PETISYOn NG TAUMBAYAN


ANG BAWAT TAO AY MAY KARAPATANG MAGING MALAYA SA PILIPINAS, ITO AY INAABUSO NG GOBYERNO.
Ang bawat tayo ay may karapatang maging malaya. Ipagkakait lamang ito sa dalawang sitwasyon: una, kapag ikaw ay nahatulan ng krimen at pangalawa, kapag ikaw ay napagbintangan ng krimen at kailangan kang iharap sa korte.
Sa ikalawang sitwasyon, may karapatan kang ipagtanggol ang iyong sarili sa bintang ng nagparatang sayo sa paunang pagsusuri sa DoJ (tawag ay Preliminary Investigation or P.I.). Magsasampa ang piskal ng kaso laban sayo kung palagay nya na makatwirang sigurado na ikaw ay mapapatunayan na nagkasala (tawag ay reasonable certainty of conviction). Ang ikalawang pagsusuri ay sa huwes ng korte pagkatanggap ng kaso (ang tawag ay information) laban sayo. Kung sa palagay ng huwes na mas malamang ang dahilan at ebidensya na ikaw ay dapat litisin (tawag ay prosecution o trial), iuutos nya na ikaw ay arestuhin (tawag ay warrant of arrest). Kapag ikaw ay naaresto na, nasa ilalim ka na ng kapangyarihan ng korte.
Ngunit hindi lahat ng pag-aresto ay may warrant. Maari kang maaresto ng walang utos ng korte sa tatlo lamang na sitwasyon:
- ikaw ay huli sa akto ng krimen (tawag ay caught in the act or in flagrante delicto);
- may personal na kaalaman ang nag-aresto na ginawa mo ang krimen (ang tawag ay personal knowledge sa hot pursuit); at
- ikaw ay takas sa preso.
Syempre, alam ng taumbayan, na inaabuso ito ng Katulisan Kapulisan at maging ang mga Barangay Butangero. Kapag ang pag-aresto ng walang warrant ay hindi isa sa tatlong sitwasyon na nabanggit, ang nang-aresto ay mananagot sa krimeng “unlawful arrest” sa ilalim ng Article 269 ng Revised Penal Code.
Isa pang syempre, wala kang laban sa mga lantaran at abusadong Katulisan Kapulisan at Barangay Butangero kaya ikaw ay ikukulong. Baril at kung ano-anong pananakot ang gagawin sayo. Iimbestigahan ka na sa presinto paunang pag-aalam kung ikaw ay dapat na patuloy na ikulong (ang tawag ay custodial investigation). Kapag ikaw ay tinanong sa pangyayari ng wala kang abogado, labag ito sa karapatan mong bigay ng Konstitusyon at ang ulat ng pag iimbestiga ay walang bisa. Syempre uli, mga demonyo ang katropa ng Katulisan Kapulisan kaya kahit wala kang abogado, dadalin ka pa rin sa DoJ para para i-inquest, ang ikalawang pag-aalam kung ikaw nga ay dapat na patuloy na ikulong. Ang inquest ang katumbas ng P.I. kapag walang warrant.
Sa inquest, dapat kang may abogado pa rin at ikaw ay bibigyan ng pagkakataon ng maghain ng kontra-salaysay at kontra-ebidensya. Wala ding bisa ang inquest kung labagin ng DoJ puskal ang iyong mga karapatan sa ilalim ng Konstitusyon.
Syempre, dahil sa katropa din ng mga Katulisan Kapulisan ang DoJ puskal, ikaw ay sasampahan pa rin ng kaso o information sa korte. Isa pang dahilan na ikaw ay sasampahan ng kaso kahit alam ng DoJ puskal na ikaw ay na “unlawful arrest” ay dahil sa performance target nila ng conviction rate ay dapat mataas malapit sa 100% kasi nga ang bago nilang batayan sa pagsampa ng kaso ay “reasonable certainty of conviction.”
Mula sa oras nang ikaw ay naaresto hanggang sa oras na isampa ang kaso laban sayo, ito ay bibilangin ng batas sa ilalim ng Article 125 ng Revised Penal Code. Itong batas na ito ang nag poprotekta sa karapatan mong maging malaya laban sa ikalawang sitwasyon na pagkakait sayo ng kalayaan dahil kailangan kang iharap sa korte para sa bintang sayong krimen. Ang proteksyon na ito ay mga hangganang panahon (tawag ay time limits) ng pagkakakulong habang walang kasong isinasampa laban sayo. Depende sa krimen, ito ay isa sa tatlong hangganan:
- 12 oras sa magaan na kaso tulad ng di makatarungang pang-iinis (o Unjust Vexation, alamin ang petisyon namin na ibasura ang krimen na ito)
- 18 oras sa medyang kaso tulad sa pananakot
- 36 oras sa mabigat na kaso tulad ng droga o baril
Habang wala pang sinasampa sayong kaso sa korte sa pamamagitan ng pagsumite ng information sa opisina ng korte, oras na lumagpas ka sa time limit, ikaw ay dapat palayain. Kapag hindi ginawa yan ng Katulisan Kapulisan, DoJ puskal, at BJMP, sila ay mananagot sa krime na “arbitrary detention” sa ilalim ng Article 124 ng Revised Penal Code.
Pero wag ka na umasa na sinusunod ng mga abusadong kahayupan sa gobyerno ang mga batas na yan. Kasi nga pabrika ng pagpapakulong ng mga mahihirap ang sistema ng hustisya natin sa Pilipinas.
Ano ngayon ang kinalaman nito sa Petisyon Sibakin! Sarado Gobyerno, Sarado Karapatan Mo?
Ang dahilan ay kapag ikaw ay naaresto ng walang warrant at dadaan sa Sabado, Linggo o holiday ang pagkakakulong mo at wala pang information sa Korte, hindi kasama sa bilang ng time limit ng Article 125 ang mga oras habang sarado ang gobyerno!
E sino ba nagsabi na ganito ang patakaran? Walang iba kundi ang hindi natin hinalal na Korte Suprema – ang natatanging sangay ng gobyerno na protektahan ang mga sinasaad na mga karapatan ng taumbayan sa ilalim ng Konstitusyon.
Mula pa noong 1966, ito na ang patakaran na Korte Problema. Alamin ang kwento ng ating kababayan na si Soria at Bista na nagreklamo sa Korte Suprema na dinesisyunan noong 2005 at ang kanilang basehan ay ang desisyon ng kanilang ninuno ding Korte Problema.
Pagkakataon na sana ng Korte Suprema na baguhin ang walang katwirang patakaran na ito. Alaming ang kwento at ang nasabing katwirang baluktot ng Korte Problema. Basahin at panoorin ito sa apat na bahagi ng paglalathala (sa ngayon FB links muna habang hindi pa namin naililipat dito sa aming advocacy platform):
Part 1 of 4
https://www.facebook.com/share/v/15oKfqzyqv/?mibextid=wwXIfr
Part 2 of 4
https://www.facebook.com/share/v/16VztQwFPy/?mibextid=wwXIfr
Part 3 of 4
https://www.facebook.com/share/v/12L9r8Zdmq5/?mibextid=wwXIfr
Part 4 of 4
https://www.facebook.com/share/r/1AhWBAhZKG/?mibextid=wwXIfr
Leave a Reply