Pakinggan maigi ang interview ng CHR. Pinaigsi po namin ito sa halos 5 minuto mula sa 18 minuto ng video https://youtu.be/4i0YiD6GX80?si=vMzI14avVo9OAcaE:

Talagang walang silbi ang CHR. Bungal naman ito. Bakit kasi nilikha pa ito ng Konstitusyon?

Una, sinarado ang pag-imbestiga sa kaso ng mga sabungero kasi nga walang ginawa. Ang palusot “blank wall” o pader ang kanilang natagpuan. Palusot pa rin: ganon din daw ang ibang ahensya ng gobyerno na nag-imbestiga. Langya, apat na taon nag-iimbestiga hindi alam ang ibig sabihin ng “tyope”?

Pangalawa, e aksyon daw nila agad ay humingi ng kopya ng salaysay ni Totoy. Ano pa gagawin ng Commission on Human Waste e DoJ na nga nag-iimbestiga, magsasampa ng kaso at mag uusig. Papansinin ba sila ng DoJ? Pampagulo lamang ang Commission on Human Waste. Nakikisawsaw ang mga pusang namamasyal (tawag ay dispatch, haha) na ito sa Taal. Papansinin ba sila ni Totoy? Baka sila ilaglag ni Totoy sa bulkan kesa sa septic tank.

Tinitingnan daw ng Commission on Human Waste kung may human rights violation daw (paglabag sa karapatang pangtao) tulad ng right to life (karapatan sa buhay). Tapos dinugtong pa kapag may criminal violation daw ay magbigay sila ng report sa DoJ “BAKA SAKALING” makatulong. At dahil Katulisan Kapulisan ang sangkot, kung may nakita daw silang administrative violation “BAKA SAKALING” makatulong sa pagpapatanggal sa trabaho. BAKA SAKALI namang kayo na Commission on Human Waste ang magkusang mag flush ng sarili nyo sa toilet. Hindi ba kayo nahihiya sa bayan, wala kayong silbi. Baka sakali?

E kundi ba naman isang mabahong tanga etong Commission on Human Waste ay krimeng mass murder na nga! Human right violation ito, matik! Kapag na convict, matik na rin tanggal sa serbisyo.

Eto pa, yung Ombudsman complaint daw E KUNG baka sakaling may magreklamo. Tungkulin ng hindi taeng CHR ang magsampa ng kaso. Kasi nga ang posisyon ng Commission on Human Waste sa bagay na yan e, hindi sila ang magrereklamo, kailangan daw biktima o pamilya nito. E ano pa nga ba ang silbi ng Commission on Human Waste?

So ibig sabihin, kung hindi sila makakapag sampa ng kaso at nagma-Marites lamang sila sa “kung ano ang mga ginagawa ng mga offices” ng ibang ahensya ng gobyerno, e ano pa ang papel ng Commission on Human Waste sa mga biktima at pamilya nito? Meron naman, pamunas ng pwet para ma-flush sa kubeta.

Sa totoo lang bayan, isang malaking tae ang Commission on Human Waste na dapat talaga nang i-flush sa kubeta. Pero, para kay Totoy, sunugin sa Taal bulkan!


Paunawa:ย Ang short clip ay mula sa pinagdugtong-dugtong na importanteng bahagi ng video ng DZMM News https://youtu.be/4i0YiD6GX80?si=vMzI14avVo9OAcaE

#SibakinCHR | #CHRWasteOfSpace | #IlaglagSaTaalBulkan


๐Ÿ‘
1
๐Ÿ‘
0
โค๏ธ
4
๐Ÿ™
0
๐Ÿ˜ข
0
๐Ÿ˜ก
0

KABAYAN, ALAMIN IBA PANG MGA SUMUSUNOD NA NILATHALA …
Ang problema ba ay sindikato o gobyerno?

https://youtu.be/FnGLkVaz_Z0 Sabi ni SoJ Remulla ay kapani-paniwala si Alyas Totoy na sya namang nagsabi Katulisan Kapulisan ang pumatay sa 108 Read more

Flush Na Sa Toilet: Commission on Human Waste

https://youtube.com/shorts/6mWgBw1SBeo O after 4 years na walang nagawa sa mga biktima ng pagpaslang sa mga sabungero, nag pa prayer rally Read more

NUPL band-aid approach, ang Abuso Ng Gobyerno immunize

Maigi naman at sinagip ng NUPL ang kababayan natin. Kaya lang band-aid approach. Selective papogi. Di naisip ang tamang solusyon Read more

Eden Santos: Huwag Nyo Kasing Santuhin!

Mga Ibang Reporters Hindi Masabi Gusto. Takot? Nahihiya? https://youtu.be/3dGPt8p6Cpc?si=ozen4yA4ASIsR5QB Paunawa: Ang clips ay pinagdugtong mula sa mga videos ng DZMM Read more


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *