PETISYON NG TAUMBAYAN

NAG DESISYON NA ANG KORTE SUPREMA NA WALA DAW MALI ANG PANUNTUNAN NA ITO.
Ang panuntunan ng mga opisina ng korte (may basbas ng Korte Suprema), katulisan kapulisan, at NBI ay ikulong ka agad o hindi ka palayain dain may kapangalan ka na akusado na walang middle name sa listahan nila (database) at ikaw ang bahala maglinis ng pangalan mo sa korte sa kakulangan ng kanilang database. Kasama din dito kung may maling spelling sa pangalan mo kahit isang letra.
Labag ito sa Konstitusyon dahil walang “due process of law” at sa ating karapatang pantao (human rights). Isang malaki itong abuso ng gobyerno!


Hindi lamang nagtatatapos sa pagpapatigil ng abuso na ito at paggawa ng batas ng Kongreso, kailangan ding panagutin ang mga kawani ng gobyerno sa mga abusong ito kasama ang parusang pagpapakulong at pagbayad ng danyos sa mga biktima.
Alamin ang mga real cases of injustice dito sa mga links (pansamantala, amin pong ililipat ang mga laman ng links dito sa aming advocacy platform; paki-abangan po):
Galit si Raffy Tulfo
https://www.facebook.com/share/r/19QBichg9N/?mibextid=wwXIfr
Pagkakakulong ni Juan
https://www.facebook.com/share/19aB73HZCo/?mibextid=wwXIfr
Desisyon Ng Korte Suprema Sa Reklamo Ni Juan
https://www.facebook.com/share/16YJAJ1Fbo/?mibextid=wwXIfr
[At iba pa]
Nabiktima ka ba?
Kung kayo ay naging biktima ng di makatarungang abusong operasyong ito ng gobyerno, magsalaysay sa Comment section po o mag email sa amin sa labanan@abusonggobyerno.org at aming ilalathala sa pahinang ito.
ISULONG NATIN ANG BATAS NA SIBAKIN! KAPANGALAN MO, KASO MO.
Kailangan po natin ng 12 million signatures dahil ito ang sapat na boto ng isang senador sa halalan sa 2028.
CRIMES AGAINST HUMANITY
Sa totoo lang po, ito ay isang krimen sa sangkatauhan o crimes against humanity. Ihahain po namin ang reklamo sa International Criminal Court (ICC), UN Commission on Human Rights (CHR) at sa UN Security Council. Bagamat sasabihin ng gobyerno na wala na tayo sa ICC noong Marso 2019 kaya hindi na natin maaring ireklamo ang gobyerno, isa po itong kalokohan. Ang mga krimeng ito ay naganap noon pang habang tayo ay myembro pa ng ICC (bago mag Marso 2019) at hanggang ngayon. Kalokohan ang argumento na hindi na tayo sakop ng ICC dahil umayaw na tayo. So sumali ang Pilipinas para makasumbong ang mga Pilipino sa ICC. Tapos, ang gobyerno ng Pililpinas ay madaling makakalusot sa pananagutan sa mga krimen laban sa sangkatauhan dahil aalisin lang ang Pilipinas sa pagging myembro. Para kang sumali sa basketball na may multa pag na foul ka, tapos pag nag foul ka, sasabihin mo ayaw mo na sumali. Katwirang pulpol po iyon bukod pa sa walang sense. Pag kayo po lumagda, ilagay po ang pangalan ng inyong barangay at bayan o syudad. Kailangan po nating ipakita na buong kapuluan ng Pilipinas ang lumalaban sa itong abuso ng gobyerno!
Leave a Reply