Committee on Justice (HCoJ) noong August 23, 2003. Ang araw na ito ay mahalaga kasi simula ng pagbilang ng isang taon sa one-year bar ayon sa desisyon ng Korte Suprema sa Francisco. Kailangan nila iton desisyunan sa loob ng 60 na araw na may sesyon (hindi araw ng kalendaryo) ang MK kaya Oktubre na ang pag anunsyo ng HCoJ ng kanilang aksyon.
- Oktubre 13, 2003, inanunsyo ng HCoJ na tama sa porma (sufficiency in form) ang rekamo dahil may mga tamang bahagi at pagka-organisa ng reklamo.
- Oktubre 22, 2003, inanunsyo ng HCoJ na dismis daw ang reklamo dahil hindi sapat ang laman (sufficiency in substance) dahil kulang sa basehan, ebidensya at batas. Ang araw na ito ay mahalaga dahil ito naman (o sa araw ng pagbalikwas o kumpirma ng MK sa dismissal ng HCoJ) ang umpisa ng bilang ng MK para sa one-year bar ayon sa panuntunan na ginawa ng MK. Kaya lang hindi nireport agad ng HCoJ ang report nila sa House Committe on Rules (HCoR). Kasi may balak pa lang maghain ng ikalawang reklamo ang MK (basahin ang numero 6).
- Ang proseso ng pagdaan sa HCoJ ay regular na proseso dahil ito ay galing sa mamamayan (kay Erap na may padrinong isang kongresista; ang isa pang paraan ay mula sa isang kongresista). Matagal ito dahil dadaan sa Secretary General, House Speaker, MK, at HCoJ. Merong shortcut method, pag ang 1/3 ng mga kongresista ay gumawa ng kanilang sariling reklamo, dadaan lang to sa Secretary General tapos diretso na sa Senado para maging impeachment case.
- Ang ikalawang reklamo na na-file kinabukasan (Oktubre 23, 2003) ng pagdismis sa unang reklamo (Oktubre 22) ay shortcut nang nagfile ang 2 kongresista pero sila lang ang complainant. Ang natira sa 1/3 nag endorse lang. Hindi ito tama sa proseso ng shortcut kasi dapat complainant lahat.
- Hindi sapat na banggitin na apat na buwan lang ang lumipas kaya bawal ang ikalawang reklamo. Para sa MK, ang unang reklamo ay hindi nag “initiate” (nagpanimula) ng “proceedings” kasi hindi umabot na madesisyunan ng MK. Imbes, ang pangalawang reklamo ang natatanging nag iisang reklamo kaya walang paglabag sa one-year bar para da MK. Pero binasura ng Korte Suprema ang panuntunan na sa pag desisyon ng HCoJ nag uumpisa ang impeachment proceedings (tawag ng MK “deemed initated”) kaya basura din ang ikalawang reklamo (basahin ang numero 4 at 11).
- Hindi lahat ng abuse of discretion (abuso ng pagpapasya) ay may kapangyarihan ang Korte Suprema na manghimasok sa galaw ng Kongreso. Pinakikialam lamang nila ang mga may kondisyon o pagbabawal tulad ng one-year bar. Hindi isyu na wala pa sa Senado ang kaso ng impeachment.
- Ang payo ni Salonga sa Korte Suprema ay hayaan ang Senado ang magdesisyon sa petisyon dahil magkapantay ang Kongreso at Korte Suprema dahil Senado nga ang naatasan ng Konstitusyon na maging huwes ng impeachment at hindi ang Korte Suprema.
- Si Francisco na ordinaryong mamamayan at iba pang nagpetisyon ay pinayagan ng Korte Suprema na maghain na pigilan (may karapatan bang magsampa ng petisyon) ang impeachment ni Davide. Pero hindi ito ang unang pagkakataon. Ang karapatan ng mamamayan na ireklamo ang gobyerno ay dati na nating karapatan: “It is the right and duty of a citizen to make a complaint of any misconduct on the part of public officials, which comes to his notice, to those charged with supervision over them.” na galing sa Sazon vs. People, G.R. No. 120715, March 29, 1996 citing Daez v. Court of Appeals.
- Nanalo si Francisco at iba pang nag petisyon dahil labag sa batas ang panuntunan na ginawa ng MK na ang “initiate” (panimula) ng proceedings ay hindi sa araw nang pagdesisyon ng HCoJ kundi sa araw na ipasa ito sa kanila (file and refer) na may kasamang “initial action” (pinamulan nang aksyon) ng MK para paumpisahan ang proseso ng pagrereklamo (impeachment proceedings).
- Sa impeachment ni Sara, ang tatlong reklamo ay hinarang ng MK (mga 12 na kongresista). Ang sabi ni Sara, ang pagharang na ito ay “initial action”. Dahil dito ang tatlong reklamo ang naunang nag “initiate” ng “proceedings” at hindi yung pang-apat na reklamo na ginawa sa shortcut method.
Carryover o Crossover
- Tandaan na ang Articles of Impeachment ay binalik sa MK para sertipikahan na walang nilabag sa Saligang Batas ang MK sa impeachment proceeding kay Sara.
- Sa Senado, ang impeachment case ay tinuturing na bill (panukala) na inaaksyunan ng mga senador, katulad ng mga panukalang batas na araw-araw nilang tinatrabaho.
- Ayon kay Roque, dahil ang impeachment case ay hindi nalitis ng Senado ng 19th Congress, ito ay terminated na at mag-umpisa uli sa 20th Congress (kaka assume ng office netong June 30, 2025) lalo na hindi “continuing body” kasi wala daw quorum (lagpas 12 na senador) para ituloy ang paglilitis sa impeachment. Mali dito si Roque dahil ang tunay na dahilan kung bakit hindi continuing body ang Senado ay dahil ang mga batches ng Senado ay magkakahiwalay (separate) at walang pakialaman (independent).
- Sa totoo lang, ang konsepto na separate at independent ay galing sa “parlaimentary sovereignty or supremacy” ng English law na ang kasalukuyang Kongreso ay di kailangang sundan (not bound) ang desisyon ng sinundan nilang Kongreso at hindi naman sila kailangang sundin (not binding) ng Kongresong susunod sa kanila.
- Kaya lang ang konsepto na hindi continuing body ay para lamang sa mga pang araw-araw na gawain at tungkulin (day-to-day business) ng Kongreso: ang paggawa ng batas ngunit hindi sa madalang na impeachment. Samakatwid, ang Senado ay continuing body sa usapang impeachment. Hindi na kailangan pang idebate, gaya ng sagot ng MK kay Sara na napaka importante ng impeachment para ituring na continuing body ang Senado.
- Dahil ang impeachment case ay hindi pang-araw-araw na ginagawa ng Senado, ito ay hindi kasama sa termination ng unfinished business at ang Senado ay isang continuing body. Hindi naman isyu ang quorum ng Senado sa usaping ito.
- Mali si Roque na Senado ang mag resolba ng depensa ni Sara na one-year bar at carryover o cross-over. Una, nagdesisyon na ang Korte Suprema sa Francisco vs House ukol sa one-year bar. Hindi ito sakop ng “sole power to try and decide” ng Senado kasi ito ay isyung pagsunod sa Konstitusyon. Ikalawa, nadesisyunan na din ng Balag vs. Senate ang continuing body doctrine.
- Ipagpalagay natin na Senado ang magdesisyon sa dalawang depensa ni Sara, sabi ni Roque na batas (legal question) at polisiya (political question) ang pagbabatayan ng Senado. Tama sya dito pero mali ukol sa anong sakop ng polisiya. Ang impeachment ay para panagutin ang kataksilan sa bayan ng opisyal (tulad ng high crime ba ang grave threat) at hindi kung ito ay praktikal na ituloy sa daming problema mg bayan.
- Mali si Roque na hindi makikialam ang Korte Suprema sa one-year bar at sa crossover. E nakialam na nga (basahin ang numero 7) at ito ay sakop ng kanilang kapangyarihang suriin (judicial review) ang “abuse of discretion” o usapang pagsunod sa Konstitusyon.
- Hindi isyu kung malaki o maliit na isyu ang dalawang depensa ni Sara. Mali din si Roque na wala daw precedent (na desisyunan na ng Korte Suprema). Meron na nga sa one-year bar sa Francisco kahit iba lang ng konti ang pangyayari (facts) pero pareho ng isyu: na “initiate” ba ang naunang reklamo ang impeachment proceedings. Meron din precedent sa crossover kasi nga continuing body nga ang Senado sa mga isyung hindi pang araw-araw. Basahin ang numero 7 at 9.
- Mali si Roque ukol sa punto ng impeachment sa Amerika. Ang dahilan ay hindi quorum or majority kundi ang impeachment ay hindi nga “day-to-day” business ng Kongreso (basahin ang numero 5 at 6). Hindi isyu ang quorum gaya nang nasabi na.
Kaya sa aming paliwanang sa aming reaksyon, tama ba si Roque? Panalo si Sara sa one-year bar pero talo sya sa crossover.
Ano naman ang abuso ng gobyerno dito?
Ang ikalawang reklamo ay na one-year bar kasi nga ang pagharang ay isang “initial action” kasi nga ang pagdesisyon o pag aksyon ay iproseso o hindi iproseso. Ang pag hindi proseso ng MK ay isang abuso ng gobyerno.
#AbusoNgGoberyno
#AbusongMababangKamara
Leave a Reply